Chapter 38; Rude

2.7K 137 9
                                    

Nararamdaman ko ang init na nakayakap sakin. Wala na sa bewang ko ang mga kamay nya. Nawalan narin ako ng lakas para kumilos.

Parang, ang init.

Nakikita ko ang kurtina ang bahay namin.

Nasusunog.

Napakaitim na nang usok, masakit sa dibdib ko at parang gustong pumikit ng mga mata ko.

Ang init, parang nasusunog ako. Bakit ganito? Bakit ganito?

Naalala ko.

Malaki. Malaking apoy!

Hindi ko na kayang apulahin sa laki ng apoy nayan.

"Tulllongg!!! Tuluggan nyo po ako!!!" Sigaw ko sa labas baka may makarinig.

Nagumpisa naring umubo ako at nahihilo.

Ang laki ng apoy.

Pero hindi ako nakakilos.

Pinagmasdan ko lang kung papaano kumalat ang sunog sa boung bahay at kahit na mabigat ang mga mata ko.

Nakayanan kong tignan ang pagkasunog ng paligid ko.

Ang init. Napakainit.

Nasusunog na mismo ang balat ko. Ang hapdi.

Eto na yata ang wakas ko.

"Wake up, wake up!"

Napamulat ako, nakikita ko ang mga bituin sa langit.

"A- Ang ganda." Banggit ko sa mga nakikita ko sa langit.

It is blue. Napakaganda.

Pero bakit ganun, kung kanina lang pakiramdam ko ang init, ngayon napakalamig naman. Pero okay lang ako sa malamig.

Ganun nga siguro kung ano ang kinakatakutan mo ngayon ay ang syang dahilan nang pagkapataw mo sa ibang mundo o buhay mo.

Parang ganun nga ang nangyari sakin. Nabasa ko lang iyon noon sa fb ngayon naman nararanasan ko na mismo.

Pero bakit ganun.

"H-huh?" Bakit nawawala ng mga bituin? Bakit parang kumukurap?

"You're okay now."

Sino iyon?

Sino yung nagsasalita?

Teka, nagsasalita? Kumukurap?

Napabangon ako pero wrong move yata dahil naramdaman ko ang matigas na bagay na bumunggo sakin.

"Agh!!!"

"Damn it."

As reflexes ay agad kong tinakpan ang bibig nya.

May mask sya.

Ngayon alam ko na bakit kumukurap.

Hindi pala bituin ang nakita ko, mga mata pala. Napakagandang mga mata.

Sya pala ang may ari nun.

"Wag kang magmumura." Sabi ko, hawak ng kanang kamay ko ang bibig nya at ang kaliwang kamay ko naman ay nasa noo ko.

Masakit ang pagkakabungo namin.

Tumango naman Ito sakin at iniwas ang napakaganda nyang mga mata sa akin. Huh? Bakit?

Ngayon ko lang naisip.

Nakahubad pala ako.

"Tumalikod ka!!!" Sigaw ko at yakap-yakap ang sarili.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now