Chapter 39; Balliol City

2.7K 112 0
                                    

When you think about it.

Hindi ko talaga alam anong gagawin nya sa underwear ko!! 😤

Sa tingin ko mas appropriate ang underwear na sabihin kaysa sa panty.

Napaiwas ako ng tingin sa dinaanan ng lalaking iyon. Sana hindi na sya bumalik.

Bastos ang gawin iyon at immoral ang gawaing ginawa nya. Nagpapasalamat nga ako at niligtas nya ako pero pag ang kapalalit ay ang dignidad ko bilang babae. Sapat ba yon?

Hindi.

"Sana hindi na kita makita muli." Ani ko at tumalikod.

Kailangan kong kalimutan ang nangyaring ito at may mahaba-haba pa akong lalakbayin.

Kailangan kong magpahinga at maghanda sa mga pwede pang mangyayari.

Move and forget about it.

But, I close my eyes kneel and pray.

After my prayer. I find the perfect spot to sleep and lay on the cold ground. So much for my night.

*Twit! Twit!*

I opened my eyes.

May araw na. Kailangan ko ng maghanda.
Bumangon ako kahit na medyo masakit ang balakang ko.

Komportable naman ako sa hinigaan ko pero hindi sanay ang katawan ko. Pero iba ngayon, kailangang masanay ang katawan ko.

Dahil sa mga possibleng mangyari at mangyayari. Hindi possibleng puro lang liwanag ang makikita.

Kumain muna ako at pinaliguan ang kabayo ko.

Tinignan ko ang mapa. "Nandito ako. Ang susunod na aking tatahakin ay ang  Balliol City."

Ang Balliol City ay kilala bilang maliit pero malalakas na retired soldiers. Dito na nagpapahinga ang mga sundalo.

Iyon lang ang impormasyong hawak ko sa lugar na iyon pero sa tingin ko. Hindi dapat ako magpabahala.

Mga sundalo sila hindi ba? Kung ganun.

May kakaiba rito.

Kailangan kong tawirin ang Balliol City para makapunta sa Stuart  is known for their wines and high class agriculture. On top of that, ahem. I heard from the maids that Balliol Kingdom is also known for their appealing men.

Hindi ako interesante sa mga lalaki kaya nga nagmadre ako. Pero importante yon  ngayon dahil halos popyulasyon ng kalalakihan ay noble at nakadalo sa Coming of Age!!

At nalaman kong madami kaming kadugo sa Stuart Kingdom. I guess it runs on our blood.

Kailangan ko nga tawirin ang Balliol City. Kailangan kong magingat.

"Hiya!!!!" Kinambyo ko na ang kabayo at mabilis kong pinatakbo ang kabayo ko.

Sa kalagitnaan ng gubat.

Nakikita ko na.

Naglalabasan ang mga usok mula sa mga bahay nila at parang yung mga bahay sa Europe. Ganun yung mga itsura ng bahay.

Inilibot ko ang tingin sa paligid.

Napakadaming kawal ang nagbabantay. Makakapasok kaya ako?

Bahala na. Kailangan kong gawin ito.

Bumaba ako sa kabayo at lumapit ako sa isang kawal.

Nang nakita ako nito ay hindi ito nagdalawang isip na itutok sakin ang espada. "Sino ka?!"

Once A (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon