Chapter 40; Information

2.5K 110 1
                                    

May kakaiba dito.

Sinong mag aakala na ang Isa sa mga tapat na sugo at kawal ng Windsor Kingdom ay Isang pinuno ng maliit na bayan.

Nakakapagtaka. Ano ang ginagawa nya? At ano ang ibig sabihin ng mga papeles na nakalap ko?

Ang mga nawawalang bata, mga batang walang Ina, talaan ng mga batas at kung iba-iba pa akong nakita.

Ano ang Balliol City? Parang isang agency? Information agency?

Ang nilapitan ko para mahanap at imbestigahan ang nangyari sakin ay ng pinuno ng Balliol City.

Ano sa tingin mo ang maiisip ko? Napapakagduda.

Bumalik na ako sa upuan ko at kinuha ang first aid kit na binigay nya sakin.

Nilinisan ako ang sugat ko at tinakpan ito ng bulak.

Pwede na.

"Crown Princess Amelia eto na po."

Nandito na sya.

"Salamat." Ani ko at kinuha ang inumin. Binaba ko muna ito at tinignan ko sya.

Nasa 40's na ang pinuno ng Balliol City. Wala rin syang pamilya, pero bakit sya nandito?

"Napakahabang kwento ang buhay ko Crown Princess Amelia. At kung papaano ako napadpad sa inyong bansa."

Talaga ba?

Ang sarap sabihing I'm all ears. But no. Gotta respect that he looks like a good person for his age.

"Sa totoo lang ay tinawag mismo ako ng Emperador na ang iyong ama para tulungan ka."

Si Father nga ang nagpakilala sakanya. Mapagkakatiwalaan daw sya. Pero ano ba ang nasa kanya? Hindi pa siguro ito ang oras/storya para malaman yon.

"Kung ganun, napakagandang oras ito para sabihin mo sakin ano ang nalaman sa araw nayon. Kung meroon kamang nalaman." I dismissed the topic about him.

Hindi naman ako nandito para sakanya. Nandito ako para imbestigahan at malaman kung sino ang ama ng mga anak ko.

Parang sa tono ko, ang sama kong Ina. One night stand. Aish.

Tumango naman Ito sakin at lumapit sa isang cabinet.

Nakita ko ang susi na hawak nya at binuksan ang cabinet.

Ito na yata ang sandali.

Mas maganda at mapapadali talaga pag may CCTV dito eh.

"Eto na. Ikaw na mismo ang magbasa Lady Amelia."

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Kinuha ko mula sa mga kamay nya ang folder.

Case No. 1128
Official; Crown Princess Amelia of Windsor Empire
Completion of the investigation; 3/7/46C
Under; Ikoss

History - 13/29/41C (date)
Windsor Palace (location)
Princess Amelia coming of age (event)

Statements/Witness;  #1. Sa pagkakaalala ko pagkatapos kung maisayaw ang aking Prinsesa ay sinabi nyang gusto nyang sulitin ang boung gabi para magsaya. Kaya hinayaan ko sya.
#2. "Nakita ko ang Crown Princess na lumabas sa ballroom.
#3. " Nagtatabako ako sa labas at nakita ko ang Crown Princess at isang lalaki.
#4. "Ah, nakita ko ang Crown Princess na pumasok sa isang silid na pagewang-gewang. Lasing na yata yun eh.
#5. Naalala ko, nakita ko ang Crown Princess na unang pumasok sa isang silid tapos nabigla ako na may pumasok rin sa pinto.
#6.  Kasama nya ako doon, nakita namin na pumasok ang lalaki sa silid na pinasukan ng Crown Princess. Papasok din sana kami para makiusyoso pero nilapitan kami ni Duke Liolel Stuart at pinaalis nya kami para Iwan ang dalawa.
#7. Dalawang oras ang lumipas nang natapos ang pagdiriwang sa kaarawan ng Crown Princess nang may nakita akong lalaki na lumabas sa palasyo. Naglilinis ako sa likod ng kusina nang may biglang tumalon mula sa ikalawang palapag. Nagulat ako doon pero nakita kong ang buhok nang lalaking iyon ay blonde.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now