Chapter 6; Mister

5.9K 236 3
                                    


"Dito po kayooo~" tawag ko sa mga tao para lumapit sila sakin.

"Minatamis kayo dyan!!!"

We were giving them a free pastry and breads.

In this world, bread were really expensive. Kahit naman sa Earth ganun rin.

Eto talaga ang plano ko. And, thank goodness may mga guard na naka alalay sa mga anak ko.

Kaya nanghingi ako ng support sa emperor.

Baka kasi mabigla na lang sya pag narinig nya ang pinag gagawa ko.

Pero okay lang naman kasi naka mask naman ako at mga mata lang ang nakikita nila sakin.

Nasa bahay lang rin ang mga bata kaya siguradong ligtas lang sila tsaka kasama naman nila si Nina doon.

Unang lumapit sakin ang mga bata.

May sigla sa mga mata nila at ang pagkasabik na matikman ang mga pinatamis na ginawa namin.

"Sige, dahan- dahan lang mga bata! Lahat kayo mabibigyan ko!"

Yumuko ako para mabigyan ang mga bata nang mas madali.

"Eto sayo." Nginitian ako nang bata at parang kumilislap pa ang mga mata nang matanggap ang chocolate muffin nya.

"Salamat po." Awe, ang bait naman ng batang toh.

Ginulo ko pa ang magulo na nitong buhok at sumalubong sakin ang Isa pang bata.

Kahit hindi nila kita ang ngiti ko ay tinitiyak kong alam nilang masaya ako dahil sa mga mata ko.

Tulad nang isang batang toh.

Imbes na sa pagkain sya nakatuon. Naka pokus sya sa mukha ko. Lalo na sa mga mata ko.

"A-ang ganda po ng mga mata nyo." Tinap ko ang ulo nya at nagpasalamat.

Jusko sinsabi ko sainyo, tong mukhang to ang magpapahwak sa akin. Hay,

Hindi lang isang muffin o biscuit ang binibigay namin.

Binalot namin. Para isang set na. Grabe naman kung magbibigay ka na nga lang isa lang diba? Kaya napagisipan kong ibalot nalang ito para mas tumagal at may makakain pa sila.

Madami pa naman.

"Lady Amelia okay lang po ba kayo?" Nilingon ko si Gigi at tinanguan.

Hinawakan ko sya sa braso. "Ayos lang ako. Halika lumapit nalang tayo baka nahihiya lang sila."

Tinuro ko ang mga matatanda na nag bebenta nang kung ano-ano sa daan.

"Lady Amelia, wag nyo rin po sanang kalimutan na may iba rin talaga na masasama na katulad namin. Delikado po kasi ang ginagawa natin." Puno ng pangambang sabi ni Gigi.

Naisip ko narin yan.

"Okay lang Gigi. Alam ko din iyon." I assured her and walk passed her.

Lumapit ako sa matandang babae na nagbebenta ng polseras.

Tinapik ko ito sa balikat. Nasa 60's na Ito at hawak-hawak nya pa ang braso nya. Siguro napulikutan ito.

Nilingon ako nito.

"Nay, eto po." Pinakita ko sakanya ang dala kong biscuit.

"Ah, salamat iha. Hindi pa kasi kami kumakain. Kanina pa kaming takipsilim. Inaabangan kasi namin ang pag luwas ng mga maharlika rito sa daan."

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now