Chapter 41; Stuart Kingdom

2.4K 123 1
                                    

Luckily for me, kung kanina ang init ng panahon. Now, afternoon. It's cloudy.

I am sure it won't rain. Just the weather is so nice today.

Napangiti ako.

Malapit na ako. Malapit ko nang malaman kung sino ang ama ng mga bata at kung ano ba talaga ang nangyari. One night stand nga ba?

"Yah!!!" Mas binilisan ko ang takbo hanggang sa mas lumawak ang ngiti ko nang nakita ang karatulang.

Welcome to Stuart Kingdom.

It is made of silver strokes and it's really pretty.

Full of handsome man huh.

Bumaba na ako nang madaanan ko na ang palengke nila.

"Eto oh! Bago palang toh!"

"Mama bili tayo nun!!"

"Gusto ko yon!!"

"Bili na kayo!!!"

Napakalaki ang pagkakaiba nila ng Middleton Kingdom. Noong nandoon ako sa Agora. Magulo at maingay din, pero hindi organisado. Hindi tulad dito.

Parang may kanya-kanyang pwesto ang mga nagtitinda. Organisado talaga at malinis pa.

Nabigla ako nang may humawak sa pulso ko.

"Hija! Bili ka na! Mukhang manlalakbay ka oh manlalakal!" Isang babaeng matanda. Tinuro nya ang mga telang burda.

"Bili ka na hija! Magaganda ang mga gawa ko!" Pangungumbinsi pa nya sakin.

Bibili ba ako? Tinignan ko ang kabuoan ng matanda. Maayos at malinis ang itsura nila pero puno ng pagod ang mukha.

"Sige po. Dalawa po. Pwede po bang ipaburda ang mga pangalan?"

"Ah! Ireregalo mo ba hija?"

Bat ang dami mong tanong nay?

Ngumiti ako at tumango. "Para sa kaarawan."

Masayang hinila naman ako nito sa sakanyang tindahan.

"Pili ka ng desenyo hija! At bigyan mo lang ako ng oras! Ano ba ang mga pangalan na iyan?"  Ngumiti ito sakin at pinakita nya ang mga handkerchief.

Maganda.

May buwan, bulaklak, mga bituin, hayop at mga kurba. May iba't Ibang kulay din na pwedeng pagpilian.

"Yuri at Yuna po. Y-U-R-I at Y-U-N-A."

"Sige! Sige! Balikan mo bukas ng umaga hija! Matapos din! Bukas mo narin ako bayaran para makasigurado ka." H-ha?

"S-sige po." Saad ko nalang at nagpasalamat bago umalis sakanyang tindahan.

Napakakaiba naman yon. Gusto nyang pagkatiwalaan ko sya. Pero pano naman ako? Kung gagawin nya ang pinagagawa ko tapos hindi na ako bumalik. Masasayang ang pinaghirapan nya.

Tsk. Tsk.

Napailing nalang ako at hindi na nagtingin- tignin pa sa mga nanininda. Dumeretso nalang ako sa palasyo.

Duke Liolel Stuart. Cousin of the current Vargaz King.

Hindi na ako nagulat pa nang makita ang kabuohang palasyo. Purong puti ito at parang may pagkakahawig doon sa castle nung sa pelikulang The Lord Of The Rings. Yung may tree of life? Ganun ang castle nila. Nasa itaas at nakakapagod akyatin.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now