Epilogue

3.9K 107 0
                                    

Pinayagan ako ni Father na dalhin ang mga anak ko sa Mountbatten Empire and Azriel, was given a task to return us all in one piece.

My father clearly threatened him but he seems unfazed.

Hinawakan ko ang kamay ni Azriel na nakapatong sa hita nya. "What's wrong?"

Kung ako busy at tambak na nang papales dahil sa isang party lang sya pa kaya na mas malaki ang nasasakupan nya???

Azriel look at me and caress my cheek with his other hand.  "Do I look tired?"

I shrugged. Hindi naman.

"Nakikita ko lang na malayo ang iniisip mo. Ano bayon?"

Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip nya. Kung ano ang iniisip nya ngayon.

Mukhang hindi nababasa ang mukha nya.

Nginitian nya lang ako at kinuha nya ang kamay ko at dinala ito sa labi nya.

Mas gusto nya talagang halikan ang likod ng palad ko.

Pero nakakakilig parin talaga ang ginawa nya para sakin.

Simple lang pero iba ang hatid sakin.

Nakatagilid sya ngayon at ang ulo nya ay nakasubsob sa leeg ko.

Ang dalawang bulilit naman na kasama namin ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

Excited raw sila na makita ang pinagmulan ng kanilang ama.

Naikwento ni Yuna at Yuri ang mga nalaman nila tungkol sa Mountbatten Empire.

Mula sa mga naririnig nila sa ibang tao at tsaka sa mga nalaman nila sa libro.

Madami nga talang nalaman ang mga anak ko.

Baka pwede kong bigyan ng benepisyo ang Eskwelahan ni Second pag nag patuloy- tuloy ito.

"Sabi ng teacher ko mama, Isa ang Mountbatten Empire na kasapi sa malaki at prestersyosong Star Circle group. Binubuo ng limang emperor sa limang malaki, malakas, makapangyarihan, matalino, mabait, kinakatakutan na Emperador a Imogen!!" Kwento ni Yuna sa mga natutunan nya.

"Atsaka mama! Kasama pala sa limang yon si Papa at si Lolo!! Ang Windsor at ang Mountbatten ay kasama sa grupo ng Star Circle!!"

Napatango ako sa narinig. Definitely. 

"Yes my little princess. Noon pa man ay malaki na ang ugnayan  ng Mountbatten at Windsor." Sagot nya sa anak bilang konpermisyon.

Pero hindi lang yon ang ginawa ni Azriel. Hinaplos nya rin ang buhok ng anak namin na nakatingin sa amin. "Good girl. Very smart!" Puri nya sa anak nya.

Tsk tsk.

"So papa, pwede bang malaman kung totoo ang sinasabi na brutal at walang awa ang Mountbatten?" Ngayon naman ay si Yuri ay nagtanong rin.

Napakunot noo ako sa narinig kong tanong nya. "Bakit naman yan ang tanong mo anak?"

Hindi ako sinagot ng anak ko, ibig sabihin narinig nya lang yon sa iba at gusto nyang malaman sa kanyang ama kung totoo ba ang mga usap- usapan tungkol sa Mountbatten.

Ang ama pa naman nya ang Emperor ng Mountbatten.

Meaning nun may karapatan rin sila na ipag tanggol ang Mountbatten sa mga naninira nito dahil may dugo rin sila ng Mountbatten sa katawan nila.

"Well little prince. Hindi naman lahat. May dalawang side ang tao anak."

Gusto kong makinig sa sasabihin ni Azriel kaya kahit ako ay natahimik rin at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

Dalawang side?

Lumapit sa amin si Yuna at mukhang nagisng interesado rin sya sa sasabihin ng kanyang ama.  "Ano yung dalawang side papa?"

Nilubayan ni Azriel ang balikat ko.

Tinignan nya muna ako tsaka hinila ang dalawang anak namin sa bisig nya. 

"Ang dalawang side ng tao na sinasabi ni papa ay ang side na mabait ofcourse at ang side na masama."

Bakit feeling ko may kasunod ang sinasabi nya? At kulang?

Kaya naman ay nagsalita rin ako para dugtungan ang sinasabi nya.

"Dalawa lang? Tatlo sila." Hinawakan ko ang kamay ni Azriel at pinisil ito.

Hindi naman mali ang sinabi ni Azriel pero may kulang.

"Kasi may partikular na mga ang tao na nasa gitna lang. Masama pero mabait. Mabait pero masama. Hindi lahat ng mga mabait na nakikita mo ay mabait na. At hindi rin lahat ng makikita mong masama ay masama na. May mga tao na nasa gitna lang dahil alam nila ang kakayahan nila. At kung nasa masama kalang o mabait ka lang. May kwento sa likod ng mabait at masama mong ugali."


Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now