Chapter 15; Crown Princess

4.5K 183 1
                                    

Tinignan ko si Gigi at Nina.

"Handa na ba?" Tanong ko sakanila.

Tumango ang dalawa sakin at itinaas ang susuotin ko.

It's time.

Pagkatapos kong sunduin ang mga bata ay napagpasyahang naming tatlo na mag spa kami at mag relax para sa okasyon ngayong gabi.

The kids were not relax.

Napalunok naman ako ng napatingin sa corset. Masakit yan, nakikita ko sa mga pelikula.

Sinirado nina Gigi at Nina ang pintuan at pinaupo ako sa vanity ko table at sila na ang nagkalikot sa buhok ko.

Buhok ko yata ang una tsaka makeup tsaka na damit.

Napakadami talagang gagawin ang babae.

Hay,

Pinagmasdan ko lang silang gawin ang buhok ko.

Hindi naman masakit.

Unang ginawa nila ay brinaid ang blonde kong buhok tsaka inikot ito at ginawang bun.

"Eto." Binigay ni Nina kay Gigi ang isang silver lace headband na ang desenyo ay perlas at mga diamonds.

Napakaganda.

Gumawa rin sila ng curly side bangs ko.

Para na akong Dyosa charot.

Binigyan nila ako ng minuto na tignan ang ang aking sarili. Kakaiba.

"Nagustuhan nyo po ba ang buhok nyo Lady Amelia?"

Tumango naman ako at binigyan sila ng ngiti.

"Oo naman." Sagot ko.

Sunod naman ay namangha ako nang makita ang eyeshadow na nasa harapan ko.

Ano bang color ang theme?

Nilagyan nila ako ng primer at nag umpisa nalang silang kumuha ng kulay na ilagay sa mga mata ko.

Una ay puti, tsaka light blue at kaunting silver naman sa inner tear dox at shimmer.

No need for maskara or falsies kasi perfect na ang mga mata, no blush on rin, at kaunting highlighter lang.

Pinapili din nila ako ng lipstick.

Yung pale pink ba o yung medyo nude.

Syempre yung nude pinili ko.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng dalawa nang nakita ang gawa nila.

"Kaunti lang ang nilagay namin pero Lady Amelia ang laki ng pinagbago mo! Mas maganda ka pa lalo!!" Exaggerating na sabi ni Gigi.

Sus kala nya maniniwala ako sakanya.

Napailing nalang ako at pinagbihis nila ako ng pangloob.

Nginitian ako ni Nina at binigay sakin ang corset. "Eto po Lady Amelia."

Ngumiti ako ng hilaw sakanya at sinuot parin ito.

Nang lumabas ako ay naka ready na silang hilahin ang lace sa likod.

Napangiwi ako sa sakit habang hinihigpitan nila ang pagkakatali sa likod ko.

"Wew!" Ani ko, narinig ko naman ang mahinang tawa ng dalawa.

"Handa na po ang dress nyo Lady Amelia. Tiyak na madaming gustong makasayaw ka ngayon. Lalo na't hindi mo maaaring isuot ang iyong balabal." Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Gigi.

Once A (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon