Chapter 25; Party Crashers

3.1K 130 7
                                    

Tinignan naming tatlo ang isang dalaga ko.

Pero imbes na sagutin ako nito ay napatingin ito sa mga daliring nilalaro. Mukhang takot ito sa akin- amin.

"Lady Wettin, yes?"

Lady Wettin?

Tinignan ako ni Melissa na nagtataka.

Hindi ko kilala ang dilag na nasa harapan namin. Tinuro ko si Lady Wettin, mukha namang naintindihan ako nito ang pagkakaturo ko at lumapit sa tenga ko.

"She's the 12th daughter or the King Wettin." Bulong mga sakin tsaka bahagyang lumayo.

What? 12th?

Tinignan ko ang dilag na nasa harapan ko at napasulyap sa table na Queen.

Sure akong di nagkakalayo ang edad nila. Pero papaano? 12th?

Ilang beses ba nagpakasal ang Hari ng Wettin Kingdom? Matanda na siguro ito.

"I-isa po a-ako sa makakasama nyo sa ta-table."

Kinakabahan nga talaga ito sa amin.

Tumayo ako at hinawakan ang balikat nya.

"If that's so come on sit already." Sabi ko, at narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kababaihan. Eh?

"Amelia." Tawag sakin ni Adaria.

Hindi ko sila pinansin at pinaupo ko si? Anong pangalan nito?

"It's nice to meet you I am Crown Princess Amelia from Windsor Kingdom! And this is Queen Adaria from Alpin and Princess Melissa from Seeiso Kingdom." Pagpapakilala ko na may kasamang ngiti.

Tinignan naman ako nito. Bakit?

Puno ng konpyusion ang mga mata nito.

"Hahaha."

"Hindi yata alam ni Lady Amelia na hindi nakakaintindi ng Ingles ang hampaslupang iyan."

"Tsk, tsk, pinapahiya nya lang ang sarili nya."

Napakunot noo ako sa narinig ko. Seryoso ba sila?

Papaano nila nagagawa yan sa mismong harapan ng mga ilang royal blooded? O mismong royal blood talaga ang tumatrato ng ganyan?

Ang sasama ng ugali.

Mas humigpit ang hawak ko sa braso ni? Eiii wala syang sinasabing pangalan nya.

"Umupo ka halika." Imbes na kutyain o sabihan sya ng masama, binigay ko sakanya ang upuan ko.

"Amelia. Hindi mo naman kailangan na gawin yan." Ani ni Adaria pero di ko sya pinansin.

"Dito ka umupo. Tabi tayo ha. Tawagin mo lang akong Amelia, eto sina Adaria at Melissa. Ikaw naman anong pangalan mo?"

Binigay ko sakanya ang upuan ko at doon na nga sya umupo.

Napangiti pa ako ng bumukas ang bibig nya at sasara ulit na para bang pinipigilan nitong magsalita.

Pangalan nya lang naman tinatanong ko bakit ayaw nyang ibigay?

Tumingin ako sa paligid namin.

Nakikita kong nakakaagaw kami ng pansin at panay ang tingin sa amin ng Ibang table.

Hhmm. Dumako ang tingin ko sa table ng Queen Wettin.

I could see glint of anger in her eyes habang nakatingin rin sa amin pero nang nagtama ang tingin namin ay ngumiti ito sakin at bumalik sa pakikipag usap sa mga katable nya.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now