Chapter 31; Little Prince

2.9K 123 7
                                    

(This update is for kienzashley10 be healthy and safe rin sayo/sainyo 😇. Busy lang sa acads kaya nakakalimutang magupdate. Sorry.)

PRINCE YURI'S POV;

Sa pagkakatanda ko, nang isinilang ako sa mundo. Wala akong nakitang pagmamahal. Ina, ama.

Ang anong meyroon ako ay si Yuna lang. Ang kapatid ko.

Napabuntong hininga ako at lumuhod sa harapan ng kapatid ko.

Tinulungan ko syang punasan ang luha sa mga mata nya. Ang dungis nya na tignan. Uhugin pa.

Napahinto ako ng tinanggal nya ang kamay ko sakanya. "Kuya ba't ayaw sa atin ni mama?"

Papaano ko ba sasabihin sa kapatid ko ang katotohan? Ang katotohanang wala naman talagang pakealam ang Ina namin sa amin.
Wala rin kaming ama. Tinakasan ng ama namin ang responsibilad nyang alagaan kami. Kaya ngayon nagdurusa kami sa kamay ng Ina namin.

Napakagaling na mga magulang. Ba't pa sika gumawa ng bata kung hindi naman nila kayang panagutan.

"Tahan na Yuna. Wag mo nalang syang kausapin pa ulit. Doon lang tayo sa silid natin." Hinawakan ko ang mga kamay ng kapatid ko at dinala ko sya sa kwarto namin.

Bakit nya ba kailangan pang kausapin ang Ina namin? Gumagawa lang sya ikakasakit ng puso nya. Wala namang pakealam sakin iyon.

Eh kahit mukha nga nya ipinagkait sa amin. Kahit boses lang nya wala. Pero kahit ganun, sapat na ang mga naririnig namin tungkol sakanya.

Hindi ko lang alam na magbabago iyon sa isang araw.

Habang natutulog si Yuna sa silid namin. Pumuslit ako sa ibaba para tignan anong nangyayari.

Nakarinig kasi ako nang mga ingay.

Nakita ko ang mga Healer na naguusap ng masinsinan sa labas ng silid ni Ina.

Bakit naman sila nandito? May sakit ba si Ina?

Lumapit pa ako sakanila para makinig sa sinasabi nila.

Gusto kong marinig ang sasabihin nila.
"Sinubukan ng Prinsesa na magpakamatay sa lawa."

Parang naestatwa ako sa narinig ko. Napayukom ako ng kamao. Ganun nya ba kami ka ayaw? Ganun nya ba kami kinakamuhian? Anong klase syang Ina?!

Iiwan nya din kami?! Papaano kami ni Yuna?

"Pero buti nalang naagapan pa."

Parang nawala na ang tinik sa puso ko nang narinig iyon. Salamat naman at hindi ba sya kinuha sa amin.

K-kailangan pa namin ang Ina namin. Hindi pa namin sya nakikita. Hindi pa namin sya nakakausap o nahahagkan.

Wag po muna.

Pag gising ko, nagbago na ang lahat.

Nalaman ko ang katotohanan. Na nalasing ang aking Ina at ama at pareho silang walang matandaan sa nangyari sakanila. Ibig sabihin nun, hindi rin nila kilala ang isa't Isa. Unti- until ay naiintindihan ko kung bakit wala ang aming ama. At kung bakit wala ito sa tabi namin.

Si Ina naman. Naiintindihan ko rin sya.

Ako lang ang nagkamali. Hindi dapat ako nagpadala sa galit at lungkot ko.

Pero masaya na ako ngayon, kasi kapiling na namin si mama.

Pero mas masaya ako pag makakasama narin namin si ama.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now