Chapter 11; The Windsor

5.2K 236 22
                                    

We stopped at a huge porch.

The castle is not a victorian style or the one in the medieval period times like in the movies. It's more of a magical tree na makikita mo sa anime.

Ang castle ay parang isang puno.

"Ang laki!!! Ito ba ang tinitirhan nyo po uncle?" Ani ni Yuna habang tiningala si Third na nakangiti.

May mga ilang guards rin makikita sa gilid na nakasuot ng silver na armor nila at puti na tela na may naka embode na halo at sungay.

Nakangiti sila sa amin habang nakayuko.

They were genuine like they were happy to see.

Ito siguro ang una naming pagkikita.

Magsasalita sana ang mga ito nang oinaalis na sila ni Third.

Pero yung nasa dibdib nila.

Parang sumisimbolo sa home of the Graces at ang sungay naman ay para sa pegasus.

The castle like tree is really huge at third part, hindi napapaligiran ng mist kaya makikita mo talaga ang desenyo at ang mga nakaukit sa puno.

Nilapitan ito ni Yuri.

Kumunot ang noo nya at nilingon kami.

"May parang mga nagaaway po!" Aniya.

Napansin ko rin, sa dingding ay may nakaukit. Para siguro itong history ng Emperyo. Ang mga pinagdaanan nito.

Ginulo ni Third ang buhok ng mga bata at lumapit sa isang dingding. 

"Tama, dito sa harapan ng palasyo inalala ang mga pagsubok na hinarap ng ating Emperyo. At hindi lang ito puro mga digmaan, labanan, may mga masasayang pangyayari rin ito."

Lumapit kami sakanya at namangha ako sa nakita.

Ang ganda ng pagkaulit rito kahit maliit lang ang image na pinapakita.

Ang ganda! Nakahiga ang babae at naka liyad ito at nakabukaka, may Isa pang babae naman sa pagitan ng mga hita nuto at may makikita kang, parang ulo na hawak-hawak ang babaeng nasa hita ng  babaeng nakaliyad.

Tinignan nya ako,  "Ang inyong Ina ang kauna-unang prinsesa ng Windsor Empire."

Ha?

Tinignan ko ang imahe, kung ganun ito pala si Ina.

Napakagat labi ako at hinaplos ang imahe. Napakaganda naman ng pagkakaukit nito, ang mismong panganganak ni mama ay nakaukit sa pader.

"Sis, it's time for us to come in." 

Napalayo ako sa dingding at pinagmasdan ang mga anak ko.

Nakangiti ang mga ito. Kaya ngumiti rin ako. Nakakaguilty. Yun ang nasa dibdib ko. Sumisikip nang malaman ko ang impormasyong yon.

Pero hindi ko dapat kalimutan na nasa harapan ako ng aking mga anak.

Mukha namang alam ito nang kapatid ko kasi tinapik nya ang buhok ng mga bata at sya na ang humila sa mga ito.

"Madami pang katangi-tanging lugar ang ating Emperyo at mga kwento pero kailangan nyo ring mag pahinga at humarap sa Emperor." 

Kasabay ng sinabi nya ay ang pagbukas ng malaking pinto.

This time it was not the guards, it was maidens.

Nakasuot sila yung parang kasambambahay sa earth pero puti lahat ang suot nila at sa kwelyo ng damit na suot nila ay makikita mo ang crest ng Emperyo.

Nakangiti lang rin sila sa amin at nakayuko.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now