Chapter 47; Under The Moonlight

2.9K 152 11
                                    

Liolel's concern eyes glance at me. "Good night Amelia."

I smiled in return but the truth is, i- I cant get him out off my mind.

When I heard the door closed.

Bumangon ako mula sa kama ko. Tinignan ko ang oras. 9;30.

Napakaaga pa kung tutuusin.

Hindi ako makatulog dahil sa mga bumabagabag sakin.

Binuksan ko ang malaking balcony ko at pinagmasdan ang napakalaki at nagliliwanag na buwan.

Nakikita nya rin kaya ang nakikita ko?

"Azriel Mountbatten." Napaka eleganteng pangalan.

Hinawakan ko ang damit ko at tiningala ang buwan. 

Hindi ko alam ano at kung sino ka. Pero sana maasahan ko na ituturi at kilalanin mong anak ang mga anak ko. Kahit yun lang.

"Hindi man sa pangalan. Kahit sa puso lamang." Humigpit ang hawak sa damit ko habang sinasabi ko yon.

Pwedeng ako na sa proteksyon at seguridad ng mga bata magaling mo lang sila.

Napakurap ako at nanatili sa kinatatayuan ko nang makita ang kulay itim na nasa likuran ko.

Naging alerto ang boung sistema ko. May nakapasok sa kwarto ko!!!

Wala akong dalang bagay na pwedeng armas. Pero pwede na ang kamao ko.

Hinintay kong papalapit na sakin ang anino.

Handa ang kamao ko na makipagkonekta sa mukha ng kung sino mang pumasok sa kwarto ko.

1.

Lumipad ang kamao ko na puno ng pwersa.

Pero nagulat ako na makita ang pares ng mga matang nakatingin sakin.

"I- Ikaw na naman!!" Bat nya sinalubong ang suntok ko?!

Kahit naka maskara sya ay kitang kita sa mga mata nya ang emosyon na bumabalot sa mukha nya.

Nainis ako at umatras.

Binitawan nya ang kamao ko na sinalubong ng palad nya. Hindi ba yon masakit? Alam kong puno yun ng pwersa.

Tinignan ko sya, walang pagbabago sa itsura nya.

Agad akong tumingin sa paligid nang mapagtanto.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko sya sa pulso.

Pumasok kami sa kwarto ko. Binatawan ko sya at sinirado ko ang balkonahe.

Binalik ko ang tingin sakanya. Nasisiraan na ba sya? Oh my graces! Bakit dito nya pa napailing magnakaw? O sinusundan nya ako?!

"Bat ka nandito?! Sinusundan mo ba ako? Hindi mo ba alam na bawal ka rito?" Tanong ko sakanya. Papaano nalang pag may nakakita sakanya dito?

Kay Liolel okay pa pero ang loyalty nang mga tao dito sa Stuart ay nasa hudas nilang hari.

Hindi naman ako nito sinahot. Imbes ay may kinuha ito sakanyang bulsa.

Mukhang ginto kasi kumikislap!

"Magnanakaw ka na naman ba dito?" Hindi ko mapigilang mag tanong.

Masama ang pagnanakaw hindi nya dapat ginawa yon. At hindi ko pa nalilimutan ang pagkaimoral nya.

Tinaas nya ang mukha at tinignan ako ng mga mata nyang nagsumao sa emosyon.

"Sa ating dalawa Ikaw ang magnanakaw."

Napaturo ako sa sarili ko. A- ako?

Kailan ako nagnakaw?! Hindi ako! Yung noong Amelia siguro! Hindi ko pa naman alam ang boung buhay ng dating Amelia!

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now