Chapter 5; Support

6.2K 254 7
                                    


Hindi ako makatulog.

Ang resulta sa pagkawala ng veil ko ang dahilan. May nakakita sakin. Sa mukha ko.

Iyon pa naman ang paalala sakin na walang dapat makakita sa mukha ko.

Huminga ako ng malalim at nakarinig ako ng kaluskos.

Napatalon pa ako sa gulat at agad tinignan ang dereksyon kung saan nanggaling ang ingay.

"Paumahin po Lady Amelia!" Natatarantang sabi ni Gigi at pinulot ang silver coins na nahulog nya sa sahig.

Kasunod naman nyang pumasok si Nina.

"Nagulat ka siguro Gigi, pasensya na." Sabi ko sakanya at tinulungan ko na sya.

Kukunin ko sana ng barya ng pinigilan ako ni Nina.

Naguguluhan ko syang tinignan. "Naku po Lady Amelia wag ka po yumuko sa amin!!!"

Napakamot naman ako ng batok.

Ay, oo nga. Mapaparusahan pa ang mga alipin kung may yuyuko na mga maharlika sakanila. Isa sa mga hindi makaturangang batas sa mundong ito.

"Ahh, kamusta naman ang pagbebenta nyo ng Sweet'N Snack natin?" Nakangiti kong tanong sakanila.

Nasilayan ko naman ang ngiti sakanila.

Itinaas ni Gigi ang hawak na basket.

"Lady Amelia pinakyaw po nang isang lalaki ang ating ibinebenta!"

Wow, ubos ah.

"Talaga ba? Ayos yon." Tumango ako sakanila.

Pinakita sakin ni Nina ang dala nyang bulseta. Wala ring laman ang biscuit nya. "Oo lady Amelia! Tapos ang daming humihingi ng mga libreng biskwet pero syempre hindi namin binibigyan, kasi sabi mo nga po na isang tikim lang di po ba?"

Bahagya akong napatango.

Hhhmm.

"Sino ba ang gustong bumili Nina?"

Kung ang mga nasa middle class lang naman pwedeng maibebenta ang mga tinda namin. Pero kung ang mga commoners naman kung maituturing ay tiyak na wala talaga silang sapat na salapi para bumili.

Nagkatinginan muna si Gigi at Nina at malungkot akong nginitian.

"Halos po sakanila ay mga katulad lang po namin. Masarap daw po at nakakatakam ang mga ginawa nyo." Sagot ni Nina sakin.

Sabi ko na nga ba.  Pero bakit ang lungkot ng mga ngiti ng mga ito?

Tumango nalang ako at tinapik ang mga balikat nila. Tiyak kong napagod sila sa paglalako kaya malungkot ang mga ito.

"Sige, gagawa nalang tayo bukas. Magpapadala rin ako ng sulat para sa aking ama."

"Makakarating po Lady Amelia."

Pumunta ako sa kusina namin.

Tinignan ko ang mga ingredients. Kailangan ko rin ng ilang kamay.

Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng papel.

Blangkong tinignan ko ang papel.

Papaano ba toh? Ano ba ang dapat kung sabihin? Papaano ko sasabihin?

Ito ang unang beses na gagawin ko toh.

Hihingi ako ng tulong sa Emperador ng Windsor.

First time ko gagawin to kaya hindi ko alam kung tama ba to.

Once A (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon