CHAPTER 4

325 15 0
                                    

BUSANGOT akong bumaba mula sa motor ng asungot. Agad namang lumapit sa akin si Kath at tinapik ako. Napangiwi na lamang ako nang pisilin niya ang braso ko matapos iyon. Lakas talaga makapanakit ng babaeng 'to, e.

"Gaga! Bakit sa kaniya ka sumakay? Kasasabi ko lang kanina na huwag ka na makipaglandian! Kaya pala ang tagal mo, e."


Umirap ako. "B-in-lackmail ako ng gago."

"Ano?!" takang tanong ni Kath. Hinila pa niya ako bandang malayo sa maraming tao, for privacy yata. Ewan ko ba diyan.

"Ang sabi niya hindi raw niya idi-delete iyong picture ko sa cellphone niya hangga't hindi ako sumasakay sa motor niya." Salubong ang mga kilay ko habang kinukuwento iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang napasunod ako ng asungot sa gusto niya. "At saka ang kulit, e! Ayaw talaga magpaawat!"

"Sus! Gusto mo rin naman." Mapang-asar ako nitong tiningnan at saka sinundot sa tagiliran.

"Che! Tumigil ka sa pang-aasar mo. Bilisan na natin nang matapos na tayo. Nagugutom na 'ko." Hinimas-himas ko pa ang tiyan. "At dahil iniwan mo 'ko kanina, ililibre mo 'ko ng lunch."

"Tss. Ano ka, sinusuwerte? May utang ka pa nga sa 'kin!"

Ngumiwi ako. "Hoy! Nagbayad na ako sa huli kong utang sa iyo!"

"Biro lang! 'To naman! Ano bang gusto mo't nang mabili na?"

Hinimas ko ang baba ko. "Sa karinderya na lang natin pag-usapan."

"May eatery kami, gusto mo ilibre kita?" Ikinagulat ko nang sumulpot ang asungot sa tabi namin ni Kath. Dati yata 'tong kabute at bigla na lang sumusulpot, e.

"Yes! Payag kami! Sabi mo iyan, ah! Libre mo!" Napapalakpak pa sa tuwa itong si Kath. Di na talaga nahiya. Close kayo, close?

"Si Heaven lang ang ililibre ko."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Napatingin pa ako kay Kath na natigilan sa pagpalakpak at nawala ang ngiti. "Edi don't!" Pinagkrus nito ang mga braso at saka umirap kay asungot.

"Salamat na lang sa imbitasyon." Peke akong ngumiti.

Pinanlakihan naman ako ng mga mata nitong si Kath. "Ano ka ba?! Pumayag ka na!" pabulong nitong imik.

Agad akong umiling. Ayoko nga 'no! Baka mamaya niyan magkaroon pa ako ng utang na loob sa asungot na iyan. Ang yabang pa naman niyan. Pakiramdam ko isusumbat lang niyan sa akin, in the future, ang mga nagawa niya. Huwag na lang.

"I don't take a no for an answer."

"Adik ka ba?" tanong ko. "Anong nahithit mo at panay ang lapit mo sa akin? Hindi ka ba nakakaramdam? Hindi ka ba nakakahalata na ayaw ko sa iyo?" Diniretso ko na siya. Hindi ko ugaling makipag-plastikan lalo na sa mga tulad niya.

Nanlaki ang mga mata ni Kath. Napatakip din siya ng kamay sa bibig.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Inaasahan ko nang titigil at aalis na itong asungot pero ikinagulat ko nang makitang ngumiti siya. Hindi ba talaga siya napapagod sa kakulitan niya? "See you later. Isakay ko na rin kayo sa motor papunta sa eatery namin."

Umalis ito kaagad sa harap namin nang hindi man lang kami hinihintay na makapag-react sa sinabi niya. Adik nga talaga.

"Grabe!" Halos pabulong pa rin ang imik ni Kath. Pero kung kaming dalawa lang, baka nagtitili na iyan dito base sa hitsura niya. Namumula ang mukha ng gaga at mukhang nagpipigil ng kilig.

"Ilabas mo na iyan. Baka mamaya mautot ka pa diyan."

"Gaga! Hindi ka ba nakakaramdam? Baka trip ka ng taong iyon!"

Ngumisi ako. "Lakas nga ng trip, e."

"O 'di ba! Agree ka rin na crush ka n'on!" Pinagpapalo ako nito sa braso na inilagan ko.

"Anong um-agree? Kung sinabi mong adik siya baka um-agree pa ako. Nakakairita siya, sa totoo lang. Sa lahat ng taong pwedeng pagtripan, ako pa ang napili. Aasahan ko na talagang bilang na ang mga payapang araw ko."

Muli akong pinagpapalo sa braso ni Kath. "Grabe! Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon. Makakahanap ka rin pala ng kapalit ng ex mo. OMG talaga!"

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Bored lang sa buhay 'yung taong 'yun at balak lang ako gawing pampalipas-oras. Huwag kang umasa diyan sa mga pantasya mo." Umirap ako.

"Ang KJ naman nito! Pupusta talaga ako, magiging jowa mo iyang si ano. Teka ano nga palang pangalan ng lalaking 'yun?" Napakamot pa sa ulo ang kaharap ko.

"Hindi ko alam. At wala akong balak alamin."

"Ba't di mo tinatanong? Siya nga alam na ang pangalan mo, tapos ikaw hindi mo alam 'yung kaniya. Pero teka, saan niya nalaman ang pangalan mo?" Humawak ito sa baba na animo'y nag-iisip ng malalim.

"Hindi ko alam! At pwede ba, huwag na nating pag-usapan ang asungot na iyon. Kakairita, e. Pumasok na lang tayo sa loob at nang makakuha na ng medical certificate." Para tumigil na ay hinila ko na siya papasok ng medicare. Baka kung anong oras pa kami matapos dito sa kadaldalan naming pareho.

Nagpalinga-linga ako para tingnan kung nasaan iyong asungot pero hindi ko naman makita. Mabuti naman.

"Uy, hinahanap niya si Mr. Asungot niya," pang-aasar ng katabi ko.

"Uy, friendship over ang gusto niya." Ginaya ko pa ang tono niya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Titigil ka rin pala, e.

Sabay na kaming pinapasok ni Kath sa loob ng kwarto kung saan chine-check ng doctor para sa medical certificate. Habang ako ang ineeksamin ay hindi ko magawang tumingin kay Kath sa kabilang side ng room. Nagpapatawa kasi! Wala na talagang pinipiling lugar ang kawalang-hiyaan!

Nang matapos kami pareho ay naglapag kami ng konting halaga sa jar na nakapatong sa lamesa. Hindi naman daw required ang magbayad pero nakakahiya naman dahil naabala namin 'yung doktor.

"Bakit ka ba nanghihila?" takang tanong sa akin ni Kath matapos naming lumabas ng room na iyon.

"Huwag kang maingay. Baka hinihintay na tayo n'ong asungot. Bilisan mo!"

Naguguluhan akong tiningnan ng kasama ko. "Ha? Excited yarn?"

"Hakdog! May narinig ka ba sa 'king pumayag ako? Hindi naman ako pumayag na ilibre niya tayo, 'di ba? Kaya bilisan mo diyan at umalis na tayo rito. Baka mamaya pag nakita pa niya tayo mangulit na naman iyon." Panay pa rin ang hila ko sa kaniya. Sa likod ng medicare kami dumaan, nagbabakasaling wala doon ang asungot.

Masuwerte namang wala roon. Patuloy ko pang hinila ang braso ni Kath hanggang sa makarating kami sa kalsada. Sobrang daming estudyanteng narito ngayon, pinapalibutan kami. Mga tapos na rin yata silang magpa-medical kaya heto't parang mga isdang tinabog.

May nabangga si Kath na babae kaya natigilan kami sa paglalakad. "Ano ba?! Kilalanin mo ang binabangga mo, ah!"

"Sorry po. Sorry," imik na lamang ni Kath.

Inirapan na lamang kami n'ong babae. Muling nag-sorry si Kath saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Naubos na ang mga traysikel na nakaparada sa tapat ng medicare. Nasakyan na ng ibang mga estudyanteng nauna sa aming lumabas.

Panay naman ang linga naming dalawa para makahanap ng masasakyan.

"Pasakay po!" sigaw ko.

Sasakay na sana kami nang bigla kaming maunahan n'ong babaeng nabangga ni Kath kanina. Umirap pa ito sa amin. Kami ang nauna sa traysikel na iyon, e!

Napabuntonghininga na lamang ako at saka napatingin sa relo. Alas dose na. Kumakalam na ang sikmura ko. Kapag talaga wala nang traysikel, mapipilitan akong maglakad. Kesa naman maghintay ako rito sa wala.

Naubos na ang mga estudyante dito at kokonti na lamang. Lima na lang yata kaming nag-aabang ng masasakyan. Pero ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa ring traysikel na bumabalik. Baka kumakain na ng lunch ang mga driver na iyon.

"Paano ba iyan? Mukhang sa motor ko na kayo makakasakay." Ikinagulat ko nang marinig iyon sa likuran. Nang lingunin ko ang nagsalitang iyon ay nanlumo ako nang makita ang asungot.

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon