CHAPTER 29

107 8 0
                                    

HALATA sa hitsura ni Axen ang labis na pagkalito. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o dahil sa muntikan na naming paghalik sa isa't isa. Gusto ko lang naman ng assurance mula sa kaniya pero ba't hindi siya makasagot? Pinaglalaruan niya lang ba ako?

"Ate Heaven!"

Agad akong napalingon nang makarinig ng batang sumisigaw. Maski si Axen ay doon na rin napunta ang atensyon.

"Bakit po ang layo na ng narating ninyo? Dapat po nagpasama kayo, hindi niyo po kabisado dito." Niyakap ako ng batang lalaki.

Bumuntonghininga ako. "Sorry. Hindi ko rin talaga sukat-akalain na maliligaw ako. Sa susunod, magpapaalam na ako." Hinaplos ko pa ang likod ng ulo ng batang lalaki habang nakayapos ito sa akin.

"Punta na po tayo sa bahay ng mga Lola Filipina. Hindi pa po kayo nakakain, nalipasan na kayo ng gutom."


Nginitian ko ito at saka sinundan sa dire-diretsong paglalakad.

"Heaven..." pagtawag ni Axen.


Pero imbes na lingunin ay dumiretso pa rin ako sa paglalakad. May mabigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako magkakaganito at hindi ko ito mararamdaman ngayon kung nililinaw niya lang ang intensyon niya sa 'kin. Ayokong makipaglaro kung damdamin ang nakataya.


Inabot kami ng kalahating oras paglalakad pa lamang pabalik. Talaga ngang kay layo na ng narating ko, hindi ako makapaniwala.


"Heaven, hija! Saan ka naman nagsususuot?! Nag-alala kami nang sobra sa iyo. Itong si Xianiel, hindi na magkandaugaga paghahanap sa iyo," ani Aling Filipina nang salubungin ako.


Napalingon ako kay Axen matapos iyon. Pero nang magsalubong ang paningin namin ay agad na akong umiwas.



"Basang-basa kayong dalawa. Magbanlaw na muna kayo at magbihis bago ka kumain. May damit ka bang dala?"


Tumango ako at saka dumiretso papuntang van nila Axen dahil nandoon ang bag kong kinalalagyan ng damit ko. Ang kaso'y hindi ko naman mabuksan 'yung van. Ilang beses kong sinubukan pero naka-lock siguro at kailangan ng susi.



"Ako nang magbubukas."



Ikinagulat ko nang marinig iyon at nang biglang sumulpot si Axen sa tabi ko. Kusa na akong lumayo. Wala pang ilang segundo ay nabuksan na niya ang sasakyan at nakuha ko na ang bag na kailangan ko. Walang lingunan akong naglakad palayo doon, hindi man lang pinansin ang lalaki.


"Heaven... 'Yung tungkol kanina--"


"Saka na natin pag-usapan," pagputol ko sa sinasabi niya. Walang ekspresyon akong humarap sa kaniya.



Hindi siya nakaimik at hinayaan na lamang akong dumiretso sa paglalakad palayo sa kaniya at sa sasakyan niya. Pwedeng-pwede naman naming pag-usapan ngayon ang tungkol sa 'min pero nakakahiya namang dito pa kami magdrama kung sakali.


Kakausapin ko rin siya tungkol dito. Tama na ang paglalaro.



---


NAKALIGO na ako't nakapagbihis kaya  inaya na ako ni Aling Filipina na mag-tanghalian. Sinamahan ako nitong kumain para daw hindi ako mag-isa.


"Kumain ka rin, Xianiel!"


Napalingon ako kay Axen na naglalakad hindi kalayuan. Tumingin ito sa kinapupuwestuhan namin at saka agad na umiling. "Busog pa po ako. At saka mukhang ayaw naman akong makasama ni Heaven."



HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now