CHAPTER 23

116 8 2
                                    

NAPAKO ako sa kinatatayuan ko habang ang pagkakatitig ay nasa lalaking tumawag ng pangalan ko.


Anong ginagawa niya rito?


"Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" nakangisi niyang tanong.


Kinailangan ko pang halungkatin ang utak ko para lamang malaman kung anong tinutukoy ng Shun na 'to. Kung gano'n ay siya pala ang nagpadala ng bulaklak na nasa tabi ng upuan ko? Iyong mga bulaklak na hindi raw galing kay Axen.



"Gusto ko lang namang bigyan mo 'ko ng pagkakataon..." Lumapit siya sa akin.


Agad akong umatras. Panay na ang nginig ng tuhod ko pati na ng mga kamay ko. Naikuyom ko pa ang kanang kamay ko at ang isa nama'y naikapit ko nang mahigpit sa suot na palda. "Hindi mo ba talaga naiintindihan na ayoko nga? May boyfriend na akong tao at wala na akong interes sa iyo. Matagal na tayong hiwalay, tapos na iyon."


"Akala mo ba hindi ko alam?" Panay pa rin ang ngisi niya. "Hindi mo naman talaga totoong boyfriend si Axen, e. Tama ba ako?" Lumapit siyang muli habang ang pagkakangisi ay mas lalong lumawak.



Panay lang naman ang atras ko habang ang mga labi ay panay na rin ang panginginig. Halos tumalon na ang puso ko sa kinalalagyan nito pero hindi ako nagpahalata. Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan habang pasimpleng pinagmamasdan ang kapaligiran. May maaari ba akong hingan ng tulong dito?



Malayo pa kami sa gate kung saan naroon ang nag-iisang guwardiya. Pero pwede naman akong sumigaw kung sakali para makuha ang atensyon nito.



"Isa lang naman ang gusto ko, bigyan mo 'ko ng pagkakataong ligawan ka. At kapag hindi mo iyon ibinigay, kakalat ang balita sa buong Polillo. Malalaman nilang lahat na nanloko lang kayo ng mga tao. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ninyong dalawa dahil niloko niyo sila?"


Lalong humigpit ang pagkakapit ko sa paldang suot. Nanginig na ang kamay ko sa mariing pagkakakuyom habang masama na ang pagkakatitig sa kaharap.


"Hindi naman lalaki 'to kung ginagawa mo lang ang gusto ko." Lumapit siya at akma akong hahawakan sa braso.


Pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon at agad na tumakbo. Agad din naman niya akong nahablot sa braso dahilan para manigas na lamang ako at mapatigil. Panay ang dagundong ng dibdib ko na wala na lamang akong nagawa kundi mapapikit. Sinubukan kong hilahin ang braso ko pero sadyang malakas siya.


"Bitawan mo 'ko! Ano ba!" Hinila ko ang braso ko pero hinatak lang niya ako palapit sa kaniya. Kinabig niya ako at mahigpit na niyakap. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tuhudin ang gitna ng mga hita niya. Awtomatiko naman niya akong nabitawan dahilan para magtatakbo ako papunta sa gate ng school.


Gabi na at kami na lamang ang tao rito. Bukod siguro sa gwardya na hindi ko alam kung bakit hindi marinig ang sigaw ko. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo at nang may mag-flashlight sa mukha ko ay napaluha na lamang ako at napaluhod.


Nagsama-sama na ang pagod, panghihina, at takot sa akin.



"Ano pang ginagawa mo sa loob ng campus, Miss?" tanong ng gwardya.


Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko habang ang mga luha ay panay ang daloy sa pisngi ko. Sakto namang may dumating sa gate na pamilyar na bulto. Agad ako nitong nilapitan habang nakaluhod pa rin ako at tuloy-tuloy sa pag-iyak.



"What happened, huh? Are you okay?" Itinayo ako ni Axen. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang pilit niyang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko.



HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon