CHAPTER 10

199 12 0
                                    

"HEAVEN..." pagtawag ni Axen.


Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ngunit napatigil ako nang hawakan nito ang braso ko. Ano na naman bang kailangan nito? Huwag niyang sabihing dadagdag pa siya sa pagka-badtrip ko ngayon?!


"Heaven, pwede ba tayo mag-usap?"


Hinarap ko ito. "Pwede bang bukas na lang iyan? Wala ako sa mood makipag-usap ngayon."


"Heav--"


"Hindi mo ba ako narinig? Bukas na lang, please." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Pumara ako ng traysikel at agad na sumakay doon. Kung saan ako papunta? Hindi ko rin talaga alam. Kanila Kath na dapat ako pupunta ngayon para umuwi na pero tinatamad pa ako. Dito kina Kath ako umuuwi kapag weekdays dahil nasa ibang baranggay ang bahay namin at hassle na araw-araw pa sumaka papunta roon.


"Saan po tayo, Miss?" tanong ng driver.


"Sa San Fracisco po."


Hindi na umimik pa ang driver. Pinagpatuloy lamang nito ang pagmamaneho ng traysikel. Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang paligid. Tumigil ang tricycle driver sa kalsada ng San Francisco matapos ang ilang minuto. Nagbayad naman ako at agad na bumaba.


"Hello, 'Ma," pagsagot ko sa cellphone ko nang may tumawag doon.


"Hello, anak. Nasaan ka? Narito sa bahay sila Mrs. Fuertes."


Natigilan ako sa paglalakad kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata. Maski ang bibig ko ay napaawang na rin sa pagkabigla. "Ano pong ginagawa nila diyan?!"


"Hindi ko rin alam, anak. Wala akong ideya kung bakit bigla-bigla silang pumunta rito. At hinahanap ka nila, Heaven."


"Po? Bakit biglaan po? Wala na po akong sasakyan ngayon."


"Kanina ka pa raw pinapasundo ni Mrs. Fuertes kay Xianiel. Hindi ka pa rin ba sinusundo ng boyfriend mo, anak?"


"Hindi po. Ay teka, boyfriend?! Sino pong boyfriend ko? Wala po akong katipan, 'Ma!"


Hindi na ako nakatutol at nakapagpaliwanag pa nang maputol na ang linya. Sinubukan kong tumawag pero cannot be reach na raw. Tangnang 'yan! Ilang beses na kaming napagkakamalang magkatipan at hindi ko alam kung bakit! May nagpapakalat ba ng fake news?!


"Heaven..."


Napalingon ako sa tumawag na iyon. Napasinghal pa ako nang makita si Axen na nakasakay sa motor niya. "Ikaw ba ang nagpapakalat ng maling impormasyon sa mga magulang natin?!"


"A-Ano?"


"Pinagkakalat mo bang magkatipan tayo kahit hindi naman? Nasisiraan ka na ba?!"


Napataas ng braso ang lalaki na animo'y sumusuko sa isang pulis nang sugudin ko siya. "Wala akong ginagawa!"


"Iyon na nga! Wala ka pa ring ginagawa kahit ina-assume na ng mga magulang natin na may namamagitan sa atin! Ang kapal din naman talaga ng mukha mong magkalat ng fake news! Bukod sa asungot ka, mahilig ka rin pala gumawa ng kuwento!" Pinalo ko ito sa braso na agad niyang inilagan.


"T-Teka! Matutumba 'tong motor, tama na!" Pinagsasalag nito ang mga palo ko.


"Wala akong pake. Tawagan mo ngayon ang mga parents mo at linawin mong wala sa ating namamagitan. Ayusin mo, kanina pa ako badtrip dahil kay Shun kaya huwag mo nang dagdagan pa!"


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now