CHAPTER 40

59 4 0
                                    

"A-AMNESIA?" Hindi ko maitikom ang nakaawang na mga labi. Tumingin pa ako sa paligid at nang makita si Kane sa gilid ay agad akong naalarma. "Iwan mo na muna kami, Kane."


Tumango ito at agad na tumalima sa utos ko.


"Ano pong amnesia ang sinasabi niyo? Seryoso po ba kayo?" Pilit kong pinatayo si Tita mula sa pagkakaluhod pero humagulgol lamang siya.


"Alam kong ikaw lang ang kaisa-isang pwedeng makatulong sa kaniya. M-Minahal ka ng anak k--"


Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi niyo po alam ang mga sinasabi niyo. Sinaktan po ako ni Axen ten years ago. Kung may pwede mang makatulong sa kaniya, 'yun 'yung babaeng ipinalit niya sa 'kin." Humugot ako ng malalim na buntonghininga. May nanumbalik na pamilyar na kirot sa dibdib ko. Matagal nang panahon mula nang naramdaman ko 'to at akala ko'y hindi ko na mararamdaman pa ulit.


Mali ako.


"P-Please, hija. Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan kaya naman narito ako para humingi ng dispensa. T-Tulungan mo kami. Wala na akong ibang mahanap na solusyon. Ikaw na lang ang natitirang susi para maibalik sa normal ang anak ko." Hinawakan nitong muli ang kamay ko habang hindi magkamayaw sa pagluha.


Agad ko namang hinila ang kamay ko. Pinunas ko ang luhang tumulo sa pisngi. "Hindi ko alam kung kaya kong matingnan nang maayos ang anak niyo matapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko magagawang tulungan ang taong nanakit sa akin." Tinalikuran ko ito at saka nagsituluan ang mga luha kong kanina pang pinipigil. Akala ko okay na ako sa haba ng panahon na ginugol ko para ayusin ang sarili.


Hindi pa pala...


"P-Please, hija. I know this is too much to ask but please... kahit isang linggo lang. S-Samahan mo lang siya at ipaalala mo lahat ng mga napagdaanan niyo. Pagtapos ng i-isang linggo, hindi na kita guguluhin pa."


Umiling ako. "Hindi ko po magagawa, Tita. Umalis na po kayo dahil wala po kayong mapapala sa 'kin."


"P-Please, hija--"


"Umalis na kayo!" Ikinagulat ko ang pagtaas ng sariling boses. Animo'y nailabas ko ang hinanakit na matagal nang kinikimkim.


"A-Ang papa mo..."


Natigilan ako nang marinig iyon.


"I know your father is in the hospital."


Mula sa pagkakatalikod ay muli akong humarap kay Tita Adeline. Diretso kong sinalubong ang paningin nito. "Anong kinalaman ng tatay ko sa mga nangyayari?"


"I know... y-your father will undergo an operation. You need money! You need a lot of money to pay the hospital bill. Ako nang bahala! Ako na! Basta pag-isipan mo ang pagtulong kay Axen. I may sound desperate but you are my only h-hope..." Muli niyang hinawakan ang kamay ko.


Agad kong hinila ang kamay ko. "Umalis na po kayo bago ko pa kayo kaladkarin palabas."


"T-Think about it, hija." Tumayo ito at pinunas ang mga luha. "We'll both benefit from this situation."


Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng bahay. Naiwan akong tulala at hindi alam kung ano ang mararamdaman.


---


"KUMUSTA po ang lagay ng tatay ko, doc?" tanong ni Kane sa doktor na lumabas mula sa kwarto. Kanina pa hindi mapakali si Kane at halos di na magkandaugaga sa paglalakad paroo't parito.


"We'll transfer him to ICU."


"P-Po? Gano'n na po ba kalala ang kalagayan niya?" Nagsituluan ang mga luha ni Kane.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now