EPILOGUE

166 7 0
                                    

NANG oras na imulat ko ang mga mata ko, agad akong napabangon. Nanlaki ang mga mata akong tumingin-tingin sa paligid. Hingal na hingal akong nagpunas ng mga pawis ko.


Hindi matigil ang pagsuyod ko ng paningin sa kwartong kinaroroonan ko.


Ang panaginip kong iyon...


"Xianiel! What happened? Nanaginip ka ba ng masama?" Binigyan ako ni Mom ng isang basong tubig.


Agad kong ininom iyon. Napalakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.


"A-Ano bang nangyayari, hijo?"


"M-Mom..." Hinawakan ko ang parehong balikat ng kaharap. Nanlaki ang mga mata akong tumingin sa mga mata rin nito. "N-Naalala ko na. I can remember everything now. S-Si Heaven... she's the girl I've been telling you about. Siya 'yung girlfriend ko, t-the one I've been looking for. 'Yung babaeng lagi kong napanaginipang niligtas ko sa isang aksidente. S-Si Heaven 'yun! N-Nagbalik na... nagbalik na ang mga alaala ko!"


"A-Anak..." Agad akong niyakap ni Mom habang napakalakas ng hagulgol niya. "Salamat sa Diyos! A-Anak ko..."


"K-Kailangan ko po siyang puntahan. Kailangan niya malaman ang lahat ng nangyari. She needs to know the truth. K-Kailangan ko siyang makita..." Wala na akong sinayang pang panahon. Tumayo ako mula sa kaninang pagkakaupo sa kama at tinahak ang daan palabas.


Sumakay ako ng kotse at mabilisang pinaandar iyon. Hindi maiwasang tumulo ng mga luha ko habang bumibiyahe ako papunta sa bahay nila Heaven. Hindi ko alam kung tatanggapin niya ang mga paliwanag ko pero... kailangan ko siyang makita ngayon.


Kailangan niyang malaman na naaalala ko na ang lahat. Maipapaliwanag ko na ang lahat ng detalye kung ba't ako nawala at kung ba't hindi ko sa kaniya naipaliwanag agad ang lahat-lahat.


Minadali ko na ang pagmamaneho. Halos lumipad ang kotse sa pagmamadali ko. Nawalan na ako ng panahong punasan ang mga tumutulong luha sa pisngi ko.


S-Sampung taon...


Sampung taon ang nasayang para sa 'ming dalawa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa pagsasayang ng panahong iyon para iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa.


Halos sigawan ako ng mga sasakyan na muntikan ko nang mabangga sa pagmamadali. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong humingi ng pasensya sa pagmamadali.


Nang makarating sa tapat ng bahay nila Heaven ay agad kong p-in-ark ang kotse. Mabilisan akong bumaba at malakas na kumatok. "H-Heaven! Si Axen 'to! Please... I'm sorry for everything. Kailangan nating mag-usap..." Halos lumuhod ako sa tapat ng pinto. Nakailang katok na ako pero wala pa ring sumisipot sa akin.


Hanggang sa mapansin kong may babaeng nakatingin sa akin. Lumapit ito sa akin kaya napatingin ako rito. "Hinahanap niyo po ba si Ma'am Heaven Eranista?"


Agad akong tumango. "O-Opo!"


"Kayo po ba si Xianiel Fuertes?"


Naguguluhan man ay tumango pa rin ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko, let alone my full name?


"Hindi na po siya diyan nakatira. Ako po ang bagong lumipat sa bahay niya."


Natigilan ako kasabay ng paglaki ng mga mata. Para akong binuhusan ng tubig matapos marinig ang mga iyon. "A-Ang ibig niyong sabihin... wala siya rito ngayon? L-Lumipat siya?!"


"Opo. Pero may iniwan po siyang letter at ibigay ko raw po kay Xianiel Fuertes pag pumunta rito." Pumasok ito ng bahay at kinuha ang envelope mula sa sulong ng kaniyang kabinet.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon