CHAPTER 12

183 11 0
                                    

"TULUNGAN na kita." Sinabayan niya ang pagkuha ko ng mga nalaglag na papel. Ni hindi ko na nagawang tumingin sa mukha ng taong iyon. Gayunpaman ay nakilala ko pa rin siya base sa boses niya. Iniabot niya sa akin ang mga nakuha niyang papel.



"Salamat," matabang kong pagkakaimik. Hindi man lamang ako tumingin sa kaniya at muli nang ipinagpatuloy ang ginagawa.


"Pwede ba ulit tayong mag-usap mamayang uwian?"


Nang marinig ang tanong na iyon ay nawalan na ako ng pamimilian kundi ang lingunin siya. Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan. "Ano pang pag-uusapan natin, Shun? Nakukulangan ka pa rin ba sa mga nangyari kahapon?"


"Gusto ko sanang makapag-usap tayo nang mas maayos."


"Ikaw muna ang umayos bago mo ako kausapin. Dahil ako, maayos akong nakikipag-usap sa iyo. Ikaw lang 'tong kung anu-ano ang sinasabi."


Bumuntonghininga si Shun at saka na umalis doon. Napatingin na rin kasi sa kinaroroonan namin si Ma'am Dennise. Nakakahiya naman kung dito pa kami magbangayan.


"Heaven..."


Napalingon ako kay Ma'am Dennise nang tawagin niya ako.


"Sir Arman appointed Xianiel in this department. Magsasama kayo sa trabaho. Is that okay with you?"


Natigilan man ay hindi ako nagpahalata at agad na tumango. As if namang may magagawa pa ako. Kahit tumanggi ako, paniguradong hindi pa rin naman ako ang masusunod.


"Hi, workmate." Inilahad ni Axen ang kamay niya sa harapan ko habang ngiting-ngiti.


Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.


"What a rude way to welcome your workmate."


"Hello, workmate." Nagpakita ako ng pilit na pilit na ngiti. "Ano, okay ka na? Narito ako para magtrabaho at hindi para makipagbangayan sa iyo, kaya please, huwag mo ako guluhin."


Tumawa ang lalaking kausap ko na siyang ipinagtaka ko. Ni hindi naman ako nagsabi ng kahit anong nakakatawa. "Ang dami mo namang sinabi. Nag-hi lang naman ako." Pigil na pigil pa rin ang pagtawa nito.


Nang tingnan ko si Ma'am Dennise ay napailing na lamang ito. Alam kong wala itong magagawa dahil anak lang naman si Axen ng boss niya. Pero hindi naman siguro gagamitin ng asungot na 'to ang posisyon niya para magpapetiks-petiks lang dito sa trabaho.


"Anong gagawin natin?" tanong niya habang pinagmamasdan ako.


Agad ko namang binuhat ang isang tambak ng mga papel at pinatong sa table na kaharap niya. "I-arrange mo alphabetically lahat ng iyan based sa surnames nila. And then, ilagay mo rito sa cabinet based sa mga letters na naka-label. Ano, gets mo na?"


Tumango siya habang hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti.

Hindi naman na ako nagsalita at pinagpatuloy na lamang ang panibagong pag-arrange ng mga nahulog na papel kanina. Kung hindi ko lang sana nahulog, baka matatapos na ako rito sa isa pang tambak ng mga papel.

"Huwag masiyadong busangot," natatawang imik ni Axen.

Inirapan ko ito at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Minadali ko na at makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na rin! Hindi ko napigilang mapangiti at saka binuhat ang isang katerbang papel. Ilalagay ko na sa cabinet para masimulan ko na i-arrange iyong isa pang tambak.

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon