CHAPTER 8

235 16 0
                                    

"KANINA ka pa hindi mapakali diyan, girl. Anong meron?" tanong ni Kath.


Nandito na kami ngayon sa Rhudarda at hinihintay na lamang ang pagbubukas niyon para makapasok na kami.


Natigilan ako sa tanong niyang iyon. "K-Kinakabahan lang ako. Ikaw ba, hindi? First day kaya natin ngayon sa Work Immersion. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Baka mamaya pumalpak ako sa trabaho."


"Kinakabahan din naman ako, 'no. Pero huwag ka na lang mag-overthink."


Bumuntonghininga ako. "Bakit kasi dito pa tayo sa Rhudarda nag-immersion?"



"Bakit naman hindi?" natatawang tanong ni Kath. "Ikaw pa nga nag-suggest last week na dito tayo sa Rhudarda mag-apply, e."


"Nagbago na isip ko ngayon."


"Bakit ba ayaw mo rito? Dahil tatay ni Xianiel ang CEO?" Mapang-asar akong tiningnan nito.


Napangiwi na lamang ako saka umiwas ng tingin. "Hindi 'no!"


"Eh, ano pang dahilan?"


Bakit nga ba biglang ayaw ko na ngayon dito sa Rhudarda?! Okay, aaminin ko na. Bakit ba kasi nagkataong tatay ni asungot ang CEO ng kompanyang pagtatrabahuhan ko sa loob ng dalawang linggo? Dito rin kaya papasok for immersion si Axen? Sana hindi. For sure hindi ako makakapagtrabaho ng maayos dahil kukulitin niya lang ako.


"Heaven! Good morning!"


Natigilan naman ako nang marinig iyon. Nanumbalik ako sa kasalukuyan at saka pinagmasdan ang taong bumati sa akin.
Nagsalubong agad ang mga kilay ko nang makilala kung sino iyon.


"What a coincidence! Dito ka rin pala mag-i-immersion!"


Inakbayan ako ni Shun na agad ko namang inilagan. Kita ang pagkagulat niya sa ginawa kong pag-iwas. "Nananadya ka ba talaga, Shun? O baka kulang pa 'yung sampal ko kahapon?"


"Umagang-umaga nagagalit ka. Hindi mo ba ako na-miss?" Muli siyang umakbay pero nilayuan ko siya.


"Ang kapal talaga ng mukha mo," bulong ko habang pinapakatitigan siya nang masama.


"Hi, Shun. Good morning," bati ni Kath sa lalaki. Nagtataka ko siyang tiningnan. Bakit binabati niya 'tong ex ko? Hindi ba dapat galit din siya?!


"Good morning din. Hindi pa pala nagbubukas 'tong Rhudarda. I guess, napaaga yata tayo ng pasok." Natawa ito. Kumislap tuloy ang mga mapuputi niyang ngipin nang dumako ang paningin ko sa kaniya. Napatingin din siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. "Nakaka-miss naman dito sa Polillo. Buti na lang nagpa-transfer ako ulit. Edi sana hindi ko makikita araw-araw 'tong si Heaven kung di ako bumalik." Ngumiti siya sa akin.


Peke naman akong ngumiti dito. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit kung umasta siya'y parang walang nangyari. May atraso siya sa 'kin! Ang kapal talaga ng mukha ng hayup na 'to.


Napatingin ako kay Kath. Panay ang cellphone nito. Kahit anong senyas ko tuloy ay hindi niya makuha dahil nakatutok lang siya sa hawak. Kapagkuwa'y hinila ko na lamang siya.


"Iyong kamay ko, girl! Bakit ka ba nanghihila?" tanong ni Kath matapos naming pumunta sa bandang gilid ng building.


"Bakit di ka galit sa kaniya? Manloloko 'yung lalaking 'yun! Niloko niya ako. Bakit parang wala lang sa 'yo?" pabulong kong tanong habang salubong ang kilay.


"Pinaplastik ko lang naman siya."


Napairap ako. "Nalimutan mo na ba ang ginawa niya sa akin? He fuckin' cheated on me! Tapos ngayon aasta siyang parang close kami at wala siyang kasalanan. Tss."

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now