PROLOGUE

525 7 4
                                    

WHY DO PEOPLE CHEAT?


Iyon na lang ang naitanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang boyfriend kong may kayakap na iba. Natigilan ako at naestatwa sa kinatatayuan, animo'y binuhusan ng malamig na tubig.


Hindi ako nakaimik. Nawalan ako ng kakayahang komprontahin silang dalawa. Itinago ko na lamang ang sarili sa isang pader habang mahigpit na naikapit ang kamay sa cellphone na hawak. Halos madurog ko iyon.


Ipinikit ko na lamang ang mga mata at hinawakan ang naninikip kong dibdib. Bahagya kong sinuntok at hinilot iyon, umaasang titigil ang animo'y pagtusok ng isang matulis na bagay.


Ano bang nagawa ko para lokohin niya? May mali ba sa 'kin? May nagawa ba akong hindi niya gusto?


Pigilin ko man ang mga luha, wala na rin akong nagawa nang dumaloy ang mga likido mula sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin, umiling nang ilang beses. Hindi 'to totoo.


Panaginip lang siguro ito...


At tama nga ako, panaginip lang iyon. Napanaginipan kong ulit 'yung nangyari sa amin ng boyfriend ko last year. Kahit pilit kong takasan ang lahat, dinadalaw pa rin ako ng multo ng nakaraan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang kailan ba gan'to?


Hindi na ba ako makaka-move on?


Hindi na nga yata...


Kahit sa mismong bahay namin, ipinapaalala rin kung ano ang bagay na ayaw kong maalala at ipinaparamdam sa akin ang bagay na ayaw kong maramdaman—ang maloko.



"PINSAN ko lang 'yun, Heaven! Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano! Mahal ko ang mama mo! Hindi ko siya lolokohin."


Pumatak ang mga luha ko. Gayunpaman, pinanatili ko ang pagkakasalubong ng parehong kilay. Nanginginig man ang mga labi ay pinilit kong ibuka ang mga iyon. "P-Paano mo 'ko natitingnan nang diretso sa mga mata ko ngayon knowing na nagsisinungaling ka?! Hindi ako tanga, Papa! Alam ko kung anong ginagawa niyo ng babae na 'yun!"


"Isipin mo kung anong gusto mong isipin. Malinis ang konsensya ko." Tinalikuran ako nito saka ito dumiretso palabas ng bahay.


Pinunas ko ang mga luha sa pisngi. Pinigilan kong bumagsak ang mga luha ko at matalim ang mga matang tumitig sa kawalan. Nang tingnan ko ang sarili sa salamin ay naroon pa rin ang pagkakasalubong ng mga kilay ko.


Magmula noong araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na pagbabayarin ko lahat ng mga taong kagaya nilang dalawa. Magbabayad sila sa mga kasalanan nila. Magbabayad kayong lahat ng mga manloloko kayo.


Humanda kayong lahat.

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now