CHAPTER 39

56 4 0
                                    

ILANG segundo siguro akong natulala dahil sa paglalayag ng utak ko kung saan-saan. Nanumbalik lang ako sa kasalukuyan nang may tumunog na cellphone.


"Please, excuse me. I'll just take this call." Kinuha ni Mrs. Suaverdez ang cellphone sa tagiliran. "Ipagpatuloy mo lang, Ms. Eranista, ang pag-tour kay Mr. Fuertes."


Bahagya na lamang akong napakamot ng batok. Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil mabilis pa sa alas kwatrong umalis si Mrs. Suaverdez. Sa iksi ng mga binti niya ay nakakamangha ang liksi niya sa paglalakad.


"So... let's continue?" tanong ni Axen. Nakangiti ito sa akin. Hindi ko maintindihan. Paano niya ako nangingitian nang ganiyan? Para bang wala siyang atraso sa akin.


"Tapatin mo nga 'ko." Lumapit ako rito, dahan-dahan. Hindi matanggal ang diretsong pagkakatitig ko sa mga mata niya.


Agad naman siyang napaatras habang nanlalaki ang mga mata. Halos itaas niya ang dalawang braso na parang sumusuko sa pulis.


Panay ang atras niya kaya panay din ang abante ko. Nang mawalan siya ng aatrasan dahil sa pader ng isang abandonadong classroom ay nanlaki lalo ang mga mata niya.


Ipinatong ko ang dalawa kong mga palad sa tigkabila niyang gilid. Matapos iyon ay diretso ko siyang tinitigan sa mga mata. Kitang-kita ang marahas na pagtaas-baba ng adam's apple niya. May mga butil na rin ng pawis sa noo niya. Kumikinang iyon pag natatamaan ng sikat ng araw.


"Tapatin mo nga 'ko, Axen. Hindi mo ba talaga ako nakikilala o nagpapanggap ka lang na di ako kilala?" Diretso ko pa rin itong tinitigan sa mga mata. Halata ang takot sa mga mata niya at talagang dapat lang na masindak siya. "Iyan ba ang paraan mo para takasan ang atraso mo sa 'kin?"


Napaiwas ito ng tingin. "I... I d-don't know what you're talking about."


"Hindi mo ba ako kilala?!"


"Y-You're Ms. Eranista, I guess?" Pilit itong ngumiti. Hindi ito makatingin nang maayos sa akin. "Pwede mo na ba akong pakawalan? Hindi naman siguro gan'to mag-tour, right?"


Napangiwi ako. "Ang dami mong sinasabi."


"Hindi kita maintindihan, Ms. Eranista. Ngayon, kung ayaw mo pa akong pakawalan—"


Pinutol ko ang pagsasalita niya sa pamamagitan ng paglapit ko ng mukha ko sa mukha niya. Tinitigan ko ang mga labi niya't dahan-dahang idinikit iyon sa labi ko. Wala pa mang isang segundo ay bumitaw na ako at tinitigan siya. "Hindi mo pa rin ba ako kilala?"


Sobrang nanlaki ang mga mata ni Axen na halos lumuwa ang mga iyon. Napatakip din siya sa bibig. "May nangyari na ba sa 'tin? Did we hook up?"


Halos tampalin ko ang sarili kong mukha. "Ano ba, ginagago mo ba 'ko? Ano bang trip 'to? Hindi mo ba talaga ako nakikilala?"


Umiling siya.


"Tss. Kalimutan mo na lang lahat ng nangyari ngayon." Tinalikuran ko siya saka ako naglakad papalayo. Halos magpapadyak ako sa inis. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yun?


"K-Kalimutan?"


Natigilan ako nang marinig iyon mula kay Axen. Napahinto ako sa paglalakad, naghihintay kung may sasabihin man siya.


"Paano ko malilimutan 'yung kaisa-isang babaeng nanguna sa paghalik sa 'kin? First time na hindi ako ang nag-initiate ng kiss. You think I'll forget this?"


Naipikit ko ang mga mata sa inis. Hindi ko pa rin magawang humarap sa kaniya. Well, anong mukha pa ba ang ihaharap ko matapos ng nangyari? Hindi ko alam kung sinong Diyos ng Kamunduhan ang sumapi sa akin kanina.


"Sanay na akong may nagkakagusto sa akin pero ngayon pa lang sinasabi ko na, taken na ako. Hindi mo na ako maaakit kahit ilang beses mo pa akong halikan."


"Hindi kita hinalikan," imik ko habang nakatalikod pa rin. "Imagination mo lang 'yun." Inayos ko ang salamin saka ako nagdire-diretso sa paglalakad. Hindi ko mapigilang murahin ang sarili.


---


"YOU did what?!" gulat na tanong ni Kath sa akin sa kabilang linya. Magkatawagan na naman kami.


"I kissed him." Halos ibaon ko ang mukha sa unan na kaharap.


"OMG ka! Bakit mo 'yun ginawa? May feelings ka pa rin ba?"


"Naiinis kasi ako kanina. Ba't parang hindi niya ako maalala? Hindi niya ako makilala, Kath! Paano ko siya magagantihan sa mga ginawa niya sa 'kin kung di naman niya maalala kung ano 'yung mga 'yun?!"


Natawa si Kath. "Gaganti ka? 'Di ba masama 'yun?"


"Mas masama siya! Ang kapal ng mukha niyang magpanggap na parang walang nangyari! Gago talaga siya!"


"Baka naman hindi siya nagpapanggap?" tanong ni Kath. Dinig ko ang paghigop niya ng kape sa kabilang linya.


"Anong ibig mong sabihin? Nagka-amnesia siya, gano'n? Tss. Kakanood mo ng teleserye 'yan." Napangiwi ako sa ideyang iyon. Gasgas na masiyado. Wala na bang iba?


"Malay natin. Sa loob ng sampung taon na wala ang pamilya nila rito, napakaraming pwedeng mangyari."


May kumatok sa kwarto ko kaya agad akong tumayo. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Kane. "Ate, may naghahanap sa 'yo."


At nang tuluyan akong lumabas ng kwarto ay napahinto ako nang makita sa salas si Tita Adeline. Pilit itong nakangiti at napakagarbo ng kasuotan. Bukod sa kumukulubot nang balat ay wala namang ibang nagbago sa hitsura ni Tita. Napaka-elegante niya pa rin.


Pero anong dahilan at pumunta siya rito? Talagang sumadya pa siya rito sa bahay.


"T-Tita... Long time no see po. Ano pong sadya ninyo? Mukhang importante po at kinailangan niyo pa akong puntahan dito sa bahay?"


"Kumusta ka, hija?" Hinawakan nito ang isa kong kamay.


Naiilang akong ngumiti rito at dahan-dahang binawi ang kamay kong hawak niya. Hindi ko maintindihan kung bakit masama ang kutob ko sa mga pwedeng mangyari.


"O-Okay lang po ako, tita. Maupo po kayo. Ano pong gusto niyo? Tubig o kape? S-Sandali lang po, ikukuha ko kayo sa kusina. Feel at home lang po kayo diyan."


Mukhang may sasabihin pa si Tita Adeline pero hindi na iyon natuloy pa dahil dire-diretso ako papunta sa kusina. Agad akong kumuha ng baso pati na rin ng pitsel sa loob ng ref.


"Pasensya na po sa tubig namin, tita. Alam kong hindi ito kasinsarap ng iniinom niyo sa America." Kinaya ko pang magbiro sa kabila ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Naiilang pa akong tumawa para maibsan ang tensyon.


Pero nahinto ang tawa ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Agad ding nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumuhod sa harapan ko si Tita Adeline habang hawak pa rin ang isang kamay ko.


"Tulungan mo 'ko, hija." Huminga siya nang malalim at diretso akong tinitigan sa mga mata. "Gusto kong tulungan mong makaalala ang anak ko. P-Please, tulungan mong mawala ang amnesia ni Axen."


Sa pagkabigla ay nabitawan ko ang hawak na baso. Nanigas ako sa kinatatayuan habang litong-lito sa mga nangyayari.


A-Amnesia?

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now