CHAPTER 14

157 11 0
                                    

"PINATAWAG niyo raw po kami?" tanong ko kay Sir Arman matapos naming pumasok ni Axen sa office nito. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang dito sa buidling ay ipinatawag na agad kami ni Sir.



"Today is my wife's 45th birthday. I want you, Heaven, to go there. May party na gaganapin sa bahay namin at balak kong ipakilala kayong dalawa sa mga guests namin."


Natigilan ako matapos iyong marinig. Hindi ako nakapaghanda sa ganito. Pakiramdam ko pa naman ay wala akong karapatang humindi sa imbitasyon ni Sir. Nakaka-intimidate ang hitsura niya na mapapasunod ka na lamang nang walang anumang pangunguwestiyon.


"Heaven..."


Napatingin ako kay Axen nang tawagin niya ako.


"It's okay if you don't want to go," bulong niya sa akin.


Bumuntonghininga ako saka tumingin kay Sir Arman. Wala namang dahilan para tumanggi ako sa invitation ni Sir. Isa pa, napakabuti sa akin ni Mrs. Fuertes at nakakahiya namang hindi man lamang siya batiin. "It's my pleasure to attend the party po."


Halatang natigilan si Axen nang marinig iyon. Napangiti naman si Sir Arman. "Then it's settled. Xianiel, kindly escort your girlfriend. I-e-excuse ko muna kayo sa work immersion niyo for this afternoon."


Pinahintulutan na kami nitong lumabas ng office. Agad naman akong tumalima at saka pumunta sa work station namin para kuhanin ang bag ko. Panay lamang din naman ang sunod sa akin ni Axen.


"Sigurado kang okay lang sa iyo um-attend?"


Napalingon ako kay Axen at saka tumango. "Wala naman sigurong masama kung pupunta ako, hindi ba?"


"So pumapayag ka nang magpanggap na girlfriend ko?"


Napaawang ang mga labi ko at saka nanlaki ang mga mata. "H-Ha?!"


"Hindi mo siguro alam na oras na um-attend tayong dalawa roon, ipapakilala ka ni Dad bilang girlfriend ko sa mga business partners niya. So pumapayag ka na?"


"H-Hindi!" Pero naka-oo na ako kay Sir Arman. Bakit ba kasi hindi ko muna napag-isipan ang lahat bago ako pumayag? Hindi naman siguro magandang hindi ako pumunta matapos kong kumpirmahin ang imbitasyon niya. Tanga ka, Heaven.


"Hindi ka na pupunta sa party?"


"Pupunta." Hindi ako makatingin sa kaniya nang maayos. Todo isip ako ng bagay na pwedeng magbigay sa akin ng rason para hindi makapunta. Kung may importante naman siguro akong gagawin, baka hindi nakakahiyang hindi ako pumunta. O magpanggap kaya akong sumasakit ang tiyan? Magkunwaring masama ang pakiramdam? Ano ang gagawin ko?!


"Tara na." Hinila ako ni Axen matapos iyong sabihin. Hindi na rin ako nakatutol sa sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko. Saan niya ba ako dadalhin?


"Ba't mo 'ko hinihila?!"


"Excused tayo ngayon sa work immersion. Kailangan nating maghanda para sa party."


Napaawang ang mga labi ko. "Maghanda?! Anong klaseng paghahanda? Magluluto ng handa, gano'n?"


Natawa si Axen sa tanong kong iyon. "Hindi. Maghahanap tayo ng isusuot mo. Papaayusan din kita."


"T-Teka, kailangan pa ba 'yun?"


Tumango siya. Hindi na lang ako umimik pa habang patuloy ang paghatak niya sa akin palabas ng building. Nakailang lakad pa at nakarating na kami sa isang salon. Pinakilala niya ako sa parlorista doon at saka ako agad na pinaupo kaharap ng malaking salamin. T-Teka gugupitin pa ba nila ang buhok ko?!


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now