CHAPTER 13

160 9 0
                                    

"KASALANAN mo 'to, e. Kung hindi ka lang sana makulit, hindi sana napunta sa kanal 'yung envelope! Paano na ngayon iyan?"


Bumuntonghininga na lamang si Axen. Nakakagulat na hindi siya nakipagtalo pa sa akin. Napakunot na lamang ang noo ko at saka siya pinagmasdan. Putlang-putla ang mukha niya na siyang ipinagtaka ko.


"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ko. Hindi mawala ang pagkakatitig ko rito.


Umiling lamang ito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakakapanibago talagang ganiyan siya ngayon. Hindi naman sa gusto kong kinukulit niya ako pero anong meron at parang natahimik siya?


"I will talk to my father once we get there. Huwag ka mag-alala." Hindi ito makatingin ng maayos sa akin.


Hindi naman na ako umimik. Sinundan ko na lamang siya paglalakad pabalik ng Rhudarda. Napatingin pa ako sa kamay ni Axen na medyo nanginginig. Ano bang nangyayari sa kaniya?! Ayoko namang tanungin kung okay lang siya. Baka mamaya kasi mag-feeling na naman ang asungot at isipin na nag-aalala ako sa kaniya.


Nang makapasok kami ng building ay pulos bulungan ang sumalubong sa amin. Pero nawala din naman ang mga bulungang iyon nang dumiretso kami papasok.


"Ako na lang makikipag-usap kay Dad. You won't like it when he gets mad. Ayaw na ayaw niya sa mga palpak."


Napalunok ako nang marinig iyon. Seryosong-seryoso din ang datingan ng hitsura ni Axen na lalong nagpadagdag ng bigat sa dibdib ko. "K-Kakausapin ko rin siya. Kasalanan ko rin kaya napunta sa kanal 'yung mga importanteng documents."


Umiling siya. "Stay here."


Hindi na ako nakaimik pa nang iwan niya ako. Naiwan tuloy akong mag-isang tulala sa ibaba ng hagdan. Wala akong nagawa kundi mapaupo na lamang sa unang baitang habang napapahilamos ng palad sa mukha. Kabilin-bilinan ni Sir Arman na ingatan namin 'yung mga envelope tapos...


Bumuntonghininga ako para pakalmahin ang sarili.


"Hi," bati sa akin ng empleyado doon na siyang ikinagulat ko.


Napataas ang kilay ko senyales ng pagtatanong. Isa ito sa mga empleyado na mukhang bata pa at hindi nalalayo sa amin ang edad.


"Totoo ba 'yung chismis na jowa mo raw 'yung anak ni Sir Arman?"


Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi. Hindi totoo 'yung mga narinig mo. Actually, misunderstanding lang--"


"I understand you. Mahirap talagang maging boyfriend ang isang high-profile na tulad ni Xianiel. Kaya as much as possible, kung ako ang nasa pwesto mo, ililihim ko talaga muna."


"H-Ha?" naguguluhang tanong ko. "Hindi ko talaga siya boyfriend."


"Okay lang iyan. Tulad ng sabi ko sa iyo kanina, naiintindihan kita."


Napakamot ako sa batok. "Actually, hindi mo talaga ako naiintindihan."


Handa na sana akong magpaliwanag pa nang may marinig kaming boses mula sa taas. Napakalakas niyon na kahit dito sa ground floor ay dinig na dinig at napakalinaw.


"Nagagalit na naman si Sir Arman. Siguradong may empleyadong pumalpak. Good luck na lang sa kaniya," natatawang imik ng kasama ko.


Natigilan naman ako at agad na napatayo sa kinauupuan. Si Axen! Umakyat ako ng hagdan at mabilis na pumunta sa opisina ni Sir Arman. Ni hindi na ako nakapagpaalam pa sa kaninang kausap ko.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now