CHAPTER 41

66 4 0
                                    

"ANONG dahilan at nakipagkita ka sa 'kin, hija?"


Bumuntonghininga ako. Ilang segundo kong pinaglaruan ang mga daliri habang tinititigan ang mga iyon. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita.


"Napag-isipan mo na ba ang offer ko?"


Naitaas ko ang paningin at diretso siyang pinakatitigan sa mga mata. "'Y-Yung... amnesia ni Axen, gaano na po katagal?"


Napaiwas siya ng tingin. "Pasensya na. Hindi ko muna pala sa 'yo na-discuss sa 'yo ang lahat ng detalye bago kita hingan ng tulong."


"N-Naaksidente po ba siya?" Napalunok ako ng sariling laway. Hindi ko matanggal ang pagkakatitig sa kaniya, umaasang iba ang magiging sagot niya sa inaasahan ko.


Tumango si Tita Adeline. "Yes, hija."


Bumagsak ang mga balikat ko. Kung gano'n ay tama ang nakita ko sa panaginip ko. Hindi malabong si Axen talaga ang naaksidente noong gabing 'yun.


"There was an accident ten years ago. Na-coma siya. Hindi na namin alam ang gagawin namin dahil ilang buwan na siyang di nagigising. Sa sobrang pag-aalala ko, I suggested to my husband na dalhin siya sa ibang bansa. Alam kong mas makakatulong kay Axen ang malipat sa mas modernong ospital. And yes, I was right!" Ngumiti siya nang may namumuong luha sa gilid ng mga mata. "He woke up! Pero panandalian lang ang saya ko dahil hindi na kami naaalala ng anak ko. Hanggang sa namatay na lang ang asawa ko, hindi niya pa rin ito maalala. Ayoko, Heaven. Ayokong mamatay nang hindi niya ako nakikilala." Doon na nagsituluan ang mga luha niya.


Napaiwas na lang din ako ng tingin. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Oras na gawin ko 'yun, alam kong mahahawa lang ako sa malakas na paghagulgol niya.


"Ginawa na namin ang lahat sa loob ng halos walong taon. Hindi talaga siya gumagaling. I... I d-don't know what to anymore!"


Wala akong nagawa kundi yakapin siya. Humahagulgol siya sa balikat ko. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong huwag lumuha pero mukhang hindi ko kaya.


Agad na nagsituluan ang mga luha ko. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Tita habang pareho kaming pumapatak ang mga luha.


---


"MR. FUERTES," pagtawag ko sa pintuan ng classroom na pinagtuturuan ni Axen.


"Oh, Ma'am Eranista! Please excuse me, students. Kakausapin ko lang si Ma'am." Pumunta ito sa kinapupuwestuhan ko.


"Ayieee!" sigaw naman ng mga estudyante niya.


"Kayo talaga! Taken na si Sir, okay?" Humalakhak si Axen nang malakas.


Napatitig tuloy ako sa kaniya. Sa loob ng ilang taon, napakalaki ng ipinagbago niya. Nakakatawa na siya nang ganoon kalakas, samantalang dati hindi ko man lang siya makitaan na tumawa nang ganito. Hindi ko alam kung nagbago rin ang ugali niya dahil sa pagkawala ng mga alaala niya.


"Ano po 'yun, Ma'am? Do you need something?" Ngiting-ngiti ito sa akin.


"After your class, pwede ba tayong mag-usap? Importante lang. It's about your condition..."


"C-Condition?" Nanlaki ang mga mata niya. "You know it?!"


"Ssh! Huwag ka ngang OA diyan! Kausapin na lang kita mamaya, hihintayin kita."


Tumango naman siya nang may bahagya pa ring panlalaki sa mga mata. Gulat na gulat talaga siya. Siguro iniisip na niya kung saan at paano ko nalaman na may amnesia siya.

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now