CHAPTER 16

142 9 1
                                    

“SAAN ka galing, Mariel?” Iyon agad ang bumungad sa amin ni Mama nang makauwi kami sa bahay. Prenteng-prente ang pagkakaupo ni Papa sa sofa at seryosong-seryoso ang hitsura.



“Kung mag-aaway na naman tayo, pwede ba bukas na lang?” Didiretso na sana paglalakad si Mama pero hinarang siya ni Papa at hinawakan sa braso.


Nawala ang kaninang seryosong hitsura ni Papa. Nagsalubong ang mga kilay niya habang mahigpit ang pagkakakapit sa braso ng nanay ko. “Kinakausap kita nang maayos.” May pagbabanta ang tinig niyang iyon. Kitang-kita din ang pagtitiim ng bagang ni Papa.


“Galing kami sa birthday party ni Mrs. Fuertes, Papa. Hindi niyo na kailangang mag-away,” pag-awat ko.


“Hindi kita kinakausap, Heaven. Pumunta ka sa kwarto mo. Hindi ko gustong pinagtatakpan mo pa ang Mama mo. Alam kong nakipagkita siya sa lalaki niya.”


Parehas kaming natigilan ni Mama. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Papa ang sinabi niyang iyon. Pero totoong galing kami ni Mama sa birthday party. Huwag niyang sabihing natatakot siya sa sarili niyang multo? Tss. Nakakatawa.


“Huwag mo ‘kong binabaliktad, Dindo. Sa ating dalawa, ikaw ang may kakayahang gawin ang sinasabi mo! Ang kapal din naman ng mukha mong pagbintangan ako sa bagay na ikaw naman ang gumagawa!” Hiniklas ni Mama ang braso niya mula sa pagkakakapit ni Papa. Nagtagumpay siya at agad na dumiretso papasok ng kuwarto niya.


Napatingin naman muna ako kay Papa bago sumunod kay Mama. Salubong pa rin ang mga kilay nito habang nakakuyom ang mga kamao. Bumuntonghininga na lamang ako at saka sinundan si Mama.


---


KINABUKASAN, nagising ako sa pagtapik ni Mama. Dito ako sa kwarto niya natulog kagabi alinsunod na rin sa gusto niya. Gusto ko rin namang samahan siya, baka magmukmok na naman siya dahil sa nangyari kahapon.


Nag-inat ako bago bumangon. “Nakaalis na ba si Papa?” agad kong tanong.



“Oo, pumasok na siya sa trabaho. Tumayo ka na diyan para maka-almusal ka na. May pasok ka pa sa Rhudarda, ‘di ba?” Matamlay pa rin si Mama katulad kagabi.


Napabuntonghininga na lamang ako.


Teka, may pasok nga pala ako ngayon! Bakit ko ba nakalimutan? Muli akong nag-inat saka na naglakad palabas ng kwarto. May nakahain nang almusal kaya wala na akong sinayang pang panahon at kumain na. Mabilis lamang akong kumain dahil pagtingin ko sa orasan ay 6:30 am na. Alas otso pa naman ang call time at maliligo pa ako!



“Anak, may naghahanap sa iyo,” tawag sa akin ni Mama matapos kong makapagbihis. Sobra na akong nagmadaling maligo dahil babiyahe pa ako pauwing bayan para pumasok na. Bakit ba kasi nawili ako masiyado sa paghilata?!



Lumabas ako ng kwarto habang may suklay pang nakasabit sa buhok. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa basa ko pang buhok habang palabas upang tingnan kung sinuman ang naghahanap sa akin nang ganito kaaga. “Sino po ‘yon—“ Nabitawan ko ang hawak na suklay nang makilala kung sino ang naghahanap sa akin.



Nakatayo lamang ito sa labas ng pintuan. Agad itong ngumiti sa akin nang makita ako.



“Axen?! Anong ginagawa mo rito?” nanlalaki ang mga mata kong tanong. Kung pwede ko lamang ibaon ang sarili ko sa lupa’y kanina ko pa ginawa. Hindi pa man lamang ako nakakapagsuklay nang maayos!



“Sinusundo ka.” Muli itong ngumiti.



“H-Ha?” Sinusundo niya ako? Bakit? Jusko, huwag niya sabihing manggugulo siya nang ganito kaaga? At ang layo pa ng dinayo niya para mangulit, ah.



HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now