CHAPTER 37

56 3 3
                                    

AFTER TEN YEARS...


Inayos ko ang salamin ko sa mata at saka muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa board. "Who wants to solve the problem on the board?" Itinuro ko pa ang pisara gamit ang patpat na trademark ko na sa mga estudyante ko.


"Wala sa inyong gustong sumagot dito sa unahan?" Kinuha ko ang index card sa table. "So magtatawag ako?"


Napakamot ang ilan sa mga estudyante sa harap ko. Ang iba nama'y kung saan idinako ang paningin at ayaw ako titigan diretso sa mga mata. May ilang nakatingin sa labas ng room at may iba namang sa sahig nakatingin.


Muli kong itinuon ang pansin sa hawak na mga index card. Binalasa ko iyon at nakangisi kong binunot ang isa sa mga iyon. Handa ko nang ibuka ang labi ko para tumawag ng pangalan nang tumunog ang bell.


"Yehey! Recess!"


Nagsitayuan silang lahat at halos magtulakan palabas ng room.


"Yes! Buti na lang hindi ako natawag!"


"Saved by the bell!"


"Sana mabago 'yung teacher natin sa Math. Ayoko sa Math kasi ang hirap pero mas lalong ayoko sa teacher natin ngayon."


Kung anu-ano pang bulungan ang hindi nakatakas sa pandinig ko. Hindi ko nga alam kung bulong pa iyon o sinadya na talagang iparinig sa akin.


Napabuntonghininga na lang ako at saka isinalansan lahat ng gamit ko. Ipinatong ko 'yun sa braso at taas-noo akong lumabas ng classroom. May ilang magugulong estudyante sa daan pero nang mapansin ako ay nagsitigil ang mga ito sa kagaslawan.


Humawi ang mga ito sa daan ko.


"Next time na maglilikot kayo, huwag sa harapan ko. Maliwanag?" tanong ko. Halos tumaas ang isa kong kilay pero pinigilan ko.


"S-Sorry po, Stick Ma'am."


"Ma'am Eranista, iyon ang itawag niyo sa akin. Next time na marinig ko pang tawagin niyo 'kong Stick Ma'am, tutuhugin ko kayo gamit 'tong patpat ko. Maliwanag?!"


Halos itungo ng mga ito ang ulo matapos tumango. May ilan namang estudyante na napahagikhik dahil sa mga sinabi ko.


"May nakakatawa ba?" tanong ko matapos bumaling sa mga estudyanteng parang kambing kung tumawa.


Nagsitigil sila at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Inayos ko ang salamin sa mata at saka taas-noong nagpatuloy sa naudlot na pagrampa papuntang Faculty Room.


Papasok na sana ako sa loob ng Faculty Room nang may masalubong akong estudyante na palabas naman sa room na 'yun. Nabangga ako nito dahilan para malaglag ang mga dala kong gamit.


Agad ako nitong tinulungan sa pagkuha ng mga gamit ko. "Naku! S-Sorry po."


Salubong ang mga kilay ko itong tinitigan. "Kane?"


Napatingin ito sa akin. "Sorry, ate. Oh, heto na po mga gamit mo." Iniabot nito sa akin ang mga documents kong nalaglag sa sahig.


"Anong ginagawa mo rito sa Faculty Room? And please, don't call me ate kapag narito tayo sa school." Bahagya akong umirap.


"Oo na po, Stick Ma'am. Hindi na po kita tatawaging ate." Itinungo nito ang ulo na para bang tutang pinagalitan.


"Anong Stick Ma'am?! Gusto mo ba tusukin kita ng stick diyan?!" Handa na sana akong batukan ito nang maalala kong wala nga pala ako sa bahay. Napa-ehem ako at tumingin sa paligid kung may nakakita sa iniakto ko. "Umalis ka na! Ayusin mo mag-aral. Humanda ka sa 'kin sa bahay." Pinanlakihan ko ito ng mata.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now