CHAPTER 28

128 7 0
                                    

KINABUKASAN...

"Ano pa bang ginagawa mo diyan sa loob ng CR? Kanina ka pa hinahanap ni Axen." Panay ang katok ni Kath sa CR ng classroom namin. Kanina pa ako rito nagtatago mula kay Axen. Pumunta kasi siya rito sa PNHS sa hindi ko malamang dahilan. 


"S-Sabihin mo sa kaniya, natatae ako. Please, ayoko muna siya makita." Halos maiyak na ako sa pagmamakaawa habang nakaupo sa bowl.


"Ano?! Bakit mo ba siya iniiwasan? Ano bang nangyari kagabi sa inyong dalawa, ha?"

Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakataong ito para ikuwento kay Kath ang nangyari. Nawala ako sa sarili ko kagabi. Nasabi ko kay Axen na gusto ko siya kasi akala ko tulog siya! Well... ipinikit din naman niya ulit ang mga mata niya pero di pa rin ako sigurado kung narinig ba niya ako o hindi. Mas malaki pa rin ang chance na narinig niya!

At pumunta siya ngayon dito para ano? Para komprontahin ako tungkol sa sinabi ko?!


Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago lumabas ng CR. Uwian na namin at mga cleaners na lamang ang nasa loob ng classroom. Pauwi na rin sila kaya wala na akong choice kundi lumabas ng CR dahil baka masarahan ako ng classroom.

Napabuntonghininga na lamang ako nang makita si Axen, prenteng-prente ang pagkakatayo sa labas ng CR. Hinintay niya talaga akong lumabas, pambihira.


---

"SASAMAHAN mo 'ko bukas. Iyon na lang ang regalo mo para sa birthday ko kahapon."

Naguguluhan kong pinakatitigan si Axen. "Ano? Hindi ako pwede, may gagawin akong ano... a-assignment! Tama, may assignments and projects akong tatapusin bukas!"

Bumuntonghininga si Axen. "Tinanong ko na kanina si Kath. Wala naman daw kayong naiwang gawain dahil final exams niyo na lang ang hinihintay ninyo. Talaga bang iniiwasan mo 'ko?"

Ilap akong umiwas ng tingin at napalunok. "Hindi 'no. Ba't naman kita iiwasan?"


"Kung totoong hindi, sasama ka sa akin bukas. At saka sabi ni Mommy bigla ka raw nawala kagabi. Bakit hindi ka raw nagpaalam na uuwi ka na?"

Marahas akong napalunok nang sunod-sunod. Nanlamig ang mga palad ko't mistulang pinawis. "H-Hindi mo ba alam kung... a-anong nangyari kagabi?"

"Ang naalala ko lang, pinainom nila ako nang pinainom hanggang sa nalasing na ako. Paggising ko, umaga na at nakahiga na ako sa kama ko. Bakit? May nangyari ba? Nabanggit din kasi sa akin ni Mommy na pumunta ka raw kagabi, e. Pasensya ka na kung may nagawa o nasabi man akong kakaiba."


Napahinga ako nang maluwag. Ang kaninang malakas na tibok ng puso dahil sa kaba ay agad na naglaho. Pasalamat na lamang at hindi niya natatandaan kung anong mga sinabi ko kagabi. Wala akong lakas ng loob para umamin sa kaniya sa kung anuman ang dapat kong aminin.

"Sasama ka sa 'kin bukas, ah! Pupunta tayo sa Blue Village," nakangiting imik ni Axen.


"Blue Village? Saan naman 'yun?"


Nakarating na kami sa parking lot kaya sumakay na siya ng motor niya at agad akong pinaangkas. Sasaka kami ngayon papunta sa Anawan dahil Sabado naman na bukas at walang pasok.

"Hindi mo alam kung saan ang Blue Village? Taga-Anawan ka ta's di mo alam?" natatawang tanong ni Axen.

"Saan nga?" Napairap ako.


"Sa Anawan 'yun. Blue Village kung tawagin kasi puro Azul ang apelyido ng mga nakatira doon. Hindi ka familiar? Doon 'yun sa malapit  sa Vulcanizing Shop ng mga Tiyo Elmer."

HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now