CHAPTER 43

64 4 0
                                    

NAKANGISING tumingin sa akin si Shun habang nakaupo pa rin ako sa lupa. Napatitig ako sa kaniya at sa kasama niya. Nang magtagpo ang mga paningin namin ng kasama niyang si Jeoanne ay agad itong napaiwas ng tingin. Magkahawak-kamay silang dalawa.


Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang pumasok sa eksena lalo na sa ganitong pagkakataon.


Hindi ko ba talaga kayang takasan ang nakaraan?


"Heaven!" dinig kong pagtawag ni Axen. Sa bilis ng yabag ng mga paa nito'y alam kong tumatakbo ito kahit di ko tingnan. Humawak ito sa dalawang balikat ko at dahan-dahan akong inalalayan patayo.


"Kumusta, Heaven?" tanong ni Shun. Hindi mawala ang pagkakangisi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Tumitig din ito kay Axen at mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Hanggang ngayon pala pinapanindigan niyo pa rin ang peke niyong relasyon?"


"A-Anong sinasabi mo?" salubong ang mga kilay kong tanong. Napalunok na lamang ako ng sariling laway habang nilalabanan ang mga titig nito.


"Sino sila, Heaven?"


Napatingin ako kay Axen nang itanong niya iyon. "H-Hayaan mo na lang sila. Umalis na tayo. T-Tayo na..."


"Sa tagal nating di nag-usap, aalis ka na agad? Catch-up naman tayo! Na-miss kita, e." Lumapit sa akin si Shun para umakbay pero agad akong umiwas. Kahit anong lapit nito, hindi ko ito hinayaang makahawak sa akin.


"Wala akong oras makipag-usap sa 'yo  Nakita mo naman nang okay ako. Mukha rin namang maayos ka. Tama na siguro 'yun." Hinila ko na si Axen palayo. Pero nakahinto lang si Axen at palipat-lipat ang mga mata sa dalawang kaharap namin.


"Hindi mo ba na-miss si Jeoanne, Axen?" tanong muli ni Shun.


"Kilala mo 'ko?" Naguguluhang tumingin si Axen sa akin. Mapagkuwestyon ang mga mata niya. Alam kong hinihintay niya akong ipakilala ang mga taong iyon sa kaniya. "Sino sila, Heaven? Mga kaibigan ko ba sila?"


"Bakit? Hindi ka nakakaalala? Amnesia?" Tumawa si Shun. Humagalpak ito ng tawa habang nakahawak sa kaniyang tiyan. "Too bad, hindi mo siguro alam kung anong klaseng relasyon  ang mayroon kayo ni Heaven."


"Anong sinasabi mo?" Lumapit dito si Axen at hinawakan ang kwelyo nito.


"Easy, man. Bakit ang init ng ulo mo? Tinutulungan na nga kitang makaalala."


Malakas itong binitawan ni Axen. "Sino kayong dalawa?"


"Tara na, Axen." Hinila ko itong muli pero ayaw nitong magpahila. Nanatili lang ito sa pagkakatayo habang litong-lito sa mga nangyayari. "Tara na nga! Hayaan mo na sila!"


"Ipaliwanag mo sa akin kung anong sinasabi nila." Tinitigan ako ni Axen nang diretso sa mga mata.


Napaiwas naman ako ng tingin. Pero hinawakan ako ni Axen sa dalawa kong balikat. Pilit niya akong hinarap sa kaniya. Itinaas niya ang baba ko para magtama ang mga paningin naming dalawa. Doon na dahan-dahang nagsituluan ang mga luha ko. "B-Bitawan mo 'ko, Axen..."


"Sabihin mo... ano pa bang mga hindi ko alam?" Namula ang mga mata ni Axen.


Umiling ako. "Sinabi ko na sa 'yo lahat-lahat ng kailangan mong malaman."


Binitawan ako ni Axen at saka siya napasabunot ng buhok. "B-Bakit ba hindi mo masabi kung sino sila?! Bakit hindi mo masabi?"


"Naging kayo dati. Pero peke lang. Parehas kayong um-agree sa pekeng relasyon. Hindi ko alam lahat ng detalye pero 'yan siguro ang hindi pa niya sinasabi sa 'yo," imik ni Shun sa gitna ng kawalan.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now