CHAPTER 21

144 6 0
                                    

“ANONG romantic movie ang magandang panoorin ngayon?” tanong ko kay Kath sa kabilang linya. Magkatawagan na naman kami, as usual. Matapos akong ihatid kanina ni Axen ay hindi na ako mapakali kaya agad kong tinawagan si Kath.

“Romantic movie? Para saan? I mean, bukod sa A Walk to Remember, wala ka nang ibang pinanood na movie with the same genre kasi sabi mo nako-corny-han ka. So anong himala 'to?”

Yumakap ako sa unan na katabi at nagtalukbong ng kumot. Medyo hininaan ko rin ang boses dahil baka marinig ako ni Mama sa kabilang kwarto. “Wala naman. Masama bang manood ako ngayon ng romantic movie?”

“Hmmm…” Alam ko na agad na nakahawak siya sa baba na animo’y nag-iisip nang malalim base sa boses niya. “Sure akong may something. Sabihin mo na, girl. Napo-fall ka na ba kay Axen, ha?”


Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi, ah!” agad kong tanggi. “Ano namang konek n’on sa panonood ko ng romantic movie?!”

Humalakhak nang pagkalakas-lakas ang kaibigan ko kaya inilayo ko ang cellphone sa tainga ko. “Malay ko ba kung gusto mong maka-relate sa pinapanood mo para lalo kang kiligin! Hoy, huwag ako, ganiyan ginagawa ko!”


“Hindi ‘no! Gusto ko lang makakuha ng idea kung anong mga bagay na ginagawa ng mga real couple. Alam mo na…”



“Girl, oh my gulay! Bakit mo gustong malaman?!”


“Ba’t ba ang OA mo ngayon? Mamaya pagalitan ka diyan ni Tita kasi ang ingay-ingay mo, gabing-gabi na. Gusto ko lang naman mas maging effective ‘tong pagpapanggap namin ni Axen. NBSB ako, remember? Anong alam ko sa ginagawa ng mga magkatipan?” Bumuntonghininga ako. Malinis ang hangarin ko. Gusto ko lang talagang makatulong. Wala akong hidden agenda o anuman!


"Kailangan mo pa ba 'yun? Kung makapaglandian nga kayong dalawa parang tunay na tunay, e." Tumawa ito.


"Sa tingin mo ba effective na 'yun? I mean, so far, wala pa namang kumukuwestiyon sa fake relationship naming dalawa pero... gusto ko lang makasigurado."


"Tingin ko naman alam ni Axen ang ginagawa niya. Just go with the flow, girl! Baka lang maging awkward kapag may ginawa kang kung anu-anong ka-corny-han sa kaniya."



Hindi ako nakaimik matapos iyon at bumuntonghininga na lamang muli. Matapos ang ilang segundo ay hindi ako nakatiis at muling umimik. "At saka pala may itatanong ako..."

"Ano 'yun, girl? Itanong mo na bago ko ibaba 'tong linya."

Ilang beses akong huminga nang malalim habang iniisip kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong. "A-Ano ba ang... feeling ng taong inlove?"

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Kapagkuwa'y pagtawa ni Kath ang umalingawngaw sa kabilang linya. "Bakit mo naman tinatanong? Feeling mo ba inlove ka na?"


"W-Wala. Huwag na nga. Kalimutan mo na lang." Tumikhim ako.

"Hindi, pag-usapan natin 'to," pang-aasar ng kaibigan ko. "Sinong malas na lalaki ang nagustuhan mo? Spill na! Sapok ang magsinungaling."


"As if naman nandito ka para sapokin ako."

"So magsisinungaling ka talaga?" puno ng pagkadismayang tanong ni Kath.

"Wala nga kasi, kalimutan mo na lang 'yung tinanong ko. Sige na, bye, sobrang late na. May pasok pa tayo bukas." Nang magpaalam na rin si Kath ay agad kong ibinaba ang linya. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa ubod ng lakas ng pagkakatibok ng puso ko roon.


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now