CHAPTER 42

80 5 0
                                    

"KUMUSTA ang kaibigan mo?" Napapakamot sa ulo na tanong ni Axen. Hinatid niya kami ni Kath dito sa bahay. Dito ko muna papatulugin ang kaibigan ko.


"Natutulog na. Salamat sa paghatid, ah. Naabala ka pa. Huwag mo na lang intindihin 'yung babaeng 'yun. Nalasing lang 'yun kaya kung anu-anong sinasabi."


"About that... ang sabi niya sinaktan daw kita? May nangyari ba dati sa 'tin? Did we fight? K-Kasi... sabi mo kakilala na kita noon pa, right?"


Napaiwas ako ng tingin. Napalunok din ako ng laway. "Gabi na masiyado, Axen. Ang mabuti pa, umuwi ka na. O kaya naman bumalik ka sa welcoming party para sa 'yo. Nakakahiya naman na para sa 'yo 'yung party ta's nandito ka." Bahagya ko pa siyang itinulak palabas ng gate.


"W-Wait..." Humarap siya sa akin.


Ni hindi ako makatingin sa kaniya.


"'Yung pagtulong na sabi mo... k-kailan tayo magsisimula?"


"Next week! Tatawagan na lang kita!" Itinulak ko siyang muli. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako na ewan. Kung tutuusin ay siya pa nga dapat ang mahiya dahil siya naman ang may atraso sa 'kin. Pero hindi naman siya makaalala so...


Hays! Hindi ko na rin talaga alam!


---


"SAAN KA GALING?"


Ikinagulat ko nang marinig iyon. Napatingin ako kay Kath na nakatayo na sa pintuan ng kwarto kung saan siya natutulog kanina. Nagising na pala.


"N-Nagpahangin lang. Hindi ka na ba lasing?"


Umiling siya. "Nagising ako kasi narinig ko 'yung boses ni Axen." Napairap siya. Hindi ko maintindihan kung badtrip siya o dahil lang sa bagong gising siya kaya ganiyan.


"Siya ang naghatid sa 'tin. Kakaalis lang niya, actually."


"Bakit kung umasta ka parang wala siyang kasalanan sa 'yo? Kung magngitian kayo kanina parang close na close kayo, ah. Tandaan mo, niloko ka niya—"


"Alam ko," pagpuputol ko sa kaniya. Napabuntonghininga ako. "Hinding-hindi ko nalilimutan 'yun."


"Madalas lang ako magbiro tungkol sa kaniya these past few days pero hindi ko talaga naiwasan 'yung pagkairita ko sa kaniya kanina. Iba na pala pag sa personal ko na siya nakita. Nakakainit ng dugo. Bumalik 'yung galit ko sa manlolokong 'yun."


"Magpahinga ka na muna, Kath. Bukas na lang tayo mag-usap nang matino."


"Nakikipagbalikan ba siya sa 'yo, Heaven?" tanong niya nang walang ekspresyong makikita sa mukha. Blangko.


"Kath..."


Ngumisi siya at naglabas ng sarkastikong tawa. "Gusto ko lang ipaalala na nag-away tayo dati dahil sa kaniya. Ayaw ko lang maulit 'yung mga nangyari na sinaktan ka niya—"


"May amnesia siya, Kath." Napaiwas ako ng tingin.


"Once a cheater always a—" Nanlaki ang mga mata niya matapos mag-sink in sa kaniya ang mga sinabi ko. "A-Ano? Amnesia?"


Tumango ako. "Wala siyang naalala na kahit ano. Kahit mga magulang niya hindi niya kilala. At isa pa, may girlfriend na raw siya kaya hindi siya makikipagbalikan sa 'kin kahit pa bumalik ang mga alaala niya. Kailangan ko lang siyang tulungan na makaalala dahil..." Napalunok ako at napabuntonghininga pagkatapos. Grabe ang panginginig ng mga labi ko. "...n-niligtas niya ako sa aksidente, ten years ago."


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDWhere stories live. Discover now