Chapter 3: Nickname

2.9K 13 5
                                    

CHAPTER 3

JERIC’S POV

I asked her to stay but she wouldn't listen, she left before I had the chance to say the words that would mend the things that were broken, but now it's far too late she's gone away.

This is what’s on the radio while I’m driving to school. Spent the weekend in the South with my family. May mga pagkakataong, pipiliin mo nalang maging masaya kahit wala siya kasi minsan naiisip mong sayang ang mga araw kung magmumukmok ka lang sa paglisan niya. I know that there will come a time that everything will be fine. Just let us give everything and everyone a time. Mahirap rin naman nung sugod ng sugod, kailangan talaga minsan magpahinga. Ayoko na munang isipin yung dahilan kung bakit siya umalis ng araw na yun. Days and weeks have past since that day. I can’t say that I don’t love her no more, because I really do.

I only have one class today. Siguro antayin ko nalang si Ta mamaya sa dorm after class, nang makapagPS3 kami. Iniwan ko muna yung sasakyan sa dorm, and I started walking to UST. I entered Dapitan gate. Medyo maaga pa, kaya di naman ako masyado nagmamadali papasok.

“O, Fort. Aga ah! Anong oras ka umalis sainyo?” biglang bati sa akin ni Ron sa hallway ng building.

“Ikaw lang ba may karapatang maging maaga? Yabang talaga!” biro ko.

“Wag ka mainis. Hahaha.”

Nakita kong may papalapit na lalaki sa amin. Parang magkakilala sila ni Ron dahil he’s approaching towards him. Tiningnan ko si Ron and signed that someone’s approaching behind him. Nilingon naman niya yun, at magkakilala nga sila.

“Ay paps, si Joseph nga pala. New found friend. Wag ka magseselos ah.” Pagpapakilala ni Ron dun sa kaibigan niya.

We exchanged smiles and shook each others’ hands.

“Joseph, si Jeric nga pala.” Dugtong ni Ron.

“Nice meeting you bro. Mauuna na rin pala ako, may klase pa ‘ko eh. Kita kita nalang. Uy Ron, mamaya a?”

“Oo na, sama ba si Ta?”

“Ata? Bahala na, text mo nalang.”

My class went for 2 hours, pero parang ang bilis ng oras eh.  Dumaan muna ako sa Wendy’s before going back to the dorm. Nakakagutom rin, I realized I haven’t eaten anything since this morning. Nasaan na kaya sina Ta at Ron? May klase pa ata yun eh. Wala pa kong kasama sa dorm. I ordered a Baconnator and went up the second floor. The establishment was slightly empty. Siguro masyado pang maaga para mag Wendy’s pero, gutom na talaga ako eh. I ate alone and just kept refreshing my timeline sa twitter.

@jericfortuna: Baconnator!

“Bro!!” biglang may sumigaw. Napatingin ako who it was and who is he talking to.Then I realized it was me. Si Joseph pala yung friend ni Ron.

“Uy, Joseph right?” I confirmed.

“Oo, ikaw lang?”

“Oo eh. Asan pala si Ron?”

“Wala e, may klase. 2 subject lang kasi kami magkaklase.”

“Ah ganon ba.”

“Ay, teka lang, tumatawag na yung friend ko. Dito kasi kami magkikita e. Okay lang ba, alis muna ko?”

“Wala yun, sige lang bro. Ingat ka.”

Joseph went down in a couple of minutes, pero nakabalik rin siya agad. Baka naman dito talaga sila magkikita, and inaantay lang siya nung friend nya sa baba thinking na wala pa siya. Sumenyas sakin si Joseph.

Beyond the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now