Chapter 12: That Day

2.5K 11 4
                                    

CHAPTER 12



DENISE’S POV

*Flashback*

“Guys, sandali lang ha.” Sabi ni Captain.

“Nako, yung mga sandaling yan, nakakatakot yan.” I answered.

“Bakit? Maimiss mo ako agad?”

I smiled and told him, “Huwag kang masyadong sweet Captain, baka dumating ang panahon na masanay ako at pag nawala ka, hanap hanapin ko.”

And I mean that. I don’t know what’s my purpose of saying that eventhough I know he will comeback and everything will turn out just fine.

“Eventhough everyone would leave, I’ll always choose to stay with you, no matter what. Remember that.” He answered. I guess Captain would always be the man that every girl will look for.

“Teka, Fort, aalis ka ba talaga? Eh, bakit hindi mo ba mabitawan kamay ni Denise?” pang-aasar ni Alex.

“Eto na nga, aalis na po.” Sabi ni Captain and then a second he was gone.

“Masyado kayong sweet ni Captain ah.” Sabi sa’kin ni Alex.

I just smiled and remembered that moment.

“Buti pa nga sila.” Aljon interrupted na para bang ang init ng ulo.

“Aljon, kanina ka pa badtrip, okay ka lang ba?” I said. Medyo nakakahawa kaya ng aura pag badtrip ang isang tao. Nakakasira ng araw, indeed.

“Oo, okay lang ako.” He said with a grumpy face.

“Pano ka magiging okay kung hindi maipinta yang mukha mo? Sabihin mo nga samin problema mo.” I told him. Alex kept silent tweeting in her phone. Tweeting nga ba or katext si Kiefer?

“Sus, palibhasa yan si Jeric..” he said.

“Oh, e bat napasok naman dito si Jeric?”

“Diyan kay Louise..” he said.

Napansin kong napatigil si  Alex sa ginagawa niya, inunahan na niya ako sa dapat kong sunod na tanong.

“O sino naman yang si Louise?” Alex asked.

“Seriously, ‘di niyo siya kilala?” Aljon smirked na para bang nang-iinis pa.

“Why would we bother asking if we already know her?” Patol ni Alex.

“Sabi na nga ba, ‘di yun sinabi ni Jeric e. No one really has a happy ever after.” He said.

“Aljon, sino ba kasi si Louise? I don’t know what you’re talking about. Hindi ko alam kung sinisiraan mo lang ba siya or may toyo ka lang talaga ngayon.” I said.

“Louise is the girl before you.. or should I say, during? Nung una, we’re just daring Fort. Yung mga cards na Mahal Kita, it’s all part of the game. Louise and him was on the stage of going into a relationship. Hindi namin alam na seseryosohin ni Fort yung dare namin sakanya. Kaya niya yun ginawa. So, Louise got mad at him at hindi na nga sila natuloy. But Jeric seemed not affected. We even asked him bat parang walang nangyari after Louise had left him. And there. That’s the moment he told us na he really has fallen for you.”

Para akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko noong malaman ko yun. Pinipigilan ko lang yung sarili ko, pero sa totoo lang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na ulit ako makakain at nasa iisang direksyon lamang yung tingin ko. Sobrang lalim ng iniisp ko na para bang kulang nalang malunod ako sa mga naiisip ko. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin, ang daming sagot na gusto kong malaman. Mga tanong na, Bakit kailangan sa akin pa mangyari ‘to? Bakit kailangan sa ganitong paraan ko pa malaman ang mga ganitong bagay? Bakit kulang nalang maging manhid na ako sa mga bagay na ayokong malaman? 

Beyond the Unplanned LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz