Chapter 3 : Attraction at first fight

8 2 0
                                    

The bell rang means their class was over and other Subject Teacher will take over, to teach them and had a discussion.

Noong makalabas na si Teacher Thim binulongan ni Jaxter ang mga kaibigan na nagpasahan ng mensahe sa paraang pabulong.

Agad silang nagform ng pabilog malayo kay Adrianne, gaya ng sinang-ayonan nila. Hindi naman 'yon pinansin ni Adrianne at nilagay sa taenga ang earphone niya at nagsound trip na lamang.



" Paano kong mamatay siya?" Pag alala ni Wyn dahil babae ito.

Isa pa hindi talaga siya sang-ayon dahil baka anong mangyari dito.

Agad siyang sinamaan ni Jaxter ng tingin.

" Hindi siya babae, tingnan mo nga ang ayos at datingan niya." Pagsusuplado ni Jaxter.

" Ayoko makisali, bahala kayo d'yan." Pag-ayaw ni Wyn sabay alis sa pabilog nilang pagpupulong.

" Ang kj!" Salita ni Jaxter ng umalis si Wyn.


Dinig na dinig ito ni Wyn pero binalewala niya na lamang. Naupo si Wyn sa upoan niya at pasulyap-sulyap na tingin siya kay Adrianne. Habang ang mga kaibigan at kaklase kasama si Jaxter na master mind ay nagpatuloy sa pagpupulong.

Napaisip-isip si Wyn na, boyish nga ang datingan nito na meron ding kapogian.

Pilit niya 'yong iwinaksi sa isipan at dinampot ang Libro na nasa ibabaw ng desk niya. Ito na lamang ang pinagtuonan niya ng pansin, ang magbasa.





" Anong ginagawa niyo! Bitawan! Bitawan niyo ako!" Pagpupumiglas nito.

Hindi na ito pinansin ni Wyn at nagfucos na lamang sa pagbabasa expected na niya ang ginawa ng mga kasamahan.

" Mga ga-" naudlot na ang isisigaw nito dahil sa nawalan na ito ng
malay.



Hindi mapigilan ni Wyn na sulyapan ang mga kasamahan sa ginagawa. Napagtanto niyang Lalaki nga ang tingin ng mga kasamahan kay Adrianne, hindi babae.

Ginapos ng mga ito ang mga kamay nito sa papulsuhan, pati ang dalawang paa nito. Tinakpan ng panyo ang mga mata nito gamit ang panyo as a blindfold. Pinagtulongan nilang ipasok sa Cr nila at sarhan.






" Good job! Guys!" Congratulations ni Jaxter sa lahat na sayang-saya.

" Nakabawi din sa ginawa niya sa'kin." Sambit pa ni Dal.

" Gaano ba siya kalakas?" Natatawang tanong ni Tope kay Dal na merong halong pang-aasar.

" Pasakal ka ng malaman mo!" Inis na sabi ni Dal kay Tope.

" Woahhhhhhh! Savage!" Cheers pa ng mga tropa nila sabay tawanan.


Dumating ang mga nagdaang Subject Teacher at umalis sa loob ng Eight hours, ng hindi man lang na memeet si Adrianne. Akala ng mga subject Teachers absent ito sa unang araw ng klase, which is nagbigay sa kanila ng impression na nagpapakita talaga ito ng kagaspangan ng ugali nito.

The bell rang at 4:30 pm, oras na ng uwian. Naglalabasan na ang mga Section F sa Gate ng biglang maalala ni Wyn na naiwan niya ang Libro niya sa desk niya, pati si Adrianne na kinulong ng mga kaklase niya at kaibigan sa Cr.

" Jax, Krist, Frank, Tim, balik muna ako sa Classroom naiwan ko ang Libro ko." Paalam niya sa mga kaibigan.

" Sige, hintayin ka namin sa tambayan na'tin. Doon sa Basketball Area." Jaxter.

Tumango na lamang si Wyn saka naglakad paalis ng mahinahon. Noong makalayo na siya at hindi maabot ng paningin ng mga kaibigan, agad siyang nagtatakbo paalis. Binilisan niya ng binilisan, kinakabahan siya sa baka mapatay sa suffocation si Adrianne at baka makulong silang lahat.

Wala naman sa isipan ni Jaxter na tutulongan ni Wyn si Adrianne, kaya chill silang apat na nagpunta sa tambayan.

Nagising si Adrianne na masakit ang kamay at paa. Hindi niya maigalaw iyon at madilim ang paningin niya. Biglang naalala na niya lahat-lahat ang nangyari, pinagtulongan siya ng mga Section F. Amoy na amoy niya ang mabahong amoy ng Cr at napakatahimik ng paligid, dinig niya din ang huni ng mga serom-serom sa paligid kaya napagtanto niyang maggagabi na.

Unang beses niyang maexperience ang ganitohin ng mga kaklase niya. Gusto niyang umiyak pero naisip niya din na walang tutulong sa kaniya at aasahan.

Biglang merong nagbukas ng pinto ng kinaroroonan base sa narinig niya, hingal pa ito at pumapasok sa ilong niya ang perfume nito.

Naramdaman niya ang pagkalag sa paa niya ng tali ng hindi man lang nagsasalita, isinunod din nito ang kamay niya. Tinanggal nito ang tali na nakapulupot sa palapulsuhan niya, chenick pa nito ang palapulsuhan niya sabay ang pagkadinig niya ng malalim na ginhawang buntong hininga nito.

" Glad you're okay," dinig niyang boses nito.

Familiar agad siya sa boses nito kaya hindi siya gumalaw, alam niyang Lalaki ito at isa sa mga Section F. Paano niya malilimutan ang boses nito? Eh ito 'yong cold but soft voice na maganda sa pandinig niya at ang Lalaki na nagbato ng Bag niya sa labas.

Isinunod naman nito ang pagtanggal ng blindfold niya, bumungad sa paningin ni Adrianne ang mukha nito. Ang sobrang maamong mukha pero hindi ito ang tipo niya, isa pa enemy sila. Hindi ikinaila ni Wyn sa sarili na nagulat siya sa bungad na mukha ni Adrianne, nakasmirk ito at nakatitig sa kaniya ng deritsu.

Hindi niya akalaing gising ito, na meron na itong malay.

Agad siyang umatras sa pagkakalapit niya dito at tumayo. Ganoon din ang ginawa ni Adrianne, tumayo ito at pareho silang magkaharap sa ngayong dalawa.

" Tingin mo dapat akong magpasalamat sa'yo?" Tawang tanong ni Adrianne.

" Puwede kanang umuwi." Pagpapalaya ni Wyn kay Adrianne.

Biglang hinila ni Adrianne ang magkabilang kuwelyo ng uniform niya, sabay panunuhod ni Adrianne sa tiyan niya na hindi niya inasahan.

" P*cha! Walang utang na loob!" Pamura ni Wyn sa isipan.

Namilipit siya sa sakit at napasandal sa ding-ding ng Cr.

" Para 'yan sa pagbato mo ng Bag ko at ang susunod kong suntok naman, para sa pagkulong niyo sa'kin dito!" Sigaw ni Adrianne sa mukha niya.

Napasmirk si Wyn ng wala sa oras sabay hila dito ng mabilis sa position niya, at ito naman ang ipinalit niya sa ding-ding. Kinorner niya ito ng mga braso niya at seryusong tinitigan.

Hindi siya makapaniwala na may babaeng mananakit sa kaniya at transferee pa nila.








Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon