Chapter 31 : Save Jaxter

3 1 0
                                    

Trigger Warning ⚠︎

Violence ahead.

Enjoy reading!







Tinawagan isa-isa ni Wyn ang mga kasamahan, maliban kay Dal. Si Hernand na lamang ang pinakiusapan ni Wyn na tawagan si Dal. Nagkita-kita sila sa lugar na pinag-usapan nila, ngunit nagtagpo naman roon sila nila Adrianne. Hindi nila inaasahan ang pagkikita ng dalawang groupo na dating magkatunggali. Nagugulohan pa at napapatanong ang mga tingin ng mga Section F kay Adrianne, kung bakit kasama niya ang mga ito.

Nafamiliarised ng magkabilang groupo ang bawat isa.

“ Bakit kasama mo ang mga ‘yan, Adrianne?” Usisa ni Tim.

Nagkatinginan pa si Adrianne at Wyn, pareho nila kasing hindi inasahan ‘yon.

“ Sigurado ako, si Adrianne bumali sa braso mo.” Hirit ng groupo ni Adrianne.

Naningkit agad ang tingin ni Tim sa mga ito.

“ Kasama na'tin sila.” Salita ni Wyn na nagpatameme sa lahat.

Lahat ng attention ay nakatuon kay Wyn. At agad na gustong magtanong, ang bawat isa’t isa kay Wyn, patungkol sa binigkas nito.

“ Anong sabi mo?” Tanong pa ni Dal kay Wyn.

“ Ipaliwanag mo na sa kanila, baka magrambulan pa sila mamaya.” Salita ni Adrianne kay Wyn.

Bumuntonghininga muna si Wyn saka hinarap ang mga kasamahan.

Sinserong hinarap ni Wyn ang mga kasamahan, na naghihintay naman ng sagot ni Wyn.

“ Inalok ako ng tulong ni Adrianne at tinanggap ko i—”   Hindi na naipatapos pa ni Wyn ang sasabihin ng magsalita si Tim.

“ Baka nakakalimutan mo ang ginawa nila. Ang nangyari dati?” Pagpapaalala ni Tim kay Wyn.

Seryusong tinitigan ni Wyn si Tim.

“ Puwede bang patapusin mo muna ako? Can't you wait?” Inis na salita ni Wyn kay Tim.

“ Let him, Tim.” Salita ni Frank.

“ Ipinapaalala ko lang sa'yo dahil ikaw ang mas naapektohan sa’ tin lahat.” Pag-aalala ni Tim.

“ Wag ka sana magpauto-uto sa bruhang ‘yan.” Dugtong pa ni Tim.

Napataas ang kilay ni Adrianne dahil sa siya ang pinaparinggan ni Tim.

“ She can't affect my decision.” Nanlaki bigla at parang nagulat si Adrianne sa narinig kay Wyn.

“ Tinanggap ko ang alok niya hindi dahil nagpatawad na ako, kundi dahil ayaw ko na muling mawalan ng kaibigan. Sinabi niyo na kanina diba? Hindi basta-bastang groupo ang kakalabanin na'tin. Hindi ko idadahilan na mahina tayo dahil kilala ko kayo at alam ko ang kakayahan niyo, malaki ang tiwala ko. Pero mas kailangan na'tin ng biteranong mga Gangsters. Kailangan na'ting mailigtas sina Jaxter at Rax ng buhay.” Paliwanag ni Wyn sa lahat at pagpapaintindi sa mga ito.

Napangiti naman si Krist dahil sa talumpati ng kaibigan, hanga siya sa pagiging matalino at kalmado ito hindi tulad ni Jaxter, mainitin ang ulo. Kung hindi lang sana nito tinangihan na siya ang maging Leader nila at hindi si Jaxter.

“ Ganoon din ang pagpapaintindi ko sa mga kaibigan ko. Handa silang bumawi at tulongan kayo, kahit nawala na ang dangal bilang Gangster at pagkakakilanlan.” Salita ni Adrianne na agad pinagtuonan ng pansin ng mga Section F.

“ Kung ganoon, totoo?” Tanong ni Oli.

“ Ang sinabi noon sa Guidance Office?” Baling ni Adrianne dito kay Oli.

Unobtrusive Lovers  (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن