Chapter 37 : In Your Arms

1 1 0
                                    

Nakita ni Bai  sina Adrianne at Wyn na papasok sa isang silid. Wyn holding Adrianne hand papasok sa isang silid.

“ Sina Adrianne!” Boses ni Bai.

Napalingon ang anim lalo na si Dal na humahaba ang leeg. Sinundan ng tingin nilang lahat saan nakaturo ang daliri ni Bai at ganoon na lamang ang gulat nilang magkasama sina Adrianne at Wyn.

“ Bakit magkasama sila?” Usisa ni Hernand.

Napailing ang lima maliban kay Dal hanggang tuloyan ng nawala sa paningin nila, sina Adrianne at Wyn.

Napairap naman si Jaxter dahil kasalukoyang kausap ng Ina niya ang nakakatandang kapatid na Babae ni Adrianne. Masaya kasi nitong kinukuwento at proud na proud ng puno ng pasasalamat dahil niligtas siya ni Adrianne, ganoon ang pagkakaunawa niya sa usapan ng dalawa. Gustong-gustong na niyang umalis sa kinauupoan dahil naninindig ang balahibo niya, sa mga naririnig mula sa Ina.

———

Iginigiya ni Wyn si Adrianne sa dadaanang walang masiyadong bantay ng masalubong nila si Luhan. Napakunot ang noo nito at nagtatanong ang tingin ng makita silang dalawa ni Wyn.

“ Bakit kayo magkasama?” Tanong pa ni Luhan.

Kinakabahan si Wyn na sinulyapan si Adrianne ngunit kumpiyansa naman si Adrianne na sumagot kay Luhan.

“ Nililibot ko siya sa buong mansion, sabi kasi sa akin ni Kuya ipasyal ko daw siya. May permission siya kay Kuya na makasama ako.” Salita ni Adrianne na ikinataas ng kanang kilay ni Luhan.

“ Really?” Hindi naniniwalang sabi ni Luhan.

“ Ahemm!” Tikhim ni Wyn na kumuha sa attention ni Luhan.  “ I got my permission from Mr. Ochea, because right now he's talking to Rachelle.” Wyn explained.

Nagpilit ngiti si Luhan rito dahil kilala niya sa ngayon ang kausap niya. Ngunit wala siyang pake sa kung sino ito, ang nais niya malaman bakit magkahawak kamay ang dalawa.

“ Bakit magkahawak kamay kayo?” Usisa ni Luhan sa kanilang dalawa.

Nahimasmasan silang dalawa na ikinataranta ni Adrianne kaya una itong bumitaw.

Napangiti si Luhan dahil sa nasesense niya sa dalawa.

“ Anong ngi-iti ‘yan?” Utal na tanong ni Adrianne.

“ Nothing? Go on, tour him around the mansion. Pinapatawag ako ni Dave, mukhang kailangan niya ng tulong sa babae.” Luhan.

Agad silang tinalikuran nito kaya agad namang nagtinginan ang dalawa.

“ Tingin ko it's Rachelle.” Sambit pa ni Wyn.

“ Tingin ko din na Babae mo.” Irap na sabi ni Adrianne kay Wyn.

“ Are you jealous?” Curious na usisa ni Wyn.

“ Mukha mo!” Pagtataray ni Adrianne saka naunang maglakad.

Malapad naman ang ngiti ni Wyn na sinundan siya.

“ You haven't heard my story yet my side.” Paghabol ni Wyn.

“ Hindi ko naman kailangan ng paliwanag mo.” Palilinaw din ni Adrianne kay Wyn.

Napabuntonghininga na lamang ang binata kaya sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Ilang pasikut-sikut ang dinaanan nila ng makarating sila sa likuran, doon sa garden. Meron doong gate palabas ng mansion ngunit sa kamalasang pagkakataon merong guwardiya roon.

Nagtago si Adrianne sa naglalakihang trimmed plants roon at sumunod lamang si Wyn sa kaniya. Sinamaan ng tingin ni Adrianne si Wyn dahil sa pagsunod nito sa kaniya at nakikishare sa pinagtatagoan niya.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now