Chapter 33 : First Love

4 1 0
                                    

Mula ng magising si Jaxter tahimik lamang at siya at walang imik. Tatlong araw siyang hindi nagising, habang si Rax naman ay mahigit dalawang araw ng gising. Rax confessed everything to everyone, of what he did. Alam ni Rax na magiging tulad kay Dal ang piningin sa kaniya ng lahat ngunit inamin parin niya at tinanggap ‘yon. Alam niya ang pagkakamali niya at kung namatay si Jaxter, hindi niya alam kung mapapatawad na niya ang sarili.

“ Jax, what's wrong?” Usisa ni Wyn na naiwan na magbantay rito.

Umuwi naman kasi ang Ina nito para makapagpahinga, saktong-sakto pagkagising ni Jaxter si Wyn ang nakabantay.

“ She saved my life this time,” sambit ni Jaxter.

Napakunot ang noo ni Wyn sa sinasabi nito.

“ Alam kong buhay pa ako, Wyn.” Salita ni Jaxter saka bumangon sa kinahihigaan at tinanaw si Wyn.

“ She kissed me and I can't accept it! She kissed me dude!” Rant agad ni Jaxter.

Narealized naman ni Wyn kung sino ang tinutukoy nito. Hindi nakaimik si Wyn dahil sa narinig, hindi niya pa kasi nakakausap si Adrianne. Hindi sila pinapapasok ng abogado nito sa loob ng room nito at bantay sarado pa nito.

“ She stole a kiss from me! Ang kapal ng feysss niya!” Nguso pang sabi ni Jaxter kay Wyn na parang batang nagsusumbong.

Natawa naman si Wyn rito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa n’ on si Rachelle, kasama sina Krist, Tim, at Frank.

Natigilan si Wyn ng magtama ang mata nila ng Ex niya. Nabalitaan na nga niya ang pagbabalik nito, maging ang plano nitong sa Pilipinas ito magcecelebrate ng birthday nito at her 18th birthday. Rachelle is his everything before ngunit their break up haven't a closure.

“ How are you Jaxter?” Agad na puna nito kay Jaxter at hindi pinansin si Wyn.

Nakipagpalitan pa ng tingin si Wyn sa tatlo na mukhang mga chissmosso.

“ Kakagising niya lang, kayo na muna magbantay may bibilhin lang.” Paalam ni Wyn.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya ang mukha ni Greysille. Napakunot agad ang noo niya rito dahil sa malapad nitong ngiti.

“ Hi, Wyn.” Bati nito sa kaniya.

“ Nasa loob sila,” salita lamang ni Wyn saka ito tinalikuran.

Pakiramdam niya masasakal lamang siya roon kapag nanatili siya sa loob, dahil bumisita ang Ex niya at si Greysille na merong feelings kay Jaxter at sa kaniya. Napadaan siya sa room ni Adrianne, nakita niya si Dal nakausap ang Attorney Luhan na personal Lawyer ni Adrianne. Kilala niya ito dahil sa anak ito ng kilalang Lawyer ng mga Ochea.

Mas napuna ni Wyn ang dalang bouquet of flowers ni Dal, hindi na siya nakinig pa sa usapan ng dalawa at mas piniling lampasan ang mga ito.

Noong mapadaan siya sa room ni Rax narinig niya ang sermon ng Daddy ni Rax kay Rax. Maging pagmamakaawa ng Mommy ni Rax sa Daddy nito na tumigil na at wag saktan ang Anak. He knew Rax Dad back then, laging bugbug ang naabotan ni Rax sa biological father niya.

Papalabas naman si Wyn ng masalubong niya sina Hernand. Kasama nito ang lima na sina Gregory, Oli, Nix, Bai, at Levin.

“ Hi Wyn!” Sabay-sabay na bati sa kaniya ng Anim.

Nginitian niya muna ang mga ito, pagkasalubong niya.

“ Saan punta mo?” Usisa pa ni Levin.

“ May bibilhin.” Tipid niyang sagot sa mga ito.

“ Kayo?” Tanong niya pa.

“ Pupuntahan namin si Adrianne.” Nakangiting sagot ng mga ito.

Tumango lamang siya saka tinalikuran ang mga ito, sila talaga na magkagroupo ang malapit kay Adrianne. Simula lamang noong madalas nila makalaro ito sa Basketball at nalaman nilang kavibes na kavibes nila ito. Parang kailan lang na ayaw nila kay Adrianne at siya lamang nagbigay ng awa dito dati, ngunit ngayon isa palang malaking parte si Adrianne ng groupo nila.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ