Chapter 5: Best friend

7 2 0
                                    

" Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Greysille kay Adrianne habang nakatayo sa harap ng pinto.




Nilingon siya ni Adrianne na kumakain, nasabi na niya kagabi pa dito na hindi siya papasok dahil sa baka nireport siya ng mga nambully sa kaniya.



" Bukas na lang, sumasakit din kasi ang binti ko." Dahilan niya dito.




Bumaba ang tingin nito sa binti niya dahil nakashort lamang siya na hanggang tuhod at maluwang pa.




Kitang-kita ni Greysille na namamaga 'yon.







" Lagyan mo 'yan ulit ng ice mamaya." Bilin ni Greysille kay Adrianne.

" Uhm, mamaya." Nakangiting sagot naman ni Adrianne.

" Alis na'ko, bye." Paalam ni Greysille sabay bukas ng doorknob at labas, isinara niya din nang makalabas na siya.






Binilisan ni Greysille ang paglalakad, malapit lang naman ang School nila sa tinutuloyan nila ni Adrianne. Hindi siya mapakali kagabi pa, kung si Adrianne parang wala lang dito at sanay na ito sa bugbugan, para sa kaniya hindi.

Sobrang disappointed siya kay Jaxter, paano nito naatim na ganunin ang isang Babae?





Dumaan siya sa back Gate para mabilis siya makarating sa Grade 10 Section F. Ng dumaan siya sa Hallway ng Section F, naglalabasan na ang mga Section F na merong Crush sa kaniya.



Kunot noo at seryuso niyang tinitigan ang mga ito isa't isa.






" Hi, Greysille!" Sunod-sunod na bati sa kaniya ng lahat.

" Nasan si Jaxter?" Paghahanap ni Greysille dito.

" Hinahanap mo ba ako, Baby?" Napairap si Greysille ng marinig ang boses ni Jaxter.





Agad na nagbigay daan ang ibang Section F para sa Master nila. Bumungad sa kay Greysille si Jaxter na merong suot na mask at nawawala na ang mata nito.

Alam niyang ngiting-ngiti na naman ito dahil hinanap niya ito.







" Bakit mo'ko hanap, Baby?" Ulit na tanong nito.




Ito lang naman ang may lakas loob na angkinin siyang Girlfriend, kahit wala naman silang relationship nito. Nang dahil kay Jaxter kaya walang nagtatangkang manligaw sa kaniya. Hindi naman si Jaxter ang tipong type niya sa isang Lalaki, kahit gaano ito kayaman kagwapo, pero buplaks naman.






" Don't call me like that. Dahil walang tayo," inis niyang sabi dito.

" Ouch! Ouch naman Baby," pabebe nito na meron pang paacting-acting na pahawak-hawak sa dibdib.







Bumuntong hininga si Greysille sa inis at hinanap ng paningin niya si Wyn pero hindi niya mahagilap.





" Kilala niyo ba si Adrianne?" Baling niyang tanong sa mga ibang Section F.

" Sinong Adrianne?" Usisa naman ni Tope.

" Isa lang naman ang Adrianne dito sa'min, 'yong bago." Salita ni Bai.

" 'Yong Babae ba?" Tanong ni Jaxter na naagaw ang attention ni Greysille.








Humarap sa kaniya si Greysille sabay duro sa kaniya ng hintututo nito.





" You! Anong ginawa niyo kay Adrianne?" Tanong ni Greysille kay Jaxter.





Kumunot ang noo ni Jaxter sa pinagsasabi ni Greysille, pati ang mga kasapi ng Section F natahimik.






" Wag kana magdeny sa'kin, dahil siya na mismo nagsabi sa'kin. Namamaga ngayon ang binti niya, at sobrang disappointed ako sa'yo Jaxter dahil nagawa niyo 'yon sa isang Babae!"

" Hindi siya babae," dahilan ni Jaxter kaya nakatanggap siya ng malutong na sampal kay Greysille.






Napatakip lahat-lahat ng kasapi ng Section F sa mga bibig nila sa gulat.








" Babae siya! Nakakadisappoint ka! Akala ko pa naman kahit ganiyan ka meron kang respeto sa Babae," salita ni Greysille kay Jaxter.





Hindi makareact si Jaxter sa ginawa ni Greysille sa kaniya. Galit na binalingan agad ni Greysille ang lahat-lahat na kasapi ng Section F.





" Sa susunod na ibully niyo pa ulit ang Best friend ko, isa-isa kayong makakatikim ng sampal ko!" Banta ni Greysille sa kanilang lahat-lahat.




Kaliwat kanan ang mga itong nagpalitan ng tingin, hindi sila makapaniwala na Best friend pala 'yon ni Greysille, ang ultimate crush nilang lahat sa Section F.





" Si Adrianne?" Lakas loob na tanong ni Rax.

" Oo. Siya, best friend ko siya." Pangcoconfirm ni Greysille sa lahat, sabay walk out.






Narinig ni Wyn ang lahat-lahat habang nasa loob ng Classroom at tahimik na nagbabasa ng Libro.


Sa lahat ng Section F, siya lamang ang walang crush kay Greysille. At isa pa hindi si Greysille ang type niya sa isang Babae.






" Best friend niya pala 'yon, Master." Bulong ni Ady kay Jaxter na hanggang pagring ng bell hindi parin makarecover sa natamong sampal mula kay Greysille.


" Good morning, Class!" Bungad na bati ni Teacher Thim at agad na hinanap ng paningin si Adrianne.

" Saan si Adrianne?" Tanong niya sa buong klase pero walang sumagot.




Ibinaba niya ang mga dalang Libro at nagcross-arms sa gitna.





" Tell me, anong ginawa niyo kay Adrianne? Bakit wala siya ngayon sa klase ko, ha?" Pinagdududahan sila ni Teacher Thim.



Alam naman kasi ni Teacher Thim na mga luko-luko ang mga Students niya. Nag-iisang Babae lamang si Adrianne sa klase niya at lahat-lahat mga Lalaki. Kahit malakas pa si Adrianne, wala siyang laban kapag nagtulongan ang mga Lalaki laban dito.






" Dumaan dito kanina si Greysille, Sir. Excuse muna si Adrianne dahil masama pakiramdam niya." Salita ni Wyn.




Takang binalingan ni Teacher Thim si Wyn. Ngayon lamang ito nagsalita about sa ibang tao, sa klase niya.





" The muse of Star section? Kaano-ano siya ni Adrianne?" Sunod-sunod na tanong ni Teacher Thim kay Wyn.

" Best friend," sagot ulit ni Wyn.





Tumango si Teacher Thim, bilang paniwala kay Wyn. Sinimulan niya ang klase kahit pa hindi naman nakikinig ang mga Students niya sa itinuturo niya.






" Kailangan kapa nagkaroon ng pake sa iba?" Masamang tingin na tanong ni Jaxter kay Wyn na natauhan na.





" Ngayon lang," tipid na sagot ni Wyn.

" Ano?!" Reaction ni Jaxter na gulat.

" Gusto mo bang isumbong ko kayong lahat sa ginawa niyo, doon sa transferee na'tin?" Paliwanag ni Wyn na nagets naman agad ni Jaxter kaya umayos ito sa kinauupoan sabay pout.

" Akala ko type mo 'yon, ang pangit agad ng taste mo. Mukhang manang na tambay," salita ni Jaxter sa tabi ni Wyn.






Gustong matawa ni Wyn sa narinig mula kay Jaxter. Ngunit nagdidiscuss si Teacher Thim habang nakatingin sa kaniya, kaya seryuso lamang ang expression niya at hindi nagpahalata.






Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now