Chapter 34 : Without Adrianne

4 1 0
                                    

Second Monday naman na wala si Adrianne, napupuna naman ni Teacher Thim ang pagiging tamlay ng lahat. Nakapasok na si Jaxter na parang hindi nahospital, ganoon din si Rax na nagsisisi parin sa ginawa.

“ Nakikinig ba kayo sa akin?” Tanong sa kanilang lahat ni Teacher Thim.

“ Hindi naman talaga kami nakikinig sa discussion mo.” Buntonghininga sabi ni Jaxter.

Walang sumagot maliban kay Jaxter na wala namang pake kay Adrianne. Napatikhim si Teacher Thim habang pinagmamasdan isa't isa ang students niya without Adrianne. Kahit siya ay naninibago at hindi parin sanay, saksi siya ng pagtanggal ng Section F sa nag-iisa nilang kaklasing Babae. Teacher Thim still continue the discussion to his Subject without asking their attention, bago siya umalis ending his class meron pa siyang sinabi.

“ Babalik si Adrianne inexcused lang siya muna ng Kuya niya.” Balita ni Teacher Thim sa lahat.

Bigla namang nagkaroon ng interest ang lahat sa sinabi ni Teacher Thim sa kanila.

“ Pumunta rito ang Kuya ni Adrianne?” Usisa ni Dal.

Napangiti si Teacher Thim, umarangkada na ang pagiging Boyfriend nito. Hindi naman tago iyon sa kaalaman ni Teacher Thim.

“ Oo, sobrang pogi nga!” Kinikilig pang bigkas ni Teacher Thim.

“ Bakit daw?” Usisa ni Hernand.

“ May nangyari ba kay Adrianne?” Levin.

“ Anong dahilan bakit excuse siya?” Oli.

“ Isa-isa lang, masasagot ko iyan! Basta, sabi lamang ni Mr. Ochea wala siyang sinabi na dahilan iexcuse lang daw. Pumayag naman ang Principal!” Expressive pa na salita ni Teacher Thim.

“ Gan' on lang iyon?” Dal.

“ Oo, ganoon lang ‘yon.” Kunpirma pa ni Teacher Thim sa tanong ni Dal.  “ Alis na ako.” Paalam ni Teacher Thim at lumabas na sa pinto ng Classroom.

Ganoon naman agad ang ingayan sa paligid, nag-aalala na si Dal kay Adrianne. Hinahanap naman Nina Hernand, Oli, Nix, Bai, Levin at Gregory ang presence ni Adrianne.

“ Tingin niyo bakit inexcuse si Adrianne ng Kuya niya?” Tanong ni Krist sa apat na kaibigan na nakapalibot sa lamesa, roon sa lugar nila.

Nagpalitan ng tingin sina Tim at Frank, maliban kay Jaxter na walang pake habang may plano naman si Wyn na nananahimik.

“ Natutuwa nga akong wala siya, lalo na siguro kapag inilipat siya.” Tim.

“ Ang laki ng galit mo kay Adrianne, ah?” Puna pa ni Frank.

“ Binali kasi ang braso.” Natatawa pang sabi ni Krist.

Ikinainis naman iyon ni Tim dahil nagtiis siya ng sobra sa ginawa ni Adrianne sa kaniya.

“ Ikaw kaya balian ng braso? Tingnan na'tin kung magiging masaya ka.” Tim sarcastically said to Krist.

“ Tama na ‘yan.” Saway ni Jaxter na nairita sa ingay ng tatlo.

Pinagtutulongan naman kasi ni Frank at Krist si Tim.

“ Oh? Ikaw din Jaxter, masaya ka diba?” Tanong pa ni Tim.

Natigilan si Jaxter hindi niya alam anong isasagot niya o sasabihin sa itinanong sa kaniya ni Tim.

“ Lumambot naba puso mo sa kaniya dahil niligtas ka niya?” Usisa pa ni Tim na napansing natagalan sa pagsagot si Jaxter.

Nakuha no’ n ang attention ng tatlo na sina Frank, Krist at Wyn na pagtuonan ng pansin si Jaxter. Nakakuha naman silang apat ng masamang titig mula kay Jaxter.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now