Chapter 25 : The Result and Identity Reveal

3 2 0
                                    

“ Ballpens up!” Sigaw ni Teacher Jim sa mga Section F.


Pinaghiwa-hiwalay niya ang mga upoan nito at pinaghalo-halo sila ng mga upoan.

Perfect arrangement na ang lahat para walang magcheat sa mga ito, expected narin ‘yon ng Section F maliban kay Adrianne.



“ Papers up!” Sigaw ulit ni Teacher Jim at mga papel naman ang itinaas ng mga Section F, isa-isa.

Bored lamang na sinusunod ni Jaxter ang utos nito dahil huling taon na nila ‘yon bilang Section F sa Junior High School.


“ Ballpens down! Papers down!” Sabay-sabay na ibinaba ng lahat ang mga kamay na merong magkabilang hawak ng ballpen at papel.

“ Let's start the Examination!” Announced ni Teacher Jim, bilang panimula.





Sinasabi lamang ni Teacher Jim ang mga questions habang sila lang naman ang nakikinig at nagsusulat ng sagot sa papel nila. Matindi ang pagbabantay sa kanila ni Teacher Jim ngunit parang nagkamali siya sa expectation niya na magkukudigo ang mga ito.

Mas naging concentrate ang isa't isa, matindi ang mga concentration ng mga ito, na merong sariling mga laman ng utak para isagot. Matapos ang examination ng Section F, siya mismo ang nagcheched ng mga papel ng mga Section F isa-isa at pasado ang mga ito.


“ Kinakabahan ako sa result,” salita ni Adrianne habang ang lahat chill lamang.

“ Wag ka magpakaba, si Teacher Jim lang ‘yan.” Cheer up ni Hernand kay Adrianne.


Nginitian lamang ni Adrianne si Hernand matapos siyang icheer up nito.

Maya-maya dumating si Teacher Jim na seryuso ang aura nito saka ibinato nito sa itaas ang mga papel nilang lahat.

“ Section F, passed! Congratulations!” Agarang surprised announcement ni Teacher Jim at congratulate sa kanilang lahat.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang loob ng classroom ng mga boys, habang nagkakanda-lagasan ang papel nilang ibinato ni Teacher Jim.  Maging, si Adrianne sobrang tuwang-tuwa sa result dahil hindi siya bagsak kahit kaunti lamang ang pakikinig niya kay Wyn.

“ Excuse, Teacher Jim. May I borrowed the whole Section F to go to the guidance?” Biglang sulpot ng Babae na naka-uniform ng white with ID.

Ikinatahimik ‘yon ng lahat at nawala ang mga ngiti nila sa labi, maging ni Adrianne.

“ Okay, mukhang may gulo naman kayo?” Buntonghininga sabi ni Teacher Jim.

“ Thank you, Sir Jim. Section F, follow me.” Salita n’ong Babae.

Agad na tamad na nagtayoan ang lahat, maging si Adrianne. Lumabas sila ng room habang nakasunod lamang sa babae at walang salita-salita, humawak si Adrianne sa braso ni Hernand na nasa tabi niya kasabayang naglalakad. Napasulyap si Hernand kay Adrianne na humawak sa braso niya, alam ni Hernand na kinakabahan ito.


“ Wag ka mag-alala,” mahinang pampalubag loob ni Hernand kay Adrianne.

Biglang umakbay sa tabi ni Adrianne si Dal na kinagulat ni Adrianne, maging paglingon dito.

“ Wag ka kabahan,” sabi pa ni Dal.

Napangiti n'on si Adrianne dahil dalawa na ang tagacheer up niya.

Mabigat namang napabuntonghininga si Wyn dahil sa nakikita niya, pinilit niyang iniwas ang tingin kay Dal at Adrianne. Mapagmatyag rin si Jaxter sa kilos ni Dal, mukhang madali itong nakarecover sa ginawa niya dito noong nakaraang sabado.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon