Chapter 22 : Denial and Doubt

2 2 0
                                    

" Bakit narito ka pa?" Tanong ni Adrianne kay Hernand.



Napakamot tuloy si Hernand sa batok.


" Pinababantayan ka sa'kin ni Dal. Bibilhan ka daw muna niya ng bagong damit kasama niya si Nix." Paliwanag ni Hernand.

Napatingin si Adrianne sa sariling suot, napagtanto niya na napansin pala ni Dal na basa ang suot niyang damit ng alak.

" Hindi ka ba nalasing sa dami nang nainom mo?" Tanong ni Hernand kay Adrianne.

" Hindi naman, I have high alcohol tolerance." Pagsagot ni Adrianne kay Hernand.


Nakita naman ni Adrianne ang pagtango ni Hernand habang nakaupo sa sahig.



" Akala ko dahil sa halik ni Wyn," Hernand teased.

Nagkunwaring tumawa si Adrianne sa sinabi ni Hernand.

" Anong tawa 'yan?" Tanong pa ni Hernand.

" Sarcastic, bakit hindi ka ba doon makamove-on?" Inis na usisa ni Adrianne kay Hernand.

" Kasi obvious na kasi," simula ni Hernand ng kadaldalan.

" Anong obvious?" Slow na tanong ni Adrianne.

" Hindi mo ba nahahalata?" Tanong pa ni Hernand na nambibitin.


Ginagawa 'yon ni Hernand para mas lalong macurious si Adrianne.


" Ang ano?" Tanong din pabalik ni Adrianne.

" As in hindi?" Tanong din ni Hernand pabalik kay Adrianne.

" Ang ano nga?!" Inis na tanong ni Adrianne kay Hernand.

" Wala ka talagang idea?" Tanong pa ni Hernand, ulit kay Adrianne kaya nabato siya nito ng Libro na nasa Mesa.

Agad din namang nakailag si Hernand sa binato ni Adrianne na Libro dito.

" Muntikan na 'yon ah," buntonghininga sabi ni Hernand.

" Sa ngayon nakailag ka, mamaya sisiguradohin kong hindi na." Maangas na salita ni Adrianne kay Hernand.

" Shackks! Katakot naman, nagtatanong lang eh." May pahawak pa si Hernand sa sariling dibdib, bilang reaction sa pagbabanta ni Adrianne sa kaniya.

" Iniinis mo ba ako?" Inis na tanong ni Adrianne kay Hernand.

" Hindi naman ah, bakit affected ka?" Panunukso pa sa kaniya ni Hernand.

Napairap na lamang si Adrianne sa hangin at inunat ang katawan sa hinihigaang sofa.

" Mabuti ka pa kaseya diyan, subrang kapandakan na naman. Bakit mapalad kayong mga pandak, kumakasiya kahit saan?" Pang-aasar pa ni Hernand kay Adrianne.

" Nakucutetan lang kayong mga matatangkad sa amin, hindi kami pandak." Buntonghininga paliwanag ni Adrianne, na nagrerelax.

" Eh, ano? Nono sa punso lang?" Hirit pa ni Hernand at saka sarili din lamang ang tumawa.

" Lumayas ka dito, baka masakal kita!" Sigaw ni Adrianne kay Hernand sabay bangon kaya agad namang tumakbo si Hernand paalis.

Napabuga ng hangin si Adrianne bago bumalik muli sa pagkakahiga, talaga ngang kasiya siya sa doon. Hindi siya makapaniwala na papatulogin siya ng mga boys sa Library ni Wyn, napapaligiran siya ng mga Libro na pumukaw sa attention niya at interest, ngunit dinadalaw na siya ng antok niya.


" Wyn, uminom ka naman." Aya ni Rax kay Wyn.

Bored niya lamang itong tinitigan ni Wyn, masama ang loob ni Wyn kay Rax dahil pinaglaroan niya si Adrianne, naging tuta-tuta naman ito ni Jaxter.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon