Chapter 23 : Warned

3 2 0
                                    

Naalimpungatan si Adrianne na sumasakit ang ulo dahil sa dami ng nainom niya kagabi, napabangon siya sa kinahihigaan at ikinataka na ang lambot ng kinalalagyan niya at malamig pa. Dinig na dinig niya ang ugong ng Aircon at napakabangong amoy ang nasisinghot niya.





“Ang fresh,”   sambit ni Adrianne sa isipan.






Unti-unti niyang iminulat ang mata at halos lumuwa na ang mata niya sa pagkagulat. Hindi familiar sa kaniya ang kuwarto na kinalalagyan niya, iginala niya ang paningin sa paligid at sinuri gamit ang mata niya.

Napakaganda ng paligid at napakalinis, napahawak pa si Adrianne sa dibdib dahil sa nakitang larawan ni Wyn.





“ Anong ginagawa ko dito sa....kuwarto niya?” Tanong ni Adrianne sa sarili na lumabas sa bibig, matapos marealize na kuwarto ni kinaroroonan niya.


Agad na nagbaba ng tingin si Adrianne sa sarili, napakagat ibabang labi siya at matinding kaba ang nararamdaman.

Iba na ang suot niyang damit.




“ Anong nangyari? Ba-kit?”   Maiyak-iyak na salita ni Adrianne sa isipan.

“ AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!” Matinding sigaw ni Adrianne na umagang bungad.




Naalimpungatan sina Wyn at Jaxter na magkatabi matulog sa sahig na nasa ilalim lamang katabi ng kama na kinalalagyan ni Adrianne at magkayakap habang natutulog.



“ Ano ‘yon?” Tanong ni Jaxter na naunang bumangon habang si Wyn ay bumalik sa pagkatulog.




Napalingon si Adrianne sa boses na narinig sa tabi, gulat na gulat siya ng makita ang mukha ni Jaxter.




“ Ikaw?!” Sigaw ni Adrianne kay Jaxter kaya agad namang napadilat si Jaxter ng wala sa oras.







Sakto sa pagdilat ni Jaxter ang pagbungad sa mukha ni Jaxter ng unan na ibinato ni Adrianne.




Putang*na! Sinong?! Umagang-umaga?!”  Inis na salita ni Jaxter sa isipan.








Masamang tingin ang itinuon ni Jaxter sa taong nambato sa kaniya ng unan, bumungad ang mukha ni Adrianne na nakaupo sa ibabaw ng kama ni Wyn.





“ Anong ginagawa mo dito?!” Sigaw ni Jaxter sa inis.

“ Bakit namamato ka ng unan? Umagang-umaga?!” Dugtong pa ni Jaxter.

“ Ikaw dapat tanongin ko niyan! Bakit ako narito?! Nagising lang ako na naririto na ako.” Paliwanag ni Adrianne na salubong ang kilay.







Lalong sumalubong din ang kilay ni Jaxter dahil sa mukha ni Adrianne, sabay pa ang inis dahil pinatulog siya ni Wyn sa kama nito.





“ Malay ko ba? Bakit naman kita dito dadalhin? Ano ka sinusuwete?” Pagmamaldito ni Jaxter na umagang-umaga saka bumalik sa pagkakahiga.



Alam niyang si Wyn ang nagdala kay Adrianne sa mismong kuwarto ni Wyn at mas special pa ang treatment nito kay Adrianne. Tumabi ulit si Jaxter kay Wyn na natutulog ulit saka yumakap dito at tumaday.





“ Lumabas kana dito, isturbo ka.” Pikit matang pananaboy ni Jaxter kay Adrianne.



Curious pang sumilip si Adrianne sa kinalalagyan ni Jaxter, ngunit mas lalo siyang nasurprise ng makita si Wyn na natutulog sa sahig din at ito namang si Jaxter, grabe kung makayakap.






Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now