Chapter 20 : Overnight review turned to overnight party

1 2 0
                                    

Trigger Warning!

Alcohol and drinking alcoholic drinks, aren't for minors. This wasn't promoted to normalize it.

Enjoy reading!







Nilagay nina Hernand kasama sina Oli, Nix, Bai, Levin at Gregory, ang mga bote ng mga Alcoholic drinks. Those are 40 bottles, placed above the table, sa sala. Habang sina Rax, Tope, Perth, Ady, Tim, Krist at Frank, pinapanood lamang sila.

" Mukhang mapaparami tayo," sambit ni Krist habang nakatingin sa mga bote.

" As usual, hindi tayo nadisappoint kay Dal." Tope.

" We knew, Dal. Peperahan niya tayo bukas dahil sa pinamili niya." Panira ni Frank sa sinabi ni Tope.

Napailing na lamang silang lahat na mga nakaupo sa sofa. Habang busy sina Hernand sa  kakabuklat ng iba pang pinamili ni Dal.

" Sino ba kasi nagchat kay Dal na bumili nito?" Bulong na tanong ni Oli sa mga kaibigan.

Nilingon ni Hernand si Nix ngunit painnocenti pa itong nagkibit balikat.

" Sinungaling," pagtawag ni Bai kay Nix.

" Hayys, oo na. Inutusan lang naman ako ni Krist at Tope, alam mo namang lasenggero ang dalawang 'yon." Paliwanag ni Nix sa mahinang boses.

Pag uusap nilang anim sa harapan mismo nina Tope at Krist.

" Kunwari, hindi ko 'yon narinig." Parinig ni Krist sa Anim.

Lumingon ang anim kina Krist na nakaupo sa mahabang Sofa, sabay ngisi at tawanan.

" Anong meron?" Usisa ni Wyn na sumingit kasama si Adrianne.

Naagaw ni Wyn lahat ng attention, kaya napalingon ang mga ito sa kanila ni Adrianne. Pare-parehong nagtatanong ang mga tingin ng mga boys kay Wyn, dahil nakahawak si Adrianne sa braso nito, ngunit parang wala lamang iyon kay Wyn.

" You're pretty, Adrianne." Papuri ni Tope, habang malapad ang ngiti nito.

" Kadiri ka!" Sigaw ni Adrianne kay Tope, na diring-diri ang expression ng mukha.


Biglang nagtatawanan ang lahat dahil sa pagsigaw ni Adrianne kay Tope. Dinig na dinig nina Jaxter at Dal ang tawanan sa sala, kaya halos sabay silang pumunta sa sala, ngunit hindi naman nagkikibuan.

" Feeling mo ang ganda-ganda mo, pinuri ka lang." Bawi ni Tope sa sinabi.

" Inamin mo rin, maganda naman talaga ngayon si Adrianne." Singit ni Hernand.

" Isa karin!" Saway ni Adrianne kay Hernand.

Ayaw tumanggap ni Adrianne ng papuri kahit kanino, dahil nawawala angas niya kapag pinupuri siya.

" Bakit ka ba nagagalit?" Natatawang tanong ni Tope kay Adrianne.  " Ang ganda mo ngayon, mas maganda ka kapag nakabuhaghag ang buhok mo." Patuloy na papuri ni Tope.

Napairap si Adrianne sa hangin sabay tingin kay Wyn, nakatitig pala ito sa kaniya kaya natigilan siya sabay bitaw sa braso nito.

" Wag mong sabihin na ikaw din?" Taas kilay na sabi ni Adrianne, dito.


Wyn smile a little.


" I like your eyes, it screams the truth." Napakurap-kurap si Adrianne, sa narinig mula dito.

Loading naman ang utak ng lahat dahil sa sinabi ni Wyn kay Adrianne.

" Magreview na tayo," panimula ni Wyn.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now