Chapter 8: Section F Apologize

6 2 0
                                    

Nakatanggap si Greysille ng message mula kay Jaxter pero hindi niya ito sineen. Nanlaki ang mata niya ng subokan niyang basahin ang message kahit na hindi pa niya naoopen.

Pinuntahan ni Greysille si Jaxter sa tambayan nito sa School kasama ang tatlo nitong kaibigan, hindi alam saan si Tim pero hindi niya ito nakikita, walong araw nang nakaraan.






" Greysille," nakangiting sambit ng pangalan niya ni Jaxter.





Tuwang-tuwa itong nakita niya si Greysille at pinuntahan pa siya nito sa tambayan nila.





" Seryuso ka ba sa sinabi mo? Baka gusto mo lang mag-apologize kay Adrianne dahil sa'kin?" Pagtatapat ni Greysille kay Jaxter.





Napasmirk si Wyn sa gilid habang nagtatago sa hawak na Libro. As expected, katotohanan ang sinasabi ni Greysille. Alam niya kasing wala naman talagang balak si Jaxter na humungi ng tawad, dahil hindi naman talaga ito ugali ni Jaxter.






" Ano?! Ako?!" Deny pa ni Jaxter sabay turo sa sarili.

" Alam ko naman ang kasalanan ko at gusto ko din sa'yong magsorry. Sorry na," buong loob na hingi ni Jaxter ng sorry kay Greysille.




Napanguso din ito.




" Patawarin mo na Greysille, baka magwala pa 'yan." Natatawang sabi ni Wyn sa gilid.





Tinawanan naman agad nina Frank at Krist si Jaxter, nagiging ganiyan lamang si Jaxter kay Greysille. Sobrang soft niya dito pero sa kanila napakaharas nito.



Napairap si Greysille ng wala sa oras sabay cross arms, at seryusong tumingin kay Jaxter.







" Dinadaan mo naman ako sa paganyan mo, kung seryuso ka sa pag-apologize mo kay Adrianne at ng buong Section F," kundisiyon ni Greysille. " Baka maari pa kitang mapatawad," sabi ni Greysille sabay walk out.




Napailing na lamang si Wyn at inilapag ang Librong hawak ng makaalis si Greysille.





" Mag apologize kana," tunong pang-aasar ni Wyn sa kaibigan. " Kayo pala," dugtong pa ni Wyn.






Nilingon siya ni Jaxter at sinamaan ng tingin, sabay baling sa dalawang nagpipigil ng tawa.









" Anong puwedeng ibigay na offering gift sa tulad ni Adrianne?" Tanong niya sa tatlo.

" Flowers!" Agarang sagot ni Krist at Frank.

" Tingin ko hindi, hindi naman tulad ng ibang girls si Adrianne. Tanongin mo na lang si Greysille, anong gusto ni Adrianne na ipangreregalo para hindi halata." Instruction at opinion ni Wyn kay Jaxter.

" Mabuti ka pa Wyn may utak. Itong dalawang 'to," turo pa ni Jaxter kay Frank at Krist sabay iling.

" Expert naman kasi si Wyn sa Babae!" Dahilan pa nina Frank at Krist.










Napangiti na lamang si Wyn dahil sa kaniya naman talaga kumukunsulta ang dalawa, kapag merong natitipohang Babae.



Naudlot saglit ang ngiti-ngiti niya at inisip anong puwedeng oofferings kay Adrianne. Alam niya kasi na si Adrianne ang tipong hindi mahilig sa girly things.







" Mahilig daw magbasa ng Libro si Adrianne," confirmation ni Jaxter matapos ichat si Greysille with landi sa convo nila.




Tumingin silang tatlo kay Wyn matapos 'yon sabihin ni Jaxter.








" Bakit?" Usisa ni Wyn sa tatlo na nakatingin sa kaniya.

" Bilhan mo siya ng Libro!" Utos ng tatlo sa kaniya.

" Anong genre ang gusto niya?" Tanong pa ni Wyn.

" Teka lang itatanong ko." Jaxter.









Palihim na lumapad ang ngiti ni Wyn matapos 'yong malaman.







" Fantasy, Mystery and Romance daw," sambit ni Jaxter na mga Genre na gusto ni Adrianne.

" Ako na ang bahala, with packaging too." Pangako sa kanila ni Wyn saka nagmamadaling umalis sa tambayan nila.








Umuwi siya sa Mansion nila at naghakot ng mga babasahing Libro, na naaayon sa Genre na gusto ni Adrianne. Nag-order din siya online ng head phone para dito.









" Bakit kailangan pa namin 'yong gawin?" Tutol ni Dal sa sinabi ni Jaxter.

" Inano ka ba niya at bakit sinakal mo siya?" Pagsusuplado ni Jaxter.

" Kailangan nating, humingi ng sorry sa kaniya, or else hahayaan ko kayong mabugbug sa labasan ng mga katunggali na'tin." Bored na sabi ni Jaxter sa lahat.






Natahimik ang lahat at hindi kumibo. Ang Section F ay binubuo ng mga kasaping students na puro Lalaki at tangging si Jaxter lamang ang Master nila at President na hambog at barumbadong gag*.

Jaxter Dragido
Wyn Ethosias Alvegos
Krist Pajeha
Frank Sinatra
Tim Hernandez
Rax Costalago
Tope Mayumot
Ady Intramuros
Perth Brisbane Adelaide
Oli Davidson Sportster
Levin Ramida
Nix Sagbagos
Dal Romualdez
Gregory Alverio
Bai Torres
Hernand Domingo




Labing lima lamang sila sa ngayon sa loob ng Classroom dahil nagpapahinga pa muna si Tim.
Ihinanda nila ang pakain at meron silang mga regalo, sumunod na araw gaya ng pinag-usapan nilang lahat. Tumulong sa kanila si Greysille na iset up si Adrianne, para sa Legendary Apologize ng Section F.






" Saan ba tayo papunta?" Usisa ni Adrianne kay Greysille.






Uwian na kasi at maggagabi na din, marami itong idinahilan sa kaniya para bumalik sila sa School kahit na naglalakad na siya pauwi sa labas ng Campus.






" Trust me, malapit na tayo." Pang-uuto sa kaniya ni Greysille.





Biglang napagtanto ni Adrianne na papunta sila sa Grade 10 building. Nakakaramdam na siya ng pagtataka kay Greysille.






" Sige," sabi niya na lamang at hinayaan si Greysille na hatakin siya, saan nito gusto.






Huminto sila sa tapat ng sirang pinto ng Classroom Section F.






" Tadahhhhhh!" Pasurprise ni Greysille na sabi kay Adrianne. " Nandito na tayo!" Nakangiting masiglang sabi ni Greysille.

" Kita ko nga, anong gagawin na'tin dito?" Tanong ni Adrianne kay Greysille.





Biglang merong nagtulongang dalawang students na buksan ang pinto, ito sina Bai at Nix. Agad ding bumukas ang maliwanag na ilaw, bumungad sa paningin ni Adrianne ang maraming handang pagkain na nakalatag sa mahabang Mesa. Naroon nakatayo ang mga buong Section F, merong hawak-hawak na mga balloon letters.





" Sorry Adrianne " Basa ni Adrianne.







Napangiti siya sa mga pakulo ng Section F. Noong mga nagdaang araw, kinakausap siya ng mga iilan at inaapproach siya ng mga ito, tapos ito ang bumungad sa kaniya. Alam na niya ang dahilan ng lahat ng ito sa ngayon. Humarap siya kay Greysille na nakangiti sa tabi niya.






" Patawarin mo na sila," sabi nito sa kaniya.






Ibinaling niyang muli ang tingin sa mga kaklase, ng merong lumapit sa kaniya na dalawang tao.







" Sorry sa nagawa namin," sabi nito.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now