Chapter 14 : Confrontation between Adrianne and Jaxter

5 2 0
                                    

Speechless na lumabas si Adrianne kasama si Wyn sa loob ng Cr ng boys, halos atakihin pa sa gulat si Hernand ng bumungad palabas ng Cr ng boys ang dalawa pagkakita niya. Binatokan siya ni Wyn dahil alam ni Wyn na nadudumi naman utak nito at nilagpasan nilang dalawa si Hernand. Himlay na himlay si Wyn sa braso ni Adrianne habang nakaakbay siya dito at ihinatid sa table nina Jaxter. Tulala ang apat na nasa table makitang nakasandal ang ulo ni Wyn sa balikat ni Adrianne.

" Thanks, Adrianne." Pacold pang sabi ni Wyn kay Adrianne.

" Repay, bihis lang ako sa Cr." Paalam agad ni Adrianne.


Pinag-titinginan si Adrianne ng mga tao roon sa loob ng Café, kaya agad na kinuha ni Greysille ang Hoodie niya sa locker nila roon, wherein naroon ang mga pamalit nila, dahil naka-uniform talaga silang mga nagtatrabaho, habang nagtatrabaho sa café. Sinundan niya si Greysille matapos doon sa Girls Cr.


" Adrianne!" Tawag niya dito.

Lumabas naman agad si Adrianne sa isang cubicle na nakasuot ng uniform. Agad na nilapitan niya si Adrianne at ibinigay ang hoodie niya dito.


" Gamitin mo na 'yan. Wag ka magpatuyo ng pawis, hubarin mo 'yang uniform mo at panloob na sando, basang-basa eh." Nakangiting sabi ni Greysille dito.

Lumapad naman ang ngiti ni Adrianne na tinanggap ang Hoodie niya.

" Ako maglalaba nito, pag-uwi." Masayang sabi ni Adrianne.

Tumango na lang si Greysille, hindi siya nagkamali. T-shirt nga ni Wyn ang suot kanina ni Adrianne, unang beses niyang nasaksihan na hindi nagsungit si Wyn at nagsuplado sa Babae maliban sa Ex nito dati, ngayon kay Adrianne naman. Bumalik na siya sa trabaho niya, habang tuwang-tuwa si Adrianne na nasuot niya ang hoodie ni Greysille. Ilang ulit niya 'yong inamoy na parang baliw sa loob.

" Amoy baby Johnson's powder!" 


Bumalik si Adrianne sa table ng pito na suot hoodie ni Greysille na bigay ni Jaxter kay Greysille, kaya hindi naman mababa ang kilay ni Jaxter, makitang suot-suot ni Adrianne ang bigay niya kay Greysille.



" Kalma, baka madeads ka sa kakaselos." Pabiro pa ni Frank sa tabi ni Jaxter kaya sinipa siya ni Jaxter.

" Aray! Naninipa ka agad." Tuwang-tuwa pang daing at reklamo ni Frank.

Asar na asar na si Jaxter ginagatongan pa ni Frank kaya tawang-tawa sina Krist at Tim, habang si Wyn relax na relax sa kinauupoan at hinihigop ang mainit-init na Coffee.









Kinabukasan, gulat na gulat si Adrianne paglabas niya sa Girls Comfort room nakaabang si Jaxter sa kaniya sa labas. Bigla siya nitong hinawakan ng mahigpit at hinatak papunta sa Rooftop ng School Building nila.

" Bitaw na!" Sigaw ni Adrianne kay Jaxter.

Pabalibag namang binitawan ni Jaxter ang palapulsuhan ni Adrianne, na pulang-pula dahil sa pamumuwersa niya dito. Ngunit sa halip na magreklamo si Adrianne sa sakit na dulot nito, binalewala lang ito ni Adrianne. Sanay na sanay naman siya.



" Ano bang problema mo? Bakit nanghahatak ka?" Nakapamaywang na usisa ni Adrianne.

Masamang tinitigan ni Jaxter si Adrianne, pero agad din 'yong napawi ng makitang namumula ang palapulsuhan nito. Kunot noo niya itong tinitigan dahil selos na selos na talaga siya dito, napaka attention stoler nito sa lahat.



" Nagseselos ako!" Confrontation ni Jaxter kay Adrianne.

" Ano?!" Gulat na reaction ni Adrianne sabay tawa.





Puwede na siyang maging assuming, ngunit napag-isip-isip ni Adrianne na baka dahil nagseselos ito dahil kay Greysille. Mas special treatment kasi natatanggap niya kay Greysille, kumpara kay Jaxter na ignore lang ito.





" Napaka-epal mo!" Tulak pa ni Jaxter sa kaniya sa balikat ng malakas kaya't napa-atras siya.


Speechless si Adrianne sa ginawa nito dahil para itong ewan, pinaniningkitan niya ito ng mata sabay cross arms.


" At paano akong naging epal? Explain mo nga?" Kunwaring walang idea na tanong ni Adrianne dito.

" Ibalik mo 'yong hoodie kay Greysille, at puwede ba layo-layoan mo siya ng kunti kapag nariyan ako?! Epal ka! Saka makipagclose kana sa lahat ng Section F, wag lang kay Wyn. Gets mo?!" Panduduro ni Jaxter kay Adrianne sabay  tulak naman ulit ni Jaxter kay Adrianne.




Inis na nilakihan ni Adrianne si Jaxter ng mata at ito naman ang tinulak pabalik ng isang beses.



" Makikipagclose ako kanino ko gustohin, at hindi mo ako mapapalayo kay Greysille. Hindi mo din ako magagamit para mapalapit sa kaniya," tulak ulit ni Adrianne kay Jaxter ng pangalawang beses.




Napakurap-kurap si Jaxter ng ilang beses at speechless dahil sa fierce expression ni Adrianne, na parang nilalamon siya.



" Kung gusto mo si Greysille, gusto ko din siya, kaya....manigas ka!" Matapang na sabi ni Adrianne sa pagmumukha ni Jaxter.

" An-no?" Utal na sambit ni Jaxter habang magkalapit ang pagmumukha nila.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Iniwan siya ni Adrianne sa rooftop na hindi makapagsalita. Sobrang speechless niya at walang maging reaction, matapos malamang karibal niya pala ito.

Buong klase nila, lutang si Jaxter at hindi makamove-on matapos ang harapan nila ni Adrianne. Napansin 'yon ni Wyn, narinig niya din kanina sa taas ang sagotan na dalawa, hindi alam ni Wyn kung anong maramdaman niya matapos marinig 'yon.

Tinitigan ni Wyn si Adrianne na nasa unahan katabi ang pito, naisip-isip niya sobrang bilis ng panahon. Ang dating inaayawan ngayon, pinag-aagawan nila. Kani-kanina lamang naglaro sila ng Basketball kasama si Adrianne, hindi naman kasi mahirap pakisamahan ni Adrianne ang mga kaklase dahil kaugali niya na ang mga ito at pareho sila ng mga hilig.



" How fast the night changes? Babae pala karibal ko."  Buntonghininga agad ni Wyn.



" Kanina ka pa tulala," puna ni Wyn kay Jaxter.



Nilingon siya nito at inirapan.





" Hindi ako maka-move on," pagbubukas nito ng topic.

" Bakit?" Tanong ni Wyn kuwari wala siyang nasaksihan kanina lang.

" Anong gagawin mo kapag nalaman mong ang karibal mo pala Babae?" Wala sa sariling tanong ni Jaxter na lutang habang nakatingin kay Adrianne.


Napaisip din si Wyn, pareho sila ng problema at parehong walang idea sa gagawin.


" Kapag, karibal ko Babae?" Udlot na sabi ni Wyn habang nag-iisip ng sulosiyon.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon