Chapter 40 : Greysille Mother

2 2 0
                                    

Pagdating na pagdating ni Adrianne sa Mansion agad niyang hinanap si Manang Gina.

" Manang Gina!" Tawag ni Adrianne pagbukas sa kaniya ng pinto ni Attorney Luhan.

" Adrianne, magbihis ka muna." Hindi pinansin ni Adrianne ang sinabi ni Luhan.

Dumeritsu lamang ito sa paglalakad, binaybay nito ang daan papuntang kusina. Naabotan niyang piniprepare nito ang meryenda niya na gawa nito. Isang pinggan na maraming pancake na merong honey toppings, juice sa petsil at lumpia sa isang bowl, meron pa itong sariling sauce na maanghang.

" Manang," tawag ni Adrianne na bagong dating at kakasulpot lamang.

Agad na nag-angat ng tingin si Ginang Gina sa kaniyang Amo na babae, na kararating lamang. Sinalubong niya ito ng merong ngiti sa labi kahit pa, pinoproblema nito ang bayarin ng kaniyang anak.

" Nandiyan ka na pala 'nak, meryenda na."

Ngumiti si Adrianne dito pabalik, bago ibaba ang tingin sa mga meryenda na nakahanda na.

" Sige po, samahan mo po akong kumain." Ngiting-ngiti aya ni Adrianne sa katulong nila.

Nais niya kasi itong makausap tungkol sa program nila bukas. Gusto niya kasing ipakilala ito kay Greysille bilang Ina niya, pagpapanggapin niya ito sa araw ng awarding certificate, na magiging history sa Campus nila after decades. Which will be the lowest section dominate the top ranking chart, everyone will see it.

Pumayag naman si Manang Gina na kumain kasama ang alaga niya. Ito lang naman kasi ang inaalagaan niya at wala ng iba. Malaki ang sahod niya rito tuwing buwan na kayang tumos-tus sa bayarin ni Greysille, ngunit sa ngayon ay kapos na kapos siya dahil sa baon rin sila sa utang roon sa Probinsiya.

" Attorney Luhan, magmeryenda ka na kasama namin." Aya ni Manang Gina sa isa niya ring itituturing na anak-anakan sa Mansion bukod kay Adrianne.

" Salamat Manang, but I have something to do. Pinapatawag ako ni Dave." Tanggi ni Luhan at agad na umalis.

Tuwang-tuwa naman si Adrianne dahil sa umalis na si Luhan at makakapagnegotiate siya kay Ginang Gina ng maayos. She will offer the biggest amount in order na mapapayag niya ito.

" Busy pa si Attorney, kaya tayo na lamang po ang kumain. Ang dami pa po nito," sabi ni Adrianne at nilagyan ng lumpia ang pinggan ni Manang Gina pati ng pancake.

Napansin ni Ginang Gina ang pagiging sweet nito, na kinatataka niya.

" Ay sige, 'nak." Nakangiting sabi ni Ginang Gina at inenjoy ang pagkain, kasama ang Amo niya.

Mayamaya habang paubos na nila ang lumpia at pancake, biglang nagsalita si Adrianne.

" Manang Gina, may offer ako sa ’yo..." Seryusong salita ni Adrianne, napatigil naman si Manang Gina sa pagsasalita.

" Offer?" Usisa naman ng Ginang sa alaga niya.

Ngumiti si Adrianne matapos marinig ang tanong ng Ginang.

" Opo, 🎉 I will pay you right away kapag nag agree ka. 20,000? Deal?" Lumabas pagiging sigurista ni Adrianne at paglapag ng ganoong pera na maliit para sa bulsa niya.

Habang nabigla naman si Ginang Gina dahil sa nalalakihan siya sa ibabayad sa kaniya ni Adrianne.

" Ano bang trabaho ’yan, Nak?" Usisa pa nito.

"Magpanggap kang Ina ko sa Ranking namin bukas. Just be my Mother, Manang Gina." Seryusong pakikipagnegosyo ni Adrianne.

" 30,000 papayag ka na ba?" Sigundang tanong ni Adrianne na hindi na nakapag isip pa si Ginang Gina dahil iniisip niya si Greysille.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now