Chapter 12 : Her number one Fanboy

4 3 0
                                    

Napakagat ibabang labi si Adrianne sa mga sangkatutang, junk foods at mga iba't ibang bagay pa na alok sa kaniya ng mga boys, bilang paghingi ng sorry. Kagabi din, panay din ang pangungulit sa kaniya ni Hernand at Oli.

Mataray niyang tinitigan ang mga kaklase niya, wala naman siyang gagawin sa mga pinamimigay nito. Sa totoo lamang, pinamigay niya lahat-lahat ng bigay ng mga ito kay Greysille, dahil hindi naman 'yon pasok sa taste niya at hindi niya naman kailangan. Tanging mula lamang kay Wyn na regalo ang napakinabangan niya.



" Sabi ko diba? Hindi niyo na kailangan na magbigay sa'kin ng ganiyan, at isa pa expected ko na. Kunin niyo na mga 'yan." Salita niya sa mga ito.

Nagpalitan naman ng tingin ang lahat sa loob ng Classroom.


" Hindi ko naman kailangan mga 'yan," dugtong pa ni Adrianne, sabay cross arms.

" ADRIANNE!!" Sigaw na bungad ni Hernand.


Lahat gulat na gulat sa biglaang pagsulpot nito na hingal na hingal at nagsisigaw pa.


" Gag*! Makasigaw ah!" Dal.

" Anong meron ganiyan ka makasigaw?" Usisa ni Oli.

Agad na hinagilap ng paningin ni Hernand si Adrianne, mabilis niya itong nilapitan. Hinawakan sa palapulsuhan at hinatak bigla na kinagulat at ikinataka ni Adrianne, maging ng mga boys.

" Anong meron?" Usisa pa ni Adrianne.

" May kaaway! Boys sa Basketball Area!" Sigaw ni Hernand na hindi makapagpaliwanag dahil sa nagmamadali siya.

Nagtitigan lahat-lahat isa't isa, sabay karipas ng takbo. Nanguna pa sila kaysa kay Hernand at Adrianne.




" Bilisan mo tumakbo naman oh!" Pakiusap ni Hernand kay Adrianne.

" Makautos ka ah!" Reklamo ni Adrianne kay Hernand.



Hindi niya naman kasi maintindihan, bakit siya ang dinampot ni Hernand.



" Bakit ba kasi ako ang kiladkad mo?" Reklamo pa ni Adrianne.

" Utos ni Wyn." Maikling sagot ni Hernand at mabilisang tumakbo hatak si Adrianne.





Sinigawan pa sila ng Guard sa sunod-sunod nilang labasan lahat-lahat na Section F. Wala silang pake lahat, napagtanto na ni Adrianne na merong bagong gulo naman siyang papasokan. Napairap na lamang din siya dahil  sa kakupad tumakbo ni Hernand. Pumalag siya sa pagkakahawak ni Hernand sa palapulsuhan niya at siya naman humatak dito ng patakbo.


" Adrianneeeeeeeeeeeeee!" Sigaw ni Hernand hanggang makarating sila sa Court.


Dito unang kinaharap ni Adrianne sina Jaxter noon. Lahat-lahat napalingon sa bagong dating na sina Hernand at Adrianne. Kunot na kunot ang noo ni Jaxter ng makita si Adrianne, pati si Tim. Nasagap naman ni Adrianne ang masamang tingin sa kaniya ng hindi bago sa paningin niyang mga siga kuno na taga-ibang School. Merong bulongan na naganap sa kabilang kampo, matapos na makilala si Adrianne.




" Anong ginagawa mo dito?" Usisa ni Jaxter kay Adrianne.

" Malay ko ba? Hinatak lang ako dito ni Hernand." Dahilan ni Adrianne kay Jaxter.


Gustong matawa ni Jaxter sa sinagot nito, ngunit saglit na sinulyapan ni Adrianne si Wyn sa gilid ni Jaxter.



" Adrianne! Nagkita tayo ulit!" Masayang bati ng Leader ng kabilang kampo na kinakunot ng noo ni Jaxter, lalo na ng lahat.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant