Chapter 18 : Section F Friendship

2 2 0
                                    

Pinag-titinginan ang buong Section F, ng ibang mga taga-ibang Section, dahil lahat sila pinalabas ni Teacher Jim sa Science class. Nabulabog din ang mga Star Section dahil sa nag-iingayan ang ibang mga Section at grade levels, habang pinapanood sa punishment ni Teacher Jim ang mga ito.





" As always,"

" Napakaterror pa naman ni Teacher Jim,"

" Siya ba 'yong Babae sa kanila?"





Napalingon narin si Greysille sa labas habang nakaupo sa kinauupoan, dahil sa ingay sa loob ng klase.






" Obvious naman,"

" Sayang Babae pa naman,"

" Kababaeng tao, gumagaya din sa mga gawi ng Section F. HAHAHA!"





Nagbingibingihan si Greysille sa mga naririnig sa kaklase at itinuon ang paningin kay Adrianne.

" Tulad ko, ang suwerte mo din Rien. Tinuturing ka nilang kaibigan."  Bulong ni Greysille sa isipan. "Pero, naiinis ako sa'yo."  Biglang lumongkot ang expression ng mukha ni Greysille, habang tinutukoy si Adrianne sa isipan.

Alam na alam ni Greysille gaano kasolid ang mga samahan ng mga Section F, magmula ng pumasok siya sa Paaralan na iyon. Maging Babae man ang dahilan, nagpaparaya ang isa't isa, gaya ng ginawa ni Wyn.





Hindi makapaniwala si Adrianne na sumunod din sa kanilang dalawa ni Wyn, ang buong Section F. Pinalabas ang lahat dahil nagsigawan ang mga ito sa loob ng klase at sa gitna mismo ng discussion ni Teacher Jim sa mga ito.

Nakita ni Adrianne na parang wala lang pake ang mga ito sa punishment nila at maging hindi nababakas ang hiya sa mga mukha nito, kahit pa pinag-titinginan sila ng mga Students.
'Yong iba nakikita pa ni Adrianne na tumatawa, sobrang kahihiyan ang nararamdaman ni Adrianne dahil hindi niya pa naranasan ang mapahiya ng ganoon sa tanang buhay niya, sanay siyang siya ang nagpapahiya kaysa sa mapahiya.





" Bukas! We will have a long test sa Lessons na'tin. Ang hindi bukas makapassing score, I will give them a dropping Grades! Don't try me, Section F!" Warning sa kanila ni Teacher Jim.


Kinabahan si Adrianne sa mga sinabi nito, kahit pa loko-loko siya, grade conscious parin siya.



Agad din namang nagbell, ibigsabihin hindi na nila class hours kay Teacher Jim na Science Subject Teacher nila.




" Dismissed!" Pagalit na sigaw nito at nauna ng naglakad papalayo.



Halatang stress na stress sa mga Section F, si Teacher Jim palagi na namang pinagtutulongan ng mga ito, kapag meron siyang pinaparusahan. Isa si Teacher Jim sa saksi gaano kasolid ang samahan ng mga ito mula noong Grade 7 pa lamang ito, walang naiiiwan sa mga ito o nagpag-iiwanan.


Gano'n din naman ang hiyawan ng mga Boys, matapos ang class dismissal. Ngunit hindi sa parte ni Adrianne, hindi siya masaya. Napuna 'yon ni Hernand at Wyn.



" Ayos ka lang?" Tanong pa ni Hernand dito.

Agad na nagsitahimikan sila at humarap kay Adrianne, para bigyan ito ng attention.

" Wag kang kabahan do'n, Adrianne. Ganiyan lang talaga si Teacher Jim." Pampalubag loob ni Dal.

" Grade conscious ka ba?" Usisa ni Wyn.



Tinitigan ni Adrianne ang lahat ng hindi nagsasalita. Disappointed siya sa mga Lalaki, pinaninindigan ng mga ito ang pagiging failure Section.







" Loko-loko 'yan grade conscious pa 'yan?" Parinig ni Jaxter na mag-isang hindi nakisiksikan para bigyan ng attention si Adrianne.

Hindi niya pa kasi nakakalimutan ang ginawa nito sa kaniya, ang pagpigil ni Adrianne sa date sana nila ni Greysille.


Biglang uminit ang ulo ni Adrianne dahil sa narinig mula kay Jaxter.

" Bunganga mo ha. Kahit pa basag ulo ako, may pake ako sa Academics ko. Palibhasa b*bo ka!" Walang prenong salita ni Adrianne.


Pagkarinig no'n ni Jaxter, biglang umusok ang ilong niya. Pinagtutulak niyang hinawi ang mga boys na nakaharang at hinarap si Adrianne.


" Kalma, Jax." Paalala ni Krist.




Masamang nagtititigan sina Jaxter at Adrianne.




" Jaxter, relax lang. Baka may dalaw si Adrianne." Nakangising pampalubag loob ni Hernand.

" Wala akong pake! Ikaw ha!" Duro ni Jaxter kay Adrianne ng hawiin ni Dal ang kamay ni Jaxter.

" Wag ganiyan," seryuso salita ni Dal na merong pagbabanta.




Naningkit ang mata ni Wyn dahil sa move na ginawa ni Dal. Minsan lamang kasi ito umalma.
Kunot noo na tinitigan ni Jaxter si Dal, merong pagbabantang nababakas si Jaxter sa tingin ni Dal dahilan para matawa si Jaxter dito.



" Tatandaan ko 'tong ginawa mo." Banta ni Jaxter kay Dal.




Hindi umimik ang lahat matapos marinig ang binitawan ni Jaxter na salita kay Dal.



Ibinalik ni Jaxter ang tingin kay Adrianne. Pinagmasdan niya ng maayos ang mukha ni Adrianne, napapangitan siya dito. Hindi siya makapaniwala na ipinagtanggol ito ni Dal sa kaniya.




" Walang mga taste!"  Dismayado niyang bulong sa isipan.






" Nagtitimpi lang ako sa'yo!" Sigaw ni Jaxter sa mukha ni Adrianne.




Hindi man lang kumurap o natinag si Adrianne sa ginawa ni Jaxter sa kaniya. Sa halip nagsmirk pa ito na kinainis lalo ni Jaxter.




" Pigilan niyo ako! Masusuntok ko 'to." Pagpapasensiya ni Jaxter dito.


Sinulyapan ni Wyn sina Krist at Frank na agad ding lumingon kay Wyn kaya nagets na ng dalawa ang mensaheng ipinapahiwatig ni Wyn sa titig pa lamang.




" Kalma, tayo na." Hatak ni Krist sa kaliwang braso ni Jaxter at sa kanang braso naman si Frank.


Sumunod din sina Tim, Tope, Ady, at Rax, kina Jaxter.





Lumapit si Wyn kay Adrianne ngunit naunahan siya ni Dal na humawak sa palapulsuhan ni Adrianne at hatakin ito paalis. Napakagat ibabang labi siya makitang naglalakad paalis ang dalawa at sumunod ang iba sa mga ito, hindi niya alam anong klaseng emotion nararamdaman niya sa kaloob-looban niya, ngunit sa idea niya at paguunawa. Naiinis siya, naiinis siya sa ginawa ni Dal.





|SF GC|

Wyn A. Ethosias: Lets review dito sa condo ko

Hernand Domingo: Over night na ba this?

Dal Romualdez: Ako na lang susundo kay Adrianne



Nakaramdam naman si Wyn ng inis, matapos makita ang chat ni Dal sa GC nila.



Bai Torres: Ako rin Dal pakisundo

Gregory Alverio: HAHAHA
Ano ka chicks?

Nix Sagbagos: Boom!

Bai Torres: Tang*na mo Gregory!

Oli Davidson Sportster: Ako na lang susundo sa'yo Bai HAHAHAHAHA

Nix Sagbagos: Ayon oh!

Hernand Domingo: Mga tamad bumiyahe

Oli Davidson Sportster: Galawang rich

Jaxter Luel  Zamora: Mukha namang paa 'yong susundoin

Nalast chat at hindi pinansin ang panlalait ni Jaxter kay Adrianne sa GC.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now