Chapter 28 : Best friend betrayal

2 1 0
                                    

“ Nakakapikon na talaga ’yong Adrianne na ’yon!” Rant ni Rax pagpasok niya sa kotse niya kasama si Ady.

Pagdating nila kasing apat sa parking lot agad na humiwalay sina Tope at Perth. Dahil mayroong gala ang dalawa, higit kasing mas close si Tope at Perth lalo na sa kalokohan.


“ Sinabi mo pa,” hirit pa ni Ady at naupo sa backseat ng kotse ni Rax.





Napailing na lamang si Rax dahil hindi niya parin maiwaksi sa isipan niya ang ginawa ni Adrianne sa kaniya.




“ Magpapahatid ka naman?” Reklamo ni Rax kay Ady.

“ Ibaba mo lang ako sa Coffee Shop ko.” Tipid na sagot ni Ady saka nanahimik sa gilid at nais umidlip.




Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Rax bago istart ang engine at paharurutin ang kotse na minamaniho.


“ Kapag nakaluwag ka bumili ka ng sarili mong kotse, ang dami mong pera pero ang kuripot mo.” Reklamo pa ulit ni Rax sa kaibigan.

“ Sugarol ka kasi.” Salita ni Ady sa likuran ni Rax.






Napailing naman ng ilang beses si Rax at pinukos ang tingin sa daan.

Inihatid niya muna si Ady sa mini business nito bago umalis, hindi na kasi siya matahimik sa kakaisip ng malaki niyang utang. Sinisingil siya ng Gangsters na pinagkakautangan niya, hindi niya naman saan niya kukunin ang napakalaking pera. Natatakot siyang ipaalam sa magulang niya dahil panigurado bugbugsarado siya sa Ama niya.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Rax ng merong tumawag sa kaniya. Unknown number ang bungad sa Screen ng Cellphone ni Rax ng iangat niya ito para tignan. Agad niyang pinindot ang answer button at sumagot sa tawag nito.



“ Kailangan mo?” Cold tone voice of Rax.

May narinig siyang malakas na tawa sa kabilang linya na parang tuwang-tuwa.

“ Rax, hindi mo ba talaga kami mababayaran?”  Tanong ng Lalaki sa kabilang linya na parang clown kung tumawa.

Naisandal ni Rax ang ulo sa kinauupoan sabay dila ng labi at nilinis ang sariling labi gamit ang sariling dila, saka ngumiti at tumawa din.

“ Bakit? Sa tingin mo hindi ako magbabayad? Ganiyan ba kayo kauhaw sa milyones?” Natatawang salita ni Rax sa mga ito habang nakikipag-usap.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa sinabi ni Rax.

“ Sabado. Kapag hindi mo nabayaran ang pagkakautang mo papatayin ka namin pati ang mga kaibigan mo pero kung gusto mong hindi kana gumastos ng milyones. Inaasahan ni Boss na ibigay mo sa kaniya ang Leader niyo.”  Pakikipagnegosyo sa kabilang linya sabay baba ng tawag.



Humina bigla ang tibok ng puso ni Rax dahil sa narinig.




















Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Adrianne habang inaantay sa visiting desk si Knoxville. Ngayon lamang niya ito dadalawin matapos ang ilang taong hindi sila nagkita.

Kinakabahan pa si Adrianne dahil baka masaktan siya ni Knoxville matapos hindi dito magpakita, pero gusto niya ring kamustahin ito.





“ Hindi ko alam na lumaki ka lang, lalo ka ng gumanda.” Bulong sa taenga ni Adrianne na nagpagulat kay Adrianne kaya napaatras ng wala sa oras.


Unobtrusive Lovers  (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang