Chapter 35 : Ochea Family

2 1 0
                                    

Napabuga ng hangin si Adrianne sa bibig niya dahilan liparin ang iilang hibla ng buhok niya. Paulit-ulit kasi siyang pabalikbalik na nagsusukat ng susuotin niyang dress sa event, hindi din naman siya makahindi dahil nakabantay sa kaniya si Dave. Judges pa sa susuotin niya ito kasama si Attorney Luhan.

“ Tingin mo anong mas bagay sa kaniya?” Tanong ni Dave kay Attorney Luhan.

Naningkit pa ang mata ni Luhan at nagkagat labi habang nag-iisip.

“ The lavender one suites her better,” pagbibigay ni Luhan ng sagot.

Bigla naman pumalakpak ang Gay na designer nila.

“ Perfect! You have a good taste Attorney.” Papuri pa nito.

Napataas naman ang kilay ni Adrianne dahil sumilay ang magandang ngiti ni Luhan ng bolahin ito.

“ Well, she will take that Lavender dress.” Desisyon ni Dave bago tumayo sa kinauupoan at inayos ang kurbata nito.   “ I have something to do, kaya ikaw na Luhan bahala sa pasaway kong kapatid.” Bilin pa ni Dave.

Napairap sa hangin si Adrianne ng marinig ang sinabi ng Kuya niya. Tumango lamang si Luhan habang ipinagbihis naman si Adrianne, matapos niya makapagbihis ay tinakbohan niya agad ‘yong Designer nila. Dinamay niya pa si Luhan na nagpapakabait na, hinila-hila niya ito papunta sa Library dahil nais niyang ayain naman itong magbasa.

“ You didn't like girls things, huh?” Puna pa ni Luhan sa kaniya.

“ Sila lang ‘yon,” pasingit pa ni Adrianne rito.

Ngunit natigilan silang pareho sa pagbaybay ng daan papunta sa Library ng magkasalubong nila si Maira. Ikinagulat ni Adrianne ang pagkakakita muli sa Ate niya na matagal na niyang hindi nakita.

They both end up na pumunta sa Office dati ng yumaong Ama nila, kasama si Luhan.

“ Glad, I see you here.” Panimula ni Maira na nakatayo lamang at nakacross-arms pa.

Tinutukoy nito si Adrianne na bunsong kapatid niya.

“ Bilib talaga ako kay Dave na napapauwi ka pa niya at napapanatili rito kahit papaano, for Company sake!” Dugtong pa nito.

Pinakinggan lamang ito ni Adrianne dahil sanay na siyang bungangaan nito palagi, lalo na kapag alam nitong may nagawa naman siyang kasalanan.

“ Pero, this time naman may bago ka namang pinasok na gulo. Anong pumasok sa isipan mo, Adrianne? At binisita mo ang criminal na ‘yon?! With this Lawyer?!” Turo pa ni Maira kay Luhan habang high blood naman ito sa kay Adrianne.

Napayuko naman si Luhan dahil kilala pala siya nito, hindi pa kasi sila nagkikita at tanging si Dave lamang ang nakakausap niya.

“ At may pinasokan ka namang gulo?! With those bastard kids like you?! I can't believe na hindi ka pa tumitino with all of happened to you!” Sermon nito kay Adrianne.

“ And you!” Nilapitan ni Maira si Luhan at dinuro ito sa sintido ng ulo nito.

“ How dare you to followed her?! Mas matanda ka at mas may nalalaman kaysa sa kaniya. Kayaga ka rin ng Ama mo!” Walang prenong bunganga ni Maira being insensitive to her words.

“ Don't mention my father, Mrs. Vergara.” Magalang na pakiusap ni Luhan rito.

“ It's true dahil pareho lang kayong nauutosan nitong Babaeng ito na matigas ang ulo! She didn't care about her Surname and reputation!” Giit pa ni Maira.

Napatayo si Adrianne dahil sa hindi niya makaya ang pinagsasabi ng Ate niya at nadamay pa ang Ama ni Luhan roon. Invaliding insensitivity towards Luhan, the son of their trusted Lawyer. Nagulat pa si Maira sa biglang pagtayo ni Adrianne at tinitigan siya nito ng masama na parang kakalabanin siya.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon